CHAPTER 51

271 3 0
                                    


Someone POV

"TOK!TOK!TOK!"
katok mula sa pinto,

"pasok" saad ko at pumasok naman ito.

"Tyler!" saad ko sakanya at ngumisi,

" base po sa nalaman ko, nahanap napo nila ang nawawalang prinsesa" saad niya na ikinagulat ko,

"ano?!!hindi yan maari!!" inis na Saad ko at binsag ang basong hawak ko, hindi maaaring dumating ang napakalakas na prinsesa ng MK, tiyak na ito ang makakatalo saamin.

"Wag po kayong mag-alala ama hindi pa naman po praktisado ang prinsesa"

"kailangan tayong gumawa ng maayos na plano kong paano mapupunta ang prinsesa nila at baliktarin ang isip nito para masakop na natin ang MK"

"Ama ang dark symbol at dark elixer ang tanging paraan para malinlang natin ang prinsesa" 

"tama anak at kailangan natin matatakan sa noo ang prinsesa nila at painumin ng Dark elixer ng sa gayon at magiging kaanib natin siya"

"Pagplaplanuhan natin ang lahat ng ito" dagdag ko pa.

Kiyumi POV

"Onga!!!onga!!!onga!!!"
"Ang prinsesa ng Magical Kingdom, na anak nila Haring Juanito at Reyna Elena Hensley, Princess Kiyumi Hensley"
"Mahal na Mahal ka namin anak"

Nagising na ako at kaagad ko namang nakita sila Sam,

" Kiyumi" Saad ni Troy at kaagad silang naglapitan saakin saka--lumuhod?!!

"Maligayang pagdating Mahal na prinsesa" sabay sabay na Saad nila, maski yung matanda at si Ms. Clara ay lumuhod, anong nangyayari? Prank ba to?!

"P-prinsesa? S-ino? Ako?" Sunod sunod na tanong ko, tumayo naman sila at ngumiti,

"oo kiyumi ikaw nga" saad ni Crystal kayat napatawa naman ako ng mahina.

"ay we, oh siya tama na, prinaprank niyo ko eh"

"Kiyumi, sa lugar nato di uso ang salitang prank" saad naman ni Sam kayat napalunok ako, anong ibig nilang sabihin? na totoo ang pinag sasabi nila?

"ikaw nga, ang nawawalang prinsesa ng MK" saad ni Ms.Clara, ewan ko pero iba na ang pakiramdam ko, kinakabahan ko at base sa mga ekspresyon nila, di nga sila nagbibiro

Pero paano?!

"pa--pa-paano?!" gulat na tanong ko, may kinuha Naman si Ms.Clara at ibinigay saakin ang isang papel, ito yung hinahanap ko noon, nahulog ko  kasi ito, tinanggap ko naman ito,

"Kiyumi ano ang papel naiyan?" tanong ng matanda, nakatingin silang lahat sakin at hindi sa papel, mukhang nabasa na nila ito, atska ank naman ang kinalaman nila sa papel ko?

"ahm dito po kasi nakasulat ang totoo ko pong apelyido at dala-dala ko po ito para hanapin ang totoo kong mga magulang" saad ko,

"Kiyumi Hensley ang totoo mong pangalan?"

"Opo"

"Kiyumi wala sa mortal world ang apelyidong Hensley, nandito yan sa MK". paliwanag ni Ace, totoo nga ang sinabi niya, naghanap hanap ako ng apelyido nato pero wala akong nahanap.

"Tingnan mo ito" saad ng matanda at may ibinigay saakin na isang litrato, isang babae na may kargang sanggol at isang lalaki. May korona ang babae at lalaki.

"Teka!ito yung lagi kong napapaniginipan, sila yung lagiing nagsasabi sa panaginip ko na , 'mahal na Mahal ka namin anak' " Saad ko at napangiti naman sila.

"Kiyumi" tawag ni Ms. Clara at lumapit saka itinuro ang litrato,

"ito si Haring Juanito Hensley, ang Hari, ito si Queen Elena at ito ay ikaw" saad niya, pinagmasdan ko ang litrato, masayang masaya ang hari at reyna habang nakatingin sa bata, hinawakan ko ito at bigla nalang akong naluha, Elena?! Ang totoo kong nanay gaya ng nasa panaginip ko! kung siya man ito ang ganda ng nanay ko.

"at-at ako ang prinsesa?" tanong ko at tumango naman sila, hinawakan ng matanda ang kaliwang pamulsuhan ko at nakita kong umilaw ang tatto ko, nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ito

"so totoo ngang umiilaw ang tatto ko?!" di makapaniwalang saad ko  at tumingin naman silang lahat saakin.

" so nangyari na ito Kiyumi?" tanong ni Jace
"oo noong nasa mortal world pa ako" sagot ko at napatakip naman sila sa mga bibig nila,

"Nakita ko iyon vision ko na ang prinsesa at mayroong tattong sunflower sa kaliwang pamulsuhan nito" saad niya, pinahiran ko muna ang luha ko at napatingin ako sakanya

"ako nga pala si madame at maligayang pagdating Mahal na prinsesa, siya nga pala tingnan mo po ito" dagdag pa niya saka ibinigay saakin ang isang salaming

"Ahhh!!! teka bat naiba yung itsura ko?" gulat na saad ko, kumikinang ang buhok ko at iba iba na ang kulay nito, iba narin ang dress ko.

" Diko akalaing matagal ko na palang nahanap ang prinsesa at ang mas malala ay best friend ko lang pala at matagal ko nang kasama" saad ni Sam,

so ako nga talaga ang prinsesa!!!.

"Grokkk~~" tunog na nagmula sa tiyan ko, natahimik ang lahat at tumingin saakin, pilit naman akong ngumiti at tumawa naman sila.

"Gutom na ang Mahal na prinsesa, Kiyumi tara nat kumain na tayo" Saad ni Kaizer, napahiya ako don ah

"Oo tama ka, Hehe"
"Tatlong araw kana kasing natutulog" Saad ni Jack na ikinahinto ko

Teka  tatlong araw akong natutulog, eh parang kanina lang ah?!!!!

"Tara napo prinsesa kiyumi"
"ahh opo" saad ko at tumayo na ako

[2.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon