Chapter 5: Jessie's Indecent Proposal (SAMPLE CHAPTER)

11K 252 55
                                    

CHAPTER 5: Jessie's Proposal

"BECAUSE I'M IN LOVE WITH YOU." Parang nakarinig ng malakas na bomba si Lily. Pero kahit ang bomba na narinig niya ay parang hindi pa rin na-gets ng utak niya ang ibig sabihin.
"Ano?"
"How many times do I have to repeat it? I'm in love with you. That's why I know your current situation right now and I'm willing to help you. I will do everything that I can so that you could love me back."
Kahit na mahaba na ang linyang sinabi ni Jessie ay parang hindi pa rin iyon nag-si-sink in sa isip niya. "Sabi mo, in love ka sa akin? Ako ba talaga ang kinakausap mo?" parang tanga pa rin na sabi niya saka nagpalinga-linga pa sa paligid. Iniisip niya kung may nagbago ba sa mukha niya at mukha na ba siyang lalaki kaya lalaki na rin ang tingin nito sa kanya.
Bumuntong-hininga si Jessie. Parang sumusuko na sa pagiging slow niya. "I know that it's really hard for you to believe me but I fell in love with you for the very first time that I laid my eyes on you. I know this may sound stupid but I really, really love you, Lily. To the point na ikaw na lang ang palagi kong naiisip bawat oras o bawat minuto. Kahit saan ako tumingin ikaw ang nakikita ko. I can't help it, nababaliw na yata ako sa 'yo," hopeless na sabi nito na parang hirap na hirap na talaga.
Nakaramdam siya ng pagkabog ng dibdib. Natitigan niya si Jessie at ngayong mas malapit ito sa kanya dahil magkatapat lang sila ng upuan ay naglakbay ang tingin niya sa hitsura nito. Maputi at makinis ang balat nito. Hapit ang suot nito kaya kitang-kita rin ang magandang korte ng katawan nito na may katamtamang laki lang ng dibdib. Straight ang mahabang buhok nito. Mahaba ang pilik mata at parang nagningnig ang mga mata nitong nakatitig din sa kanya. Para ngang hinihigop siya ng mga mata nito at gusto niyang makipagtitigan na lang dito. Matangos din ang may kaliitang ilong nito at manipis ang mapulang labi. Maging ang kilos nito ay overyly feminine. Kahit kaunting bakas ay hindi niya makita ang pagiging tibo rito dahil may make up pa nga ito. Light nga lang dahil parang hindi naman bagay sa natural na magandang mukha nito ang make up.
"Tapos ka na bang titigan ako? Pasado na ba ako sa panlasa mo?" mataray na tanong nito.
Teka nga? Akala ba niya ay may gusto ito sa kanya? Bakit tinatarayan siya?
"Paraan mo ba ito para pasakayin ako? Kung sinuman ang asawa o boyfriend mo ay lalayuan ko na siya. Hindi mo na kailangang magpanggap na tomboy ka. Ang ganda-ganda mo tapos sasabihin mo tibo ka. Ako pa talaga ang niloko mo." Tumayo na siya dahil sa inis. Hindi naman siya gano'n katanga para maniwala sa sinasabi nito. Gusto siguro nitong gumanti sa kanya. Baka nagkagusto sa kanya ang partner nito habang nagsasayaw siya ng napakalaswa sa Stage kaya gumaganti ito ngayon sa kanya.
Pero nagulat siya nang bigla na lang siyang hinila pabalik ni Jessie. At bigla na lamang siya nitong siniil ng halik sa labi na nakapagpalaki ng husto sa mga mata niya! Dahil sa gulat ay nahayaan na lamang niya itong pasukin ang dila niya. Naglaro ang maliit na dila nito roon at nakaramdam siya ng matinding pag-iinit kahit pa na ito lang naman ang gumagalaw. Para bang uhaw na uhaw ito at pinapapak na ang labi niya. Mabango ang hininga ni Jessie at aaminin niya na masarap itong humalik. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang kaba pero hindi niya maintindihan kung bakit. Samantalang hindi lang naman ito ang unang beses na nahalikan siya...
"Ngayon, naniniwala ka na ba?" nakangising tanong nito matapos nitong pakawalan ang labi niya.
Parang nabitin naman siya. Saka biglang namula nang ma-realize kung ano ang nangyari. Nasayaran ng kapwa niya babae ang lips niya at parang nasarapan pa siya! Agad siyang napalingon sa paligid sa pag-alala na baka may nakakita. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala naman. Mabuti na lamang at nasa bandang gilid sila at madilim pa roon.
"Now, you need to go back here because we're going to talk, Lily," utos nito.
Natutulala na sumunod naman siya at bumalik sa upuan habang hawak ang labi niya. Saka napatingin dito. "Totoo ba talaga ang sinasabi mo na tibo ka? Hindi halata..." Sa wakas ay natagpuan din niya ang ang sariling dila.
"Kapag ba lesbian, kailangan nagbibihis na ng panglalaki? Iyong tipikal na na-i-imagine ng mga Pinoy na kapag tomboy ay dapat nagbibihis at nagkikilos lalaki? Maraming klase ng lesbian, Lily. I love lipstick and dresses, I don't need to change myself para lang masabing tomboy ako. In fact, sa ibang bansa nga ay mas uso ang mga babaeng kumilos at manamit na babae rin ang gusto. I'm a lipstick lesbian and I like-- No, I love you. That's why I want you to be my girlfriend," diretsong sabi nito.
Natigilan siya. Talaga bang seryoso ito na may gusto talaga sa kanya? Hindi niya alam kung paano mag-re-react dahil ngayon lang naman may nagkagustong babae sa kanya. At hindi lang basta babae kundi napakagandang babae!
"Sorry, pero hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae. Wala akong gusto sa 'yo, I'm straight. Lalaki ang gusto ko kaya mas mabuti pa siguro kung umalis ka na lang." Iyon lang at tumayo na siya sabay talikod dito.
"Really? So hahayaan mo na lang na lumala ang sakit ng kapatid mo?" biglang sabi nito.
Napalingon tuloy ulit siya. "Pati ba naman sakit ng kapatid ko alam mo?"
"I became a stalker when I fell in love with you, Lily. Now, I want you to seat again because I have some proposal to make."
Para siyang tanga na umupo na naman. Naku-curious na rin kasi siya. Ano na naman kayang sasabihin nito?
"I know from start that this will happen. I know that you'll reject me right away that's why I already prepared something for this."
Nanlaki ang mga mata niya nang may inilabas ito sa bag nito at inabot nito sa kanya ang makapal na pera na tig-i-isang libo.
"One hundred thousand, Lily. Paunang bayad ko sa 'yo. Gamitin mo 'yan para sa kapatid mo. Alam ko na kapag hindi siya napagamot ay baka lumala pa ang dengue niya kaya sana gamitin mo na at hindi mo tanggihan."
"Teka nga, binibili mo ba ako?" Tumaas ang boses niya. Naapakan nito ang pride niya.
Pero taas noo rin itong tumitig sa mga mata niya. "Yes, I'm buying you, Lily. But only for a short period of time. I only need one year to make you fall in love with me. We're going to sign a contract at kapag hindi pa kita napaibig sa loob ng isang taon ay malaya ka na ulit. Pwede mo nang kalimutan na nakilala mo pa ako," seryosong sabi nito.
"Baliw ka ba? Kahit magunaw man ang mundo ay hinding-hindi ako papatol sa kaparehas kong babae! Saka huwag mo ngang sayangin 'yang ganda mo! Dapat lalaki ang hinahabol mo at hindi ako!" sabi niya.
Napansin naman niya na parang nasaktan ito base sa naging reaksyon ng mukha nito pero pinigilan niyang makaramdam ng awa. Pero taas noo pa rin itong tumingin sa kanya. "I'm already prepared for this. Alam ko nang ganyan ang magiging reaction mo but I need to take the risk. I just can't seat back and relax and do nothing to win your love. Kaya kahit gamitin ko pa ang lahat ng pera ko ay gagawin ko para lang mapatunayan ko na kaya mo ring mahalin ang isang tulad ko..."
Ayaw man niyang aminin pero parang naantig siya sa sinabi nito. Lalo pa at gano'n kaseryoso ang magandang mukha nito. Matagal na niyang pinangarap na mayroong taong magmamamahal sa kanya ng totoo at hindi na iisipin pa ang pinagmulan niya pero bakit babae ang dumating? Kung lalaki lang siguro si Jessie ay baka kanina pa siya pumayag. Lalo pa at kailangang-kailangan niya talaga ng pera ngayon.
Napatingin siya sa pera. Ang kapal, ang dami. Ngayon lang siya nakahawak ng ganito.
"Look, Lily. I know that it will be hard for you but please give me a chance to prove myself to you. That I'm also capable to win your love. You have so many reasons why you have to say yes. I promise that you won't regret it." Hinawakan na nito ang kamay niya.
"At ano naman ang mapapala ko kapag pumayag ako sa gusto mo?" Natukso na rin siya. Kailangan niya ng pera.
"Malaki. Ayaw kong ipagyabang pero hindi lang ako basta mayaman, Lily. Napakayaman ko, I have my own company. You will be entitled to have your own house and lot after our contract. Bibigyan kita ng bank account where I could place your monthly allowance amounting to fifty thousand pesos. Susuportahan ko ang pangangailangan ng parents mo sa probinsya at higit sa lahat, pag-aaralin kita. I know how much you wanted to go in College but you never got the chance. I'm willing to give all of those to you. Para sa 'yo lang... I just want you live with me and be my girlfriend for one year." Parang nagmamakaawa na si Jessie. At aminado siya na nasisilaw na siya ngayon pa lang lalo pa at parang kung magsalita ito ay parang ang yaman-yaman nga nito.
"Totoo ba talaga 'yang mga sinasabi mo? Hindi 'yan boogie?" paniniguro niya.
"Boogie? What's that?"
"Boogie lang, hindi pa alam. Ano ba naman 'yan, it means loko!" pangangaral niya. Napakamot lang ito sa ulo.
"E 'di WOW!" natatawang komento nito. May alam din pala ito sa mga pauso words eh!
"'Yang proposal mo, pag-iisipan ko. Sandali lang, pupunta muna ako sa banyo." Kunwari ay sabi niya saka hindi na hinintay na makasagot ito at tumakbo na agad siya palayo rito.
Hawak pa rin niya ang pera nito pagpasok niya sa Dressing Room. Eh kung itakas na lang kaya niya itong pera? Hinawakan niya ng maigi ang papel ng pera at inamoy pa iyon kaya alam niyang hindi iyon peke. Baliw yata talaga ang babaeng iyon. Mukhang handang maglabas ng kahit magkano para lang sa kanya. Pero mukhang mayamang-mayaman talaga ito.
"Hoy!"
"Ay Baklitang Frog!" napatili siya. Si July pala na kasama si August na isa ring pokpok sa Club.
"Ikaw ha! Ano 'yan? Bakit may hawak kang napakaraming pera? Ano, sinabihan ka na ba ng babaeng iyon na layuan ang asawa niya?" tsismosang tanong nito.
"Mali ka, July. Maling-mali tayo nang naisip sa kanya kanina." Hinila niya si July at August. Mula sa nakaawang na kurtina ay kita nila roon si Jessie. "Dahil iyong babaeng iyon ay hindi naman pala nagpunta rito para magbantay ng asawa. Pumunta siya rito para sa akin dahil mahal daw niya ako." Sa gulat niya ay biglang hinawakan ni July ang mukha niya. Tiningnan nito ang bawat anggulo at maging ang mga mata niya ay sinipat. Saka hinawakan siya sa leeg at dinama rin ang noo niya.
"Are you on drugs, Rose?" nanlalaki ang mga matang tanong ni July.
Pinalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya saka pinalo pa ito ng diyaryo dahil sa inis niya. "Hindi ka naman nakikinig na bakla ka eh! Totoo ang sinasabi ko! Lesbian ang babaeng iyon at sa kanya galing itong pera na ito. Gusto niya raw akong maging girlfriend at makipag-leave in sa kanya sa loob ng isang taon. Kapag pumayag ako, bibigyan niya raw ako ng house and lot. Pag-aaralin pa ako at bibigyan ng fifty thousand a month!" maikling paliwanag niya.
Tiningnan naman ni August si Jessie. Halos magkandahaba ang leeg nito sa pagsilip sa babae. Saka ito lumapit sa kanya at tinitigan ang mukha niya. "Eh mas maganda pa sa 'yo 'yung babaeng iyon eh!" prangkang sabi nito.
"Kahit mas maganda siya, tomboy naman siya. Ano pang silbi no'n," sabi niya.
"Eh gaga ka rin eh! Lugi ka pa? Bibilhan ka ng bahay at lupa at may sahod pa na fifty thousand pesos tapos parang ayaw mo pa? E 'di kung ayaw mo, ako na lang!" garapal na sabi ni August saka akmang lalabas na ito sa Dressing Room para puntahan si Jessie pero batok ang inabot nito sa kanya.
"At aagawan mo pa talaga ako, ha!" Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan.
"Dami mo kasing arte eh!" pag-irap nito.
"Kayong dalawa, huwag nga kayong magsigawan diyan! Tumatalsik sa akin ang mga laway ninyo!" naririnding sigaw na rin ni July. Nasa gitna kasi nila ito. "Ikaw naman, August, makikisawsaw ka pa rito kay Rose eh. Anong magagawa mo kung ayaw ni Rose sa babaeng iyon? Alangan namang pilitin niya sarili niya!" panenermon ni July.
"Eh kaya nga sabi ko, akin na lang siya eh. Ano naman kung pumatol ako sa tibo? At least, hindi ako mabubuntis katulad kapag iba't-ibang lalaki ang gumagalaw sa akin. Kaya ikaw, Rose, mag-isip-isip ka. Swerte mo 'yang lumapit sa 'yo tapos pakakawalan mo pa? Pagkakataon mo na 'yan para makawala sa impyernong lugar na 'to. Saka isang taon lang naman ang hinihingi niya sa 'yo, ayaw mo pa."
"May point din naman 'tong gaga na 'to, Rose. Isang taon, mabilis lang 'yun. Kapalit naman no'n ay magiging maginhawa ang buhay ninyo. Pwede kayong magtayo kahit maliit na negosyo lang. Isang taon ka lang na magtitiis na pumatol sa kabaro mo." Muling napatingin si July kay Jessie. "Saka maganda naman siya eh. Kunwari na lang lalaki ka. Ha-ha-ha!" Nawala ang kaseryosohan sa tinig nito at nang-asar pa.
"Siraulo!" Kunwari ay napipikon na sabi niya pero sa totoo lang ay natatawa na rin siya. Adik din talaga itong kaibigan niya e. Siya nga ang binibili para maging girlfriend tapos siya pa ang aarteng lalaki sa kanila ni Jessie.
Pero napapaisip nga rin siya. Kailangan niya ng pera. At kung itatakbo niya ang perang hawak niya ngayon ay siguradong babalik din siya sa hirap kapag naubos iyon. Baka ipakulong pa siya ni Jessie kapag ginawa niya iyon.
Napagdesisyunan niya na balikan na si Jessie sa upuan at nagpaalam na sa mga kaibigan. Pag-upo niya ay parang nataranta ito. Halatang kabado. Bumuntong-hininga siya saka sinalubong ang tingin nito. "Nakapag-isip na ako. Pumapayag na akong naging girlfriend mo..."

Living In A Closet (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon