Tita nalang daw ang itawag ko sa kaniya kaysa sa boss. Bukas ay pwede na akong magsimula.

Umuwi ako sa bahay ng malaki ang ngiti. Pinagmayabang ko agad kay kuya na nakahanap na ako ng trabaho, naging masaya naman siya para sa akin pati si Jazen.

"Pero sobrang nakakapagod ang pagtatrabaho, baka hindi mo kayanin." Babala ni kuya.

"Kakayanin ko 'yan! Wag ka mag-alala!" Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Ano kuya? Babalik ka ba sa school?" Tanong ko.

"Pinagiisipan ko pa." Sagot niya.

"Dalian mo na! Malapit na magpasukan!"

"Nag-aalala ako sa inyo."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Syempre hindi niyo ako kasama, nag-aaral ako tapos nagtatrabaho pa, diba?"

"Kuya ako na ang bahala kay Jazen! Pwede ko naman siya isama sa karinderya." Ani ko.

"Sige I'll try to take exam." Napangiti ako sa sagot niya.

"Kaya mo 'yan kuya! Matalino ka naman." Natawa lang siya at niyaya akong kumain.

Tumanggi ako dahil kakakain ko lang, silang dalawa lang ni Jazen ang kumain.

Umakyat nalang ako sa kwarto para kumuha ng damit pero napansin kong wala na ang malaking plastic bag na pinaglagyan ko ng mga skin care nila Leila.

"Kuya, nasaan 'yong malaking plastic bag dito?" Nasa tabi lang kasi 'yon ng damitan ko.

"Binenta ko na, diba sabi mo balak mo ibenta." Aniya.

"Nabenta mo lahat?" Ang dami non!

"Oo kanina lang."

"Paano mo nabenta?"

"Inalok ko sila, malamang! Nagiisip kaba?" Napairap ako sa sagot niya.

"Jazen ano ginawa ni kuya?" Napansin ko kasing natawa si Jazen nang magtanong ako kaya alam kong alam niya.

"May libre raw po kasi na kiss pag bumili kaya nagbilihan sila ate doon sa labas, kasi po crush po nila si kuya!"

Napailing ako. "Kakalipat lang natin naglalandi kana." Tinignan naman niya ako ng masama.

"Hindi ako lumalandi!" Inirapan ko lang siya at pumunta ng cr para magbihis.

Binigay ni kuya sa akin ang naipon niya sa pagbebenta kanina at nagulat ako dahil ang laki non!

"Nagsearch kasi ako kung magkano ang mga 'yon saka mga original pa kaya minahalan ko na." Sagot niya.

"Buti nabenta mo lahat kahit mahal!"

"Oo, mayayaman naman pala ang mga nakatira d'yan."

"Talaga?" Maliit lang kasi ang mga bahay dito at medyo dikit dikit.

"Oo, binili nga nila ang mga binenta ko kahit mahal."

Tinago ko ang pera sa wallet ko, medyo malaki pa ang pera namin, pwede pa umabot ng dalawang buwan pero wag makampante dahil baka sa susunod na mga araw wala na 'to.

Nagtabi nalang ako para kung sakali man na may emergency.

"Ate?" Napatingin ako sa tabi ko.

"Bakit?"

"Laro po ako sa labas." At as usual tuwing nagpapaalam ay nagpapacute.

"Mainit, Jazen."

"Ate doon naman po kami sa malaking puno maglalaro, hindi po doon mainit." Yumakap siya sa akin. "Please ate."

Wala na, naglalambing na. Hinahalikan niya rin ang pisngi ko para mapapayag ako.

Nag-aalala ako baka magkasakit siya dahil mabilis pa naman 'to pagpawisan. Baka matuyuan ng pawis.

"Sige, basta mamaya tatawagin kita para matulog ha?" Ngumiti siya ng malawak.

Sunod sunod ang tango niya. "Opo, ate!"

"Sandali lang." Pumunta ako ng kwarto at kumuha ng lampin para sa likod niya.

"Wag mo 'tong tatanggalin."

"Opo, ate!" Nagtatatalon siyang lumabas ng bahay.

"Ang dami niya agad naging kaibigan kahit dalawang araw pa lang tayo dito." Rinig ko sabi ni kuya. "Pero wag mo palaging payagan na makipaglaro sa mga bata d'yan sa labas."

"Bakit naman?" Wala naman atang masama don, nakikipaglaro lang naman siya.

"Hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig ng mga bata d'yan. Ang bata bata pa ang lulutong na magmura, baka gayahin ni Jazen." Inis na sabi niya.

"'Ni hindi sinasaway ng mga magulang kahit nasa harap na nilang nagmumura." Dagdag niya pa.

Napatingin tuloy ako sa labas. "Pagsasabihan ko siya."

"Aalis pala ako." Napatingin ako sa kaniya.

"Saan ka pupunta?"

"Magkikita kami ni Nat pati yung mga dati kong kaklase."

"Kumuha ka nalang ng pera sa bag."

Umiling siya. "Huwag na may pera pa ako dito."

"Ano gagawin niyo?"

"Sabay sabay kaming maghahanap ng trabaho saka ang tagal na rin ng huli kaming nagkita."

Tumango ako. "Tawagan mo nalang ako kung pauwi kana."

Tumango siya at pumasok sa cr para maligo.

Kinuha ko ang cellphone ko para mag Facebook, nanood lang ako ng mga videos wala naman kasi akong gagawin.

Pagka-alas dos ay lumabas ako para tawagin si Jazen dahil matutulog na siya.

Una kong pinuntahan ang malaking puno na sinasabi niya at nandoon na siya may mga kasamang bata.

"Jazen!" Sigaw ko. Mukhang narinig niya at napatingin siya sa akin.

"Uwi na!" Nakita kong tumayo siya at tumakbo papalapit sa akin.

"Pawis na pawis ka na." Kinuha ko ang lampin sa likod niya at basang basa ito. "Tara na."

Pag uwi namin ay pinunasan ko ang katawan niya ng panibagong lampin at niliguan.

Pagkatapos ay pinaakyat ko na siya sa kwarto para magbihis. Habang binibihisan ko siya ay hikab na siya ng hikab at sumandal sa balikat ko.

"Ate, antok na ako." Bulong niya.

"Opo, wait lang." Naglagay ako ng pulbo sa likod niya at naglatag na.

Pinapaypayan ko siya habang natutulog dahil nga wala kaming kuryente, pati sa gabi ay nagpapaypay lang kami, nagcecellphone lang ako habang nagpapaypay.

Habang nagiiscroll lang ako sa Facebook bigla akong napatigil ng makita ko ang pangalan ni mama sa 'People You May Know.'

Clarrisa Rose Percian

Percian?

Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa profile picture niya.

May kasama siyang isang lalaki na mukhang kasing edad niya at isang batang lalaki na nasa gitna nila.

Nakahawak si mama sa tyan niya at bigla kong naalala ang sinabi ng babae sa amin na buntis si mama at ikakasal na siya.

May mga letter balloons sa likod nila at ang nakalagay ay 'Congratulations!'

May mga pagkain na nakalagay sa malaki ay mahabang lamesa, sobrang daming pagkain.

Kaya siguro hindi na siyang nagoonline sa account niya na tinatawagan namin dahil may bago na siyang account.

They have a big smiles on their faces, they look so happy. Mama look so happy, I never saw her smiling like this before.

Seeking Light in the DarknessWhere stories live. Discover now