Chapter 30

9.6K 412 14
                                    

Sage Imperial's

Hindi ko mapigilan ang pagpapakawala ng isang malalim na buntong hininga habang nakaupo dito sa office ni Alejandro.

Pilit na hinahalukay ng isip ko kung sino ba yung nagtext sa akin kanina. May nagawan ba ako ng kasalanan? Prank lang ba yun or what?

Sino ba kasi yun?

I bit my bottom lip before getting my phone. I'll call Sammy. Namimiss ko na ang pamilya ko dahil hindi ko na rin sila nabisita. Marami kasing ginagawa dito sa office lalo pa't lumalawak lalo ang expansion ng kompanya.

I dialed Sammy's number and after a few rings, she picked up.

"Hellooo, kuya!" Agad nitong bati sa kabilang linya. Napangiti ako at sumandal sa upuan ko.

"Hi, Sammy. Kamusta kayo dyan?" I asked. "Pasensya na hindi ko kayo nabibisita. Ang dami kong ginagawa pero baka sa linggo makadalaw ako."

"It's fine, kuya. Naiintindihan namin 'no ka ba. Dalaw ka kapag nagkaroon ka ng free time. Miss na miss ka na namin ni Santi."

Inabot ng daliri ang edge ng mesa 'saka pinalandas ko ito doon. "Miss na miss ko na rin kayo. Basta mag-iingat kayo lagi at huwag magpapabaya ha?"

"Yes naman, kuya. Anyway, wala ba dyan ang lover mo?"

I shook my head as if Sammy's in front of me. "Wala. Nasa Singapore siya ngayon. Hell stay there for 2 days."

"Aysus! Tapos namimiss mo naman agad? Huwag ka ng mag deny dahil nahahalata sa boses mo. Iww! Stinky!"

"Tumigil ka nga, Sammy. Stinky mo mukha mo! Sina mama nga pala?"

"Nasa bahay sila, malamang. Hello, kuya? Nasa university kaya ako ngayon kung 'di mo naitatanong hehe!"

Shoot! May pasok nga pala si Sammy. Ano ba yan! Nagiging makakalimutin na ata ako.

"Oo nga pala. Sige na, end ko na 'to. Basta dadalaw ako kapag hindi na masyadong busy. Pa I love you kina Santi." I brushed my fingers to my hair.

"Okaaays! Makakarating. Anyway, magsabi ka kung pupunta kang bahay, kuya. Ako kasi gumagamit sa kwarto mo dati baka maabutan mong magulo at sabunutan mo pa ako."

I frowned. "Alagaan mo naman yung kwarto ko, Sammy. Masasakal talaga kita kapag hindi yun malinis."

"Fineee! Babye kuya kong clean freak! I love you! Mwah!"

The call ended. Napailing na lang ako't inilapag ang cellphone ko sa mesa. Napatingin ako sa pwesto ni Alejandro at napangiti.

It seems like he's just there, nakakunot ang noo at sobrang busy sa ginagawa tapos biglang titingin sa akin at ngingiting parang sira. Ako nama'y kikiligin na parang teenager. Jusq! Ganito pala pag may lovelife.

Time is up. Your happiness should be cut off. See you soon, Sage.

Nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi ko habang nakatingin sa mesa ni Alejandro dahil sa naalala ko.

Ayoko na ring sabihin kay Alejandro kasi ayokong makaabala. Siguro nga gino-good time lang ako kung sino man yun. Alam mo na, mga taong walang magawa sa buhay nila.

Iwinaglit ko ang isiping iyon. I stood up and walk towards Alejandro's table. Nang marating ay masuyo kong hinaplos ang mesa. Ang kintab, ang linis.

My eyes found a picture frame. Lumawak ang ngiti ko dahil hindi ko talaga sukat akalain na ilalagay niya ang picture ko dito mismo sa mesa niya. That's sweet.

"Nakakamiss ka pala," bulong ko sa hangin habang iniisip ang lalaking yun. Jusmio, Sage!

"Baliw na nga ata talaga ang puso ko."

It's 6 pm.

I'm here at the condo unit at kasalukuyang naghahanda ng pagkain para sa dinner ko. Hindi ko na rin dinamihan total ako lang naman at wala si Alejandro kaya tama lang para sa akin ang pagkain na niluluto ko.

Speaking of Alejandro, hindi pa ito tumatawag. Siguro nga'y busy na ito doon kaya hinayaan ko na lang din.

I was waiting for the food to be fully cook when I heard a knock on the door. Kumunot ang noo ko.

Who could that be?

I paved my way towards the door. Without hesitation, I opened it— na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil sumalubong sa akin ang malditang si Maxine.

"Where is Alejandro?" Agad na tanong nito sa nakataas na kilay. Pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Wala siya dito," matabang kong sagot at hindi rin ako nagpatalo. Sinalubong ko ang tingin niya.

She rolled her eyes. "Where is he? I need to talk to him!"

Nakakarindi talaga ang may katamtamang tinis ng boses niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga binigyan siya ng walang ganang tingin.

"I won't tell where my boyfriend is kaya umalis ka na." Mahina ngunit may diin kong sabi.

She chuckled. "Really? Boyfriend? Gross!"

"Ikaw ang gross! Pinagtatabuyan ka na nga, ipinagpipilitan mo pa yang sarili mo. Hindi ka ba nahihiya?" Nang-iinsulto kong tanong.

"Because he's mine in the first place. Ako ang first love—"

I cut her off. "Quit using first love card to me, Maxine. Wala akong pakialam kong ikaw ang first love eme ni Alejandro. I am his present at wala kang magagawa doon."

"I'll get him back! You fucking gay!" Salubong na salubong ang kilay niya't parang inis na inis.

That's it, Maxine. Gusto kong maramdaman mong hindi ako basta-bastang nagpapaapi lang. I am not gay for nothing.

"Sure, play all your ways in getting him back but put this on your mind," I smirked. "I won't give him back that easy, Maxine. Hindi ako bakla lang. Tandaan mo yan."

"We'll see about that. One day, you'll cry, Sage, you'll cry. Hindi mo ako kilala."

"Hindi mo ako matatakot, Maxine. Oo, hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala kaya wag kang pasisigurado."

Maxine smirked. "Feisty gay huh?"

"Tigilan mo na rin ang pagsesend sa akin ng kung ano-anong mensahe dahil hindi mo ako matatakot."

Kumunot ang noo niya't bahagyang gumalaw ang sulok ng labi niya na parang bang nagtataka siya sa mga sinabi ko.

"What the hell are you saying? Message what?"

Umiling-iling ako. "Ikaw ang nagsesend sa akin ng mga messages 'di ba? Wala akong ibang maisip na gagawa nun kundi ikaw lang. Stop pretending."

She scoffed as she flipped her hair backwards. She look so frustrated and annoyed.

"I don't know what you're talking about!"

Tumaas ang kilay ko. "Umalis ka na, Maxine bago pa ikaw ang isunod kong lutuing bwesit ka!"

"Oh my gosh! Freak!"

"Aalis ka ba o kakatayin kita?" Madiing tanong ko na nagpalaki sa mga mata niya. Inirapan ako nito't tumalikod na at nagdadabog na umalis.

Mabuti naman at naniwalang kakatayin ko siya. Napailing na lang ako't muli na sanang isasara ang pinto pero sa hindi malamang dahilan ay dumako ang tingin ko sa daang tinahak ni Maxine at nakitang nakahinto pala ito.

I saw Maxine standing, she has this serious look on her face as she stared at me. Kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya.

She's damn weird!

Mabilisang update. Sino ba kasi yung textmate ni Sage mga mare? Ang epal ni Maxine 'di ba? Pers lab ka lang! Hindi ikaw ang present card gamit ni Sage HAHAHAHA anyway, thank you sa mga patuloy na nakasubaybay sa storya ni Alejandro at Sage. Ingaaat!

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon