CHAPTER 52

250 5 0
                                    


Kiyumi POV

Nandito ako sa palasyo naglilibot-libot ng may humawak sa damit ko, nilingon ko ito at si Tammarah ito,

" Hi Tam!!" saad ko at kinarga ito,

" ate punta po tayo sa Snowflake Forest" saad niya,

"saan yun?" tanong ko,

"halika po iguiguide po kita" saad niya kayat ibinaba ko na siya, hinawakan niya ang isa kong kamay at naglakad na kami papunta sa Snowflake Forest na sinabi niya.

Nakarating na kami at napakaganda nga dito, may mga nagyeyelong puno na kung saan nagpakasabit ang mga kumikinang na mga snowflake, namangha ako sa gubat na to!

Napakaganda!!!

Naglakad pa kami at may nakita kaming bench kayat umupo kami.

" Ang ganda dito Tam noh!" mangha kong saad  habang pinagmanasdana ng paligid.

" opo" saad niya, may dumaan na mga tauhan ng gubat at kaagad silang lumapit saamin at lumuhod.

"Magandang araw po mahal na mga prinsesa!!" saad nila,kayat nag bow narin kami.

"magandang araw rin " sagot namin ni, grabee di parin ako makapaniwalang nabibilang rin ako sa lugar na to.

Tumayo na sila tapos umalis na. Tumingin saakin si Tam, ang cute talaga ng batang to! kinurot ko naman ang pisnge nito at pagkatapos ay ibinaba ko na ang kamay ko.

Biglang kumunot ang noo niya, hala baka nainis siya saakin,

"ah Tam nasaktan kaba sa kirot ko? sorry ha" pagpapaumanhin ko, wahh lagot ako nito kay Klenn!! tumingin ako sakanya at ngumiti naman siya.

"Hindi po ate" saad niya at hinawakan ang kamay ko at itinaas.

" ate saan mo po ito nakuha?" takang tanong niya sabay turo bracelet ko! yung bracelet na  nakita ko sa locker.

"ahh may nagbigay kasi nito saakin, di ko ngalang alam, bakit?"

"ito po ay bracelet na galing dito sa Snowflake Forest, at ayon po sa pagkakaalam ko, ang ganitong bracelet ay ibinibigay sa taong nagugustuhan nila, ibig sabihin po ang nagbigay po nito ay nagkakagusto po sainyo" paliwanag niya,

eh?? nagkakagusto saakin? eh impossible namang may snowflake bracelet sa mundo ng mga tao, sila Sam lang ang alam ko na puwedeng magbigay ng ganito saakin.

" ahh ganon ba yon?"
"opo" ngiti niyang saad saakin,
"ahh nakuu si ate Sam ang nagbigay nito sakin" pagsisinungaling ko at nakita ko naman siyang tumango tango

Lumipas ang ilang segundo ay wala mo nang umimik saamin ni Tam,pareho kaming nakamasid sa paligid at sa mga tauhan ng gubat na gumagawa ng mga snowflake,

"Mahal na.prinsipe" sabay sabay na saad nila kayat napingon kami ni Tam, dumating si Klenn, tumayo na kami ni Tam at kaagad namang lumapit si Tam sa kuya niya.

" Kuya diba po galing yan dito sa snowflake Forest?" tanong niya na ikinataka ni Klenn,

"what?" tanong nito, lumapit naman saakin si Tam at hinawakan ang isa kong kamay at hinugot ako papalapit kay Klenn,

"ito pong bracelet" saad niya, tila nag-iba ang ekspresyon ni Klenn, diko alam kong ano parang balisa siya. Tumingin siya sa kaliwa saka nagsalita,

"o--o dito nga yan" uutal-utal niyang saad, ano bang nagyayari sakanya?

"tara na, bumalik na tayo sa MK, kanina pa kayo hinahanap" saad niya saka inilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa niya, tumalikod na siya saamin at nagsimula ng maglakad,

Nagtinginan pa kami ni Tam na tila nagtataka sa ginawa ng kuya niya.

Hinawakan ko na si Tam at sumunod na kami.

Saktong nasa gitna na kami ng gubat ng makasalubong namin si Jack/Zach

"Kuya Jack!" saad ni Sam at niyakap ito
"Hii Tam" bati naman niya, napangiti naman ako sa bond ng dalawa para silang magkapatid, humiwalay na ng yakap si Tam kayat tumingin na saamin si Jack

"Magkasama pala kayo" saad niya saka napadapo ang tingin niya sa kamay ko

"oh that bracelet ako ang nagbigay niyan" saad niya na ikinalaki ng mata ko, galing kay Zach to? pero bigla akong nagulat ng dugtungan ito ni Klenn

"what?!, no your not--"  biglang napahinto si Klenn at umiwas ng tingin, ano daw?!

"pft," mahinang tawa ni Zach, aish diko maintindihan.

"anyway may gagawin--"
"kuya tara mamasyal po tayo, mamasyal po kasi sila kuya Klenn at ate Kiyumi" singit ni Tam, ano?!

"pero--"naputol  ulit ang sasabihin ni Zach ng dugtungan nanaman ito ni Tam

"tara na ho" saad niya at hinugot na ito kayat naiwan kami ni Klenn.

Dahan dahan kong nilingon ito, nakatingin pala siya saakin,

Ang akwardd!!

"ahm tara Klenn mamasyal tayo, napakagandang lugar kasi dito at malawak" saad ko, at tumango naman ito. Kayat nagsimula na kaming maglakad.

*****
Nauuna akong maglakad kaysa kay Klenn, mangha mangha talaga ako sa lugar, minsan namay hinahawakan ko ang mga kumikinang na snowflake na nakasabit sa mga puno.

"Ang ganda dito noh!" saad ko
"yeah" rinig kong sagot niya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng diko namalayan na may butas palang daan,  napapikit ako ng naramdaman kong nadulas ako hanggang sa naramdaman ko rin na may sumalo saakin.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad nga saakin ang nag aalalang mukha ni Klenn, napalunok ako ng mapagmasdan ko ang mga mata niya, ang daming sinasabi nito diko lang talaga maintindihan.

Itinayo na ako nito ng maayos.

"are you okay?" tanong niya
"ahh oo okay lang ako, salamat"
"be careful next time, may butas kasi ang daan nayan" mahinahon niyang saad

"ah oo nga eh, ahm tara balik na tayo" naiilang kong saad,

"yeah tara" saad nito kayat naglakad na kami pabalik.

[2.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon