Chapter 17

13.3K 639 104
                                    

Sage Imperial's

"Grabe! Nakita mo yun, Sage? Pinag-aagawan ka ng dalawang Alfonso!"

Napangiwi ako sa sinabi ni Julianna. Kasama ko siya ngayon at dinala niya ako sa verandah ng mansion. Pareho kaming may hawak na kopita ng wine.

"Hindi naman," natatawang sagot ko.

She raised her eyebrow. "Anong hindi? Iyon talaga ang tingin ko kanina. Pinag-aagawan ka nila!"

Napailing na lamang ako. I don't believe her kasi impossible naman talaga. Sino ba naman ako para ilaban ng isang Alejandro 'di ba? Personal assistant lang naman niya ako.

"How long have you been working as Alejandro's personal assistant?" she asked.

"Bago pa lang pero two years na akong nagtatrabaho sa kompanya nila." I answered and then I took a sip of wine.

"I wonder why Alejandro made you his p.a. kasi pagkakaalam ko ayaw na ayaw nito ng may nakasunod sa kanya,"

Nagkibit-balikat na lang ako dahil kahit ako'y hindi ko alam kung bakit niya ako ginawang p.a slash secretary.

"Omg! You really his exception!" Patiling sabi nito na ikinanganga ako.

Ano ba naman 'tong lumalabas sa bibig niya? Hindi ko kinakaya. Napatingin na lang ako sa baba at tanaw namin ang mga tao sa garden. Nagniningning ang mga gown ng mga babae.

"Sage, pasensya ka na pala doon sa kapatid kong si David. Ewan ko ba kung bakit homophobic yun. Hindi ata nadevelop ang utak."

"Ayos lang yun. I–ikaw? Hindi ka ba naaasiwa sa akin? I'm—"

"You're gay, I know. Ano naman?"

She smiled at me kaya napangiti na lang din ako. Hinaplos na naman ang puso ko. Nakakatuwa talaga na ang open ang pamilya nila sa ganito.

Uminom siya ng wine at pagkatapos ay muling tumingin sa akin. "Magkakilala pala kayo ni Marcus? And— close friend, Sagey baby." Tukso nito sa akin na ikinatawa ko lang.

"Wala lang yun 'no. Ganun lang talaga ang tawag niya sa'kin. I didn't expect na kapatid pala siya nina Sir Juancho at Sir Alejandro. Akala ko talaga dalawa lang sila tas may Marcus pa pala."

"When fates steps in and brought the 3 of you to meet. Omg!"

Natawa ako. "Kayo, dalawa lang kayo nung David?" I asked.

She shook her head first. "Nope. May isa pa kaming kapatid. His name is Claudio. He's actually here yesterday at kakauwi niya lang ng Pinas kaninang umaga."

Napatango-tango ako. So, tatlo din silang magkapatid.

"Dito pala nakatira ang mga magulang nina Sir Alejandro, Julianna?" I asked.

She chuckled. "No. Paminsan-minsan lang sila pumunta dito. Sa Pinas pa rin sila nakatira. Actually, yung isang kapatid lang nila uncle Aleja at papa ang nakatira sa ibang bansa, sa France."

Yun sigurong sinasabi ni Sir Alejandro na lalaki rin ang pinakasalan. Ang gara naman. Mansion na parang bakasyonan lang pala ito? Napatango-tango ako.

"It's just sad that uncle Maximo didn't make it here. May emergency meeting daw kasi at saktong ngayong araw pa,"

I breathed deeply. "Julianna, iyon bang Maximo ay may asawang lalaki?"

She looked at me then she nodded. "Yep, uncle Maximo married uncle Callisto," she smiled. "How did you know?"

"Naikwento lang ni Sir Alejandro—"

"SHIT! ISANG ALEJANDRO ALFONSO III? NAGKWENTO SAYO? OMG! KAKAIBA KA NGA—"

Ruthless Chairman (Alfonso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon