Chapter 29

10 0 0
                                    

Chapter 29

Nakaupo ako sa highchair at nasa harap ang bowl ng cerial at isang baso ng gatas, mayroon ding steam vegetable. Napalabi ako kay Kuya na nakaupo sa tabi ko. Itinaas niya ang kaniyang kilay sa akin.

"Ano? Kain na," mas inilapit niya pa sa akin ang mga pagkain.

Bakit ganito ang mga pagkain na binibigay niya sa akin?

Simula nang malaman nilang buntis ako, todo asikaso sila sa akin, lalong lalo na si Kuya Vlad. Para na nga siyang napapraning. Kahit si Ava ay inis na inis sa kaniya. Napaka-oa!

"Zab! Kakausapin ka daw ni Sam!" Sigaw ni Kuya Loren mula sa sala.

"Daya ni Sam, sa 'kin hindi tumatawag." Bulong ni Kuya. Ngumiti ako sa kaniya at saka tumayo para pumunta sa sala.

Makakaligtas ako!

"Hoy, Zab! Kainin mo 'to!" Sigaw pa niya na para bang ang layo-layo ko, hindi ko siya pinansin at nagdiretso na sa paglakad. Inabot sa akin ni Kuya Loren ang loptop niya.

"Hi, Zab. How are you?" Bati ni Ate Sam.

"I'm okay, Ate."

"Aw, I miss you na. Promise, uuwi na talaga ako diyan pagnaayos ko na ang kompanya dito."

Umayos ako ng upo at sumandal sa backrest.

"Okay lang naman po, Ate. Take your time. Medyo okay na po ako."

"What about the issue? Settled na ba?" 

Kinalabit ako ni Kuya Loren at sinabing siya na ang magpapaliwanag.

Sa totoo lang, hindi ako nakikialam sa bagay na 'yan, ayaw nila na makialam ako. Sila ang gumagawa ng paraan para maayos ang gusot, para malinis ang pangalan ko sa lahat.

"Okay na, Sam. We already took down the video at 'yong babaeng may pakana, nahuli na rin."

"Really? That's good. I'm sorry for being MIA, I was really busy and you know..." nagkibit balikat siya at umiwas ng tingin sa amin. "But anyway, who's the bitch?"

"Model. May gusto yata kay Alaric kaya gano'n. Pero nalaman din namin na may sakit sa pag-iisip. Nagpapagaling pa siya sa ngayon sa mental hospital."

Tumango-tango si Ate Sam.

"How about you, Zab? Nag-release ka na ba ng statement?"

Umiling ako. Wala akong planong gawin 'yon. Humuhupa na rin naman ang issue, mabubuhay lang ulit kung maglalabas pa ako ng statement sa media.

"Hindi na po, Ate. Okay na po ako na wala na'ng video na kumakalat."

"How about... Alaric?" Napaiwas agad ako ng tingin. "Sorry for asking this, Zab-"

"Okay lang po." Pilit akong ngumiti sa kaniya.

Nagdaldalan pa kami ni Ate Sam hanggang sa hinila na ako ni Kuya Vlad pabalik sa kusina para ituloy ang pagkain ng niluto niya.

Akala ko ligtas na ako.

Maganda ang mood ko hanggang sa nakatanggap ako ng text mula sa taong hindi ko inaasahang magpaparamdam sa akin.

From: Tita Dianne
Hi, Zab. Can we meet? I need to tell you something. Please, this is important, anak. Hope you come.

She send me the details. And I can't help but to stare at the screen.

Napalunok ako. Kaya ko ba? Two months had passed. Dalawang buwan na. Bakit ngayon lang? Kasama niya ba si Alaric?

Ang dami kong tanong, ang daming pumapasok sa isip ko. Kabadong-kabado ako nang paalis na kami sa bahay. Nagpumilit si Kuya Vlad na sumama sa akin dahil nag-alala daw silang lahat kung ako lang mag-isa ang aalis.

"Sure ka bang kaya mo nag-isa, Zab? Pwede naman ako sumama sa 'yo sa loob."

Umiling lang ako at sumulyap ulit sa malaking bahay. Minsan na rin akong pumunta dito noon.

"Okay lang po,"

It feel nostalgia. Pero hindi katulad noon, ang lungkot ng buong bahay.

"Elizabeth," lumungon ako sa tumawag sa akin. And there, I saw Tita Dianne wearing her long black dress. She smiled at me. "Thank you for coming,"

"Tita," she pulled me for a tight hug. Niyakap ko siya pabalik hanggang sa narinig ko na ang paghikbi niya sa balikat ko.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa kusa na siyang humiwalay sa akin. She wiped her wet face.

"S-Sorry, I'm just..." she chuckled, still wiping her cheeks.

Iginaya niya ako sa kusina. May pagkaing nakahain sa lamesa.

"Naghanda ako para sa 'yo, Zab. Eat with me, Hija."

Walang Alaric. Walang Alaric na sumalubong sa akin.

"T-Tita, where's Alaric?"

"K-Kain muna tayo, Zab. Halika k-ka." Sabi niya, patuloy pa rin siya sa pagpunas ng mukha dahil patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha niya.

"T-Tita,"

Humikbi siya. Nanghihina siyang umupo. She shook her head while crying.

"H-He's gone."

Nagpintig ang tainga ko. Para akong nabibingi, kahit ang pag-iyak niya ay nawawala sa pandinig ko.

No. Ano ba'ng sinasabi niya?

"Wala na si A-Alaric,"

We let ourselves to calmdown. Mahigpit ang hawak ko sa tiyan ko.

Baby...

"W-What happened?"

"He's suffering from Alzheimer's disease,"

"For how long?"

"F-For almost two years,"

Two years...

"He's doing his best para hindi mo malaman, pero alam natin na nakakakita ka na ng sintomas, 'di ba?"

I nod my head. Those strange things.

"He didn't left you, Zab. He was taken away. Inagaw na siya sa atin."

Dapat sinabi niya na lang para naman nakapaghanda ako. Hindi 'yong bigalaan. Biglang wala ng Alaric.

"B-Bakit ngayon niyo lang sinabi, Tita? Two months had p-passed."

She smiled painfully, punong-puno ng luha ang mata.

"That's his last wish. Don't tell you that he's dying. Mahal ma mahal ka ng anak ko, Zab, mas gugustuhin niyang isipin mo na iniwan ka niya sa ere kaysa sa nawala siya. S-Sabi niya, m-mabilis ka daw makaka-move on kapag gano'n ang alam mo. He wants the best for you, Zab. M-Mahal na mahal ka ng anak ko."

I wipe the tears in my face.

Bakit ang selfless mo mag-isip, Alaric? Nakakainis ka.

"Nakita ko 'to sa kwarto niya, I thought it's for you. I didn't read that, baka gusto niya na ikaw lang ang makabasa niyan." Inabot niya sa akin ang isang papel.

Agad ko 'yong tinanggap at binuksan. Una pa lang ay masakit na.

Dear God,

This is not the first time I'm praying this. But please, please heal her scars when I'm  gone.

I love her so much. Siya lang. Please, God. Don't let her stuck with me forever. Give her a man who can love her more that I love her. And thank you for giving me a chance to love her, I won't forgot that even after this lifetime.

When I'm gone, I want her to be happy. I want her to be free. I want her to love someone again.

Mahal na mahal ko siya. Lord, kahit 'yon na lang.

And that moment, everything sink in.

Alaric Asher Suarez is really gone. My Alaric is gone.

-

My Not So Low Quality Self (Social Media Series #5)Where stories live. Discover now