Kung maibabalik ko lang talaga ang oras at panahon mas pipiliin kong huwag na lang syang mahalin.

Mas pipiliin kong huwag na lang syang kilalanin.

Para hindi na ko umabot sa ganito.

Para di na ako umiiyak para lang sa taong wala namang ginawa kundi ang pahirapan ako.

"Ziah?" Sambit nito.

"Akala ko yung Ex ko na yung huling magpaaiyak sakin Zero. Hindi ko alam na pati pala ikaw paiiyakin ako."

"Sorry.." Sinserong anito.

"Hindi ka na kumakanta ang sabi mo sakin,  Zero.  Pero bakit ginawa mo pa rin?"

"Dahil hindi kita matiis. Masaya kang kausap pero nararamdaman ko yung bigat ng loob mo sa boses mo." Seryosong sambit nya. 

"Pero mas lalo mo akong pinalungkot dahil sa kinanta mo. Pinaiyak mo pa ako."

"Sorry na. Ano bang makapag papagaan ng puso mo, Ziah?"

"Diba Pulis ka?" Tanong ko.

Mabilis naman syang tumugon.

"Opo,"

"May ipahuhuli sana ako sayo, gusto ko ngayon din."

"Dis Oras na ng gabi, Ziah. Pero sino ba? May nanakit ba sayo dyan?" Napangiti na lamang ako ng maramdamang nag aalala talaga sya sa akin.

"Gusto kong hulihin mo yung Ex ko,  Ninakaw nya ang puso ko at hindi nya na ibinalik pa."

Sandaling natahimik ang linya,

"Hindi ako humuhuli ng Hayop, Ziah.  Gusto mo bang barilin ko na lang sya sa ulo? Mas madali iyon." Pag bibiro nito na ikinatawa ko na rin.

"Sira ka,  Zero. "

"Happy ka na?"

"Medyo. Alam mo, Kung nandito ka lang sa harap ko mas masarap siguro na kausap ka." Walang ano ano'y sabi ko.

"Pwede naman kitang puntahan, Nasaan ka ba?" Hindi ako  makapaniwala kung seryoso ba talaga sya.

"Seryoso ka,  Zero?"

"Para sayo gusto kong masaya ka."

"Ginugood time mo lang ako eh. Sige na matutulog na ako. Hindi na ako umaasa sa mga salita, Zero. Ayaw kong dumating yung time na pati ikaw hindi mo na rin ako kausapin."

"Ikaw lang yung nag iisang babaeng kinantahan ko, sa tagal ng panahon na tumigil ako. Ziah."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nya,  pinili ko na lang ang manahimik at muling pakinggan sya.

"Ikaw lang yung babaeng nag paalala sa kin kung ano ba talaga yung gusto ko. Kung ano ang hilig ko."

Iiyak na naman ba ako??

"Gusto kong maging masaya ka para kahit paano masabi ko sa sarili kong may nagawa na ako."

Bakit ganon ang mga sinasabi nya?

Andami na naming napag kwentohan noon pero kahit kailan hindi nya inoopen saakin ung nararamdaman nya.

"Hindi ko gusto kung ano ako ngayon sa totoo lang,  Ziah."

"Zero... "

"Nabubuhay akong hindi ko alam kung ano talaga ang purpose ko sa mundo."

Napahid ko ang butil ng luha sa mata ko ng mahimigan ang gumagaralgal nya ng boses.

"Zero,  Stop."

"Katulad mo nasasaktan din ako, Ziah pero wala akong choice eh. Kailangan kong mabuhay kahit pa ang kapalit nito ay ang habang buhay na paninisi ko sa sarili ko."

"Zero, Ano ba kasi ang nangyare sayo..? "

"Ako ang dahilan kung bakit namatay ang Girl friend ko, Isang taon na ang lumipas."

Nabigla ako ng sabihin nya iyon, di ako makapaniwalang ganon pala kabigat ang pinag dadaanan nya.

"Zero..." wala akong ibang masabi kundi ang sambitin lang ang pangalan nya.

Hind ko alam kung saan ako kukuha ng sasabihin sa kanya. Kung saan ako magsisimula.

"Sorry,  kung pati problema ko sinasabi ko pa sayo. Hindi mo na dapat narinig yun."

"Okey lang,  If you want to tell me more, I'm here to listen,  nandito lang ako para sayo,  Zero."

Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya. Siguro ay ganon talaga kahirap para sa kanya ang mag labas ng sama ng loob.

"Mag pahinga ka na,  Ziah.  Good night."

Hindi nya na hinintay pang mag salita ako dahil kasabay ng pag off nya ng mic ay ang pag out nya sa game.

Wala akong nagawa kungdi ang pumanhik sa kwarto ko at hayaan ang sariling makatulog sa kama.

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Where stories live. Discover now