CHAPTER 41

297 6 0
                                    


Kiyumi POV
Papauwi na ako mag isa galing sa paaralan di kasi pumasok si Tiff kasi nagkasakit siya ulit. malapit na ako sa bahay ng makita ko sa di kalayuan si Tiff,kayat nagtago muna ako sa poste ,luminga-linga ito sa paligid,

"saan siya pupunta?"tanong ko sa sarili dahil may dala siyang bag, sabi Niya may sakit siya.

May inilagay itong papel sa labas ng gate at umalis na ito, ng medyo makalayo na siya ay dali-dali akong nagtungo sa may gate, kinuha ko yung papel na iniwan ni Tiff, binuksan ko ito at saka binasa.

DEAR: KIYUMI
    SORRY HA! DI MANLANG AKO NAKALAGPAALAM SAIYO NG MAAYOS, AALIS NA AKO MAY PUPUNTAHAN KASI AKONG IMPORTANTE, SORRY TALAGA BESS MAG IINGAT KA PALAGI HA! MAMI MISS KITA! IWAN KO KUNG KAILAN AKO BABALIK, MAHAL NA MAHAL KITA. LOVOTSS.
        FROM: YOUR LOVING BEST FRIEND
                          TIFFANY

Basa ko sa sulat, saan pupunta si Tiff? Patakbo kong sinundan si Tiff at nakita ko naman siya pero bat pumasok siya sa isang gubat?

Sinundan ko parin ito ng sinundan hanggang sa gitna ng kagubatan, dahil sa kasusunod ko sakanya ay aksidente kong natapakan ang isang kahoy kayat nabali ito at naglikha ng ingay dahilan para lumingon si Tiff, dali-dali naman akong nagtago sa isang puno buti nalang at di niya ako nakita.

Huminto na ito at may sinabi itong diko maintindihan, di kalaunan ay may umilaw na pabilog nanlaki ang nga mata ko at napatakip sa aking bibig ang nakita ko.

Pumasok na si Tiff at diko na siya nakita.

Tiningnan ko ang pabilog na ilaw, di parin ito nawawala, lumapit na ako at pinagmasdan ito,

"ano to?! At anong ginagawa ni Tiff dito? Bat siya pumasok sa misteryosong bulog nato? enkanto ba siya? may mga bagay ba akong di nalalaman sakanya?" samot saring tanong ko sa sarili.

Habang pinagmamasdan ko ito ng matagak at parang may nauudyok saakin na pumasok.

hanggang sa napagpasyahan ko na ngang pumasok na rin.

[2.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Where stories live. Discover now