Chapter 13

11 1 3
                                    

Chapter 13

"Good morning!" Masaya kong bati sa kanila.

Nagsisimula na silang kumain nang bumaba ako. Late na kasi ako nagising dahil sobrang late na rin ako nakauwi.

Pasado ala-una na yata ako hinatid ni Alaric dito kagabi. Sobra naman akong nag-enjoy sa first meet up namin, or should I say date? But whatever, basta nag-enjoy ako.

"Wow, ganda ng mood ah?"

"Syempre, may kadate kahapon e." Tukso pa nila. Umirap lang ako at umupo sa tabi ni Mommy.

"Good morning, Mom."

"Good morning, anak."

Sinabi nila sa akin ang biglaan nilang plano na pupunta kami ngayong araw sa Davao. Kaya pagkatapos kumain, nag-impake na naman ako ng gamit na dadalhin. Kung alam ko lang, e 'di sana ay hindi ko muna inalis sa maleta.

Isa sa pinakaiinisan ko, ang mag-impake tuwing aalis. Kung pwede nga lang na huwag na ay hindi ko na gagawin pero magtatagal kami do'n. Ayaw ko naman na manghiram ng gamit ng iba.

Tinawagan ko si Alaric para ipaalam na aalis kami.

"Pupunta kami ng Davao ngayon, Ric."

"Davao? Why?"

"Oo, bibisitahin namin ang kamag-anak namin do'n. Sama ka?" 

Mabigat siyang bumuntong hininga at lumabi. Base sa nakikita ko sa background niya, parang nasa kusina siya.

"I want to but we both know I can't. And I can't just come with you, I haven't meet your family, Eliz."

"Pagbalik namin, dadalhin na kita dito."

"Kailan kayo babalik?" Parang bata niyag tanong.

"Siguro sa isang linggo,"

"So, one week without Elizabeth? Kaawa awa pala ako kung gano'n,"

Tuluyan na akong tumawa ng malakas. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Ang leeg at tainga ay namumula dahil sa kahihiyan.

"Isang taon ka ngang walang Elizabeth noon, 'di ba?" Tumawa muli ako. Masama na ang timpla niya pero tuloy pa rin ako sa pang-aasar sa kaniya.

"Ano bang ginagawa mo?"

"I'm cooking, you see." Itinutok niya ang camera sa niluluto niya.

"Wow, adobo. Late ka na makakakain ng breakfast, dapat nag-order ka na lang or bumaba sa mga resto diyan sa condo mo." 

"Gusto ko lutong bahay, Eliz."

"Dapat nagha-hire ka ng maid o kahit cook man lang, Ric. Paano kung pagod ka na sa trabaho tapos magluluto ka pa para sa sarili mo. You should hire one."

"Ayaw, I don't want anyone invade my personal space. I can do this, don't worry."

"Kahit ako?"

"You're the exception."

"Kung ako na lang kaya ang i-hire mo?"

"Why not, right? You can just sit here and let me do everything."

"E ano pa'ng sense ng pag-hire sa akin, 'di ba?" Umirap ako at tumawa lang siya. 

Nang magtanghali, tumulak na kami papuntang Davao. Ilang oras lang ang byahe sa eroplano.

I slept the whole ride. May shoot si Alaric sa bagong brand na i-endorse niya kaya hindi ko siya magawang tawagan. Kaya pagdating namin sa Davao, mataas pa rin ang energy ko kahit gabi na.

Sabay-sabay kaming kumain sa garden nina Tita Louise at Tito Marco, ang mga magulang ni Ate Jhamilla, Kuya Loren at Kuya Juaquin.

"Kumusta kayo?"

"Okay naman kami Louise, kayo dito? Pasensiya na at ngayon lang ulit nakabisita," Mommy said.

"We're okay here." Sagot niya. Bumaling siya sa aming mga kabataan. "Mabuti at nakauwi kayo,"

"Matagal na rin naman po kaming hindi nakakauwi," sagot ko. Tumawa siya.

"Right. Five years, right? Ang laki mo na Zab." Matamis siyang ngumiti sa akin. I must say, she's the most sweet auntie.

"Nako, Mom, may manliligaw na 'yan." Ate Jhamilla said, teasing me.

"Dalaga na talaga ang kapatid ko, Tita. Parang hindi pa ako handa," madramang sabi naman ni Kuya habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

OA talaga.

Nalala ko noong unang beses niya akong naka-lipstick at blush on.

"Hala ka, Zab! Lipstick ba 'yan?!"

"Uhm, yes... I tried mommy's make up." Awkward na sabi ko pa noon dahil parang hindi niya nagustuhan ang resulta. Hindi naman kasi talaga ko marunong gumamit no'n. Nag-try lang talaga ako.

"Dalaga ka na, Zab?! Hindi pa pwede!" Malungkot niyang sabi.

Sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Stop it, Kuya,"

"Totoo naman! Ang haharot niyo nga kapag magkausap kayo sa phone noon sa Cali, e." Inismidan niya ako at bumaling kay Ava.

Inapakan ko paa niya sa ilalim ng mesa.

"Aray naman, Zab!" Atungal na naman niya. I hissed.

"Ipakilala mo muna sa amin, Zab bago mo sagutin, okay?" Tumango na lang ako para hindi na humaba ang usapan tungkol sa amin ni Ric.

Mahabang kulitan ang kamustahan ang nangyari sa aming dinner. Ang gugulo nila at syempre si Kuya ang nangunguna, minsan ay nakikisali kapag may mga tanong sa akin. Nakuntento na lang ako sa pagmasdan silang lahat.

I took a picture of them and post on facebook.

Dinner time, family time ;)

May ilang nagtanong kung nakauwi na ba raw ako dito sa Pilipinas. Matiyaga ko silang ni-reply-an.

Pagkatapos kumain, naiwan kaming magpipinsan sa labas dahil nagyaya silang mag-inom. Umiinom ako noon sa ibang bansa pero madalang, natuto lang ako dahil sa mga kaibigan sa Paris.

"Maglalasing tayo nagyong gabi. Lahat tayo, no one left behind." sabi ni Kuya.

Paladesisyon 'to.

Mag-aalas-nuwebe na nang tumawag si Alaric. Lasing na ang ilan sa kanila, maging ako. Pumipikit-pikit na ang mga mata ko.

"Hi," bati niya agad pagkasagot ko.

"Hi,"

"Ten minutes break namin,"

"Hm," ungol ko.

"Are you okay?"

Sumandal na ako sa balikat ni Kuya Loren dahil pakiramdam ko ay babagsak na ako. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin. Humagikhik si Kuya Vlad at may binulong kay Kuya Loren at sa iba pa.

"Hoy, Ren. Ingatan mo 'yang kapatid ko, ah?!" Biglang sigaw niya.

"Ako na ang bahala kay Eliz, brad." Sagot naman ni Kuya Loren. Humalakhak siya sa tapat ng tainga ko kung nasaan ang cellphone ko.

Kumunot ang noo ko sa pangalan na tinawag niya sa akin. Muli na namang umikot ang paningin ko kaya hindi na ako nakapagreklamo.

"Third room sa second floor ang kwarto niyo! Sa couch ka lang matutulog ah, sa kama si Zab. Sige na, buhatin mo na 'yan!"

"Why would I sleep at the couch if we can sleep together at the soft bed, Vlad?" Muli siyang humalakhak.

"W-What the fuck? W-Where are you, E-Eliz? Sino 'yon?" Tanong ng kausap ko.

"Huh?" 'Yon na lang ang tanging nasagot ko sa kausap sa kabilang linya.

Ugh, umiikot na talaga ang mundo ko.

Tawanan na lang nila ang narinig ko bago ako mawalan ng malay. Bwiset na alak 'yan.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now