CHAPTER 32: ( Menstruation )

Start from the beginning
                                    

Napakunot noo ito at nagdadalawang isip pa na napatitig sa'kin. At the end he nodded before he gone on my front.

Napabuga ako ng hangin at muli ay sumakit na naman ang puson ko. Argh! I hate red days!

Tiningnan ko ang mantsa sa sofa bago muling tumingin papalabas sa sala. Kailangan kong makabalik sa sarili kong kuwarto. Nakakahiya sa kanila kapag maabutan pa nila akong ganito.

Dahan-dahan akong lumabas at pigil hindi makatalikod dahil natagusan na ang suot ko. Ang lakas pa naman ng tulo. Huhu! Only Lara can help me...

Pagdating ko sa kusina ay talagang sobrang patago ako. Nahagip pa ng paningin ko si Drake na napapasabunot sa buhok at kita ko ang pagtagpo ng dalawa niyang makakapal na kilay kahit may maskara sa mga mata niya. Mukhang may tinatawagan sa telepono.

At pati din ang iba pang maids ay may kinocontact at halatang kabado at nanginginig. Napakunot noo ako sa ginagawa nila. Nang hindi nila ako napansin ay mabilis akong lumabas doon at mabilis na umakyat papataas.

Naghahabul hininga ako ng makapasok sa sarili kong kuwarto. Nilibot ko iyon ng sarili kong paningin at mabilis na tumakbo papasok sa banyo.

Putik! Hindi ko inaasahan na red days ko pala ngayon!

Mabilis akong nagpunas at nagsuot lamang ng over size t-shirt na pinarisan ng pajamas. Mukhang malamig pa naman ang panahon.

Ilang minuto pa akong nasa loob ng may biglang kumatok sa pintuan nitong banyo. "S-sino y-yan?" nanginginig kong bigkas. Mabilis na inayos ko ang sarili ko at sinilip iyon. Napangiti ako ng makita si Lara. Kita ko din ang pagkagat niya ng daliri niya, mukhang kinakabahan.

"M-mahal na prinsesa, Ashlen? Nandiyan ka ba?"

"Oo, Lara," binuksan ko ang pinto at lumabas sa banyo. Napahawak siya sa dibdib at kita ko ang  pagtulo ng pawis nito na mabilis niyang pinunasan.

"Why?" takang tanong ko at napahawak sa bandang puson ko. Ang sakit pa rin!

"Ang prinsipe kasi hinahanap ka. Pinapatawag mo din ako? Ano bang nangyari? May sugat ka ba? O may masakit sa'yo? 'Yun kasi ang sabi ng prinsipe kaya siguro ganon na lamang siya nataranta kanina."

Umiling-iling ako at dahan-dahang umupo sa kama ko at nahiga doon. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman uli't ang sakit.

"Ashlen? Ano bang masakit?"

Tiningnan ko si Lara at muli ay umiling. "L-lara, may n-napkin ka ba diyan?" nahihiyang tanong ko at mabilis na umiwas ng tingin.

Ramdam ko ang pagkatahimik nito kaya nilingon ko siya. Nakatulala ito sa akin. "Lara?" kaway-kaway ko dito dahilan na pagbalik niya sa katinuan.

"Pfft— Nireregla ka pala? Tapos grabe makaakto ang prinsipe? Haha! Ay oo, kukunin ko! Mayron akong napkin!"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you. By the way, huwag mong sabihin kay Drake na nandito ako. Nahihiya pa ako kanina."

Napatango-tango ito at ngumiti. Napabuga ako ng hangin. Hindi talaga madali maging babae. Nireregla pa lang ang sakit na sa puson.

'Pag may honeymoon naman masakit sa una. Kapag mabuntis ka naman, magdadalang bola ka sa loob ng siyam na buwan. Kapag manganganak naman, e halos himatayin ka sa sobrang sakit para lamang mailabas ang bata. Namula ako sa mga naisip ko. Putik! Ba't ko ba iniisip ang mga yon?!

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at ginamit ang napkin na binigay sa akin ni Lara ng bumalik siya. Kung wala talaga siya, hindi ko alam ang gagawin ko.

Nang matapos magbihis ay dahan-dahan akong lumabas at muli ay bumalik sa pagkakahiga sa kama. Parang mas lalo yatang sumakit ang puson ko. Ayaw ko munang gumalaw ng gumalaw. Ayaw ko munang lumabas. Siguro matutulog na lang ako?

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now