CHAPTER 1

31 5 0
                                    

ATHENNA'S POV,

"Anak Gising na!! " Boses iyon ni Mama.

"Ma,  Saglit lang po.  Five minutes  pa po gusto ko pang matulog.. " nakapikit na pag tugon ko sa kanya.

"Ayan kaseselpon mo yan napupuyat kang bata ka!  Gigising ka ba dyan o bubuhusan pa kita ng kumukulong mantika?" Nagagalit namang bwelta ni mama.

Wala akong nagawa kundi ang bumangon,  ayaw ko namang maging prito. Bumaba na ako ng hagdan upang mag hilamos ng makasalubong ko si mama.

"Ikaw, Thenna tigil tigilan mo pag E'ML napupuyat ka sa larong yan. Malapit ko na talagang mabasag yang selpon mo! "

"Mama, Agang aga oh galit ka na agad. Gusto mo bang tumanda ng maaga? Sorry na po kasi." Paglalambing ko sa kanya habang niyayakap sya mula sa likuran nya.

"Wag mo ko daanin sa payak yakap na yan.  Anong kailangan mo at nilalambing mo ako? " Si mama talaga kahit kelan kilala takbo ng bituka ko.

"Wala ma,  Gusto lang kita yakapin kase mahal na mahal mo ako at ramdam na ramdam ko iyon.." Saglit akong tumigil ng makita ko syang nagpahid ng mata.  Andali talaga nyang paiyakin haha "Alam mo ma,  may bagong promo ang Globe ngayon pwede po ba kong humingi ng pang load?" Nabigla ako ng kumalas sya sa yakap ko.  Ayan na galit na talaga ang mama.

"Sinasabi ko na nga ba't may kailangan kang bata ka! Talaga bang wala kang aatupagin kundi ang pag lalaro mo?"

"Hindi naman kasi Ganon ma."

"Kumain ka na! Kundi ilalaga ko yang selpon mo!" Galit na lumabas si mama ng kusina.

May nasabi ba akong masama?

Matapos kong kumain ay dumeretso na muli ako sa kwarto ko.

Ilang saglit lang ng marinig ko ang katok ni mama sa pinto, Hindi ako lumabas at hinintay na lamang na pumasok sya.

"Thenna," Pag tawag nya.

"Po?"

"May bisita ka.. " Nag taka ako kung sino ang sinasabi nito, ngunit hindi maganda ang kutob ko sa sinasabi nyang bisita.

Kaya naman nag mamadali akong bumaba ng kwarto ngunit ganon na lamang ng kabog ng puso ko ng makita ang lalaking ngayo'y nasa harapan ko.

Naramdaman ko na lang na kusa ng pumapatak ang luha sa mga mata ko..

Bakit bumalik ka pa?

Iyon ang isang tanong na kahit anong pilit na gawin ko ay hindi ko kayang sambitin.

Tatalikod na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko paharap sa kanya.

"Athenna.. " mahinahong bulong nito.

Napigil ko ang sariling hininga ng marinig muli ng boses nya.

Hindi ako tumugon,  hindi rin ako tumingin sa kanya. Hindi ko sya kayang harapin.

"Babe.. " Napapikit na lamang ako ng idugtong nya salitang iyon.  Pinipigil ko ang muling pag luha pero shit lang kase traydor yung mata ko.  "Let's Talk... Please."

Unti unti nyang binitawan ang kamay ko, ngunit hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Ayaw kong makita nya ang kahinaan ko.  Ayaw kong mag karoon sya ng satisfaction habang nakikita ang malungkot kong mukha.

"Babe—"

"Ano ba?!  Umalis ka na! Alis! " Galit na galit ako habang ipinag tutulakan ang katawan nya palabas ng bahay namin.

"Athenna. Let me talk.. Please..." Hindi ko sya pinakikinggan sa halip ay mas lalo ko pa syang tinaboy.

Mula naman sa hagdan ay nakita ko ang reaksyon ni mama..  Hindi sya sangayon sa ginawa ko. Alam ko kasing gustong gusto nya ang lalaking iyon para sa akin.  Umaasa syang kapag bumalik ito magiging maayos na ang lahat.  Pero hindi, Hindi na maaayos kasi tapos na.  Nag wakas na ung kwento namin.

"Anak.. "

"Ma, Alam mong ayaw ko na diba?  Bakit pinapasok mo pa sya?" malumanay na tanong ko sa kanya.

"A-Anak.. Nag pumilit kasi sya, nakakaawa naman kung hindi ko papasukin,  kabastusan iyon sa bisita. " Napairap na lamang ako ng marinig ang alibi nya.

"Ma,  Mas maawa naman kayo sakin.  Sinaktan ako ng taong iyon!  Hindi sya ang nakakaawa, dahil hindi naman sya ang naiwan!  Hindi sya ang tinalikuran, Mas lalong Hindi sya bisita,  Dahil HAYOP sya Ma!" hindi ko na hinintay pang sumagot si mama dahil mabilis kong tinahak ang kwarto ko.  Ayaw ko sanang umiyak eh,  pero ewan ko ba sa mga mata kong ito kung bakit iniiyakan pa rin nya yung lalaking walang ginawa kundi ang saktan lang sya.

Kailan ba ako makaka move on?

Gusto ko lang namang sumaya,  pero bakit sa tuwing gagawin ko palagi na lang may kasunod na pag luha? 

Deserve  ko bang masaktan?

Siguro nga Oo, 

Pero wag naman sanang habang buhay, dahil kung ganon lang din naman mas mabuti pang mawalan na lang ako ng buhay!

Nakatulugan ko ang pag iyak,  nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang pag alog sa akin ni Mama.

"Kumain ka na, Masama ang malipasan ng gutom." Mumukat mukat ang mata ko ng harapin ko si Mama.

Alas dyes na ng gabi..

"Sorry ma,  nakatulog ako. "

"Kumain ka na. Pasensya ka na kung nagalit ka sakin kanina."

"Ma, okey na ako. Masaya ako okey?  Basta nandito ka lang sa tabi ko.  Masaya na ako." Naramdaman ko na lang ang pagyakap nya sakin ng mahigpit.  Tinugunan ko iyon ng mas mahigpit pa.

Hating gabi na ngunit hindi ko na magawang makatulog pa,  Nasa labas ako ng bahay namin habang hawak ang cellphone ko.

Nakaupo ako sa may veranda ng maisipang mag open ng ML account ko.

Ito yung laro na kinaiinisan ni mama,  Dahil kasi dito napupuyat ako. Ang hindi lang talaga alam ni mama isa ito sa mga dahilan ng pang tanggal stress ko.

Pag ka open na pagka open ko pa lang ay may nag follow na agad sa akin.

Hindi ko na sana sya papansinin ngunit nag chat naman sya sa akin.

"Hi, lods!" Sabi nito. Pero dahil bored ako,  naisipan kong replyan at ifollow back sya.

"Yow!"

Yung simpleng batian hindi ko na pala namalayang humaba na sa iba't ibang usapan.

Sa dami ko nang naka chat sya lang ang bukod tanging hindi ako nabored kausap.

Sya lang ang bukod tanging natagalan kong kausap.

Andami nyang baon na topic,

Andami nyang sinasabi.

Andami nyang alam.

Which is ikinatutuwa ko na pala.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti habang kausap ang tao sa likod ng pangalang Zero.

Nababaliw na ba ako kung sasabihin kong natutuwa ako sa kanya?

Hays!  Hindi ko na talaga alam kung ano na ang nagyayare sa akin.

Kanina lang ay umiiyak ako,

Ngayon naman ay ngumingiti ako ng mag isa!

ZERO..

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Where stories live. Discover now