CHAPTER 50

299 6 2
                                    


Troy POV

Nandito kami ngayong lahat sa isang silid, habang si Kiyumi ay nakahiga sa kama.

"Sam ito oh tubig" saad ni Kaizer kay Sam, naging okay na si Sam dahil naheal nasiya ni Ms. Clara at ni Crystal. Samantalang ilang oras nang hindi gumigising si Kiyumi.

"may kapangyarihan ba si Kiyumi?" di makapaniwalang saad ni Ace,

"sa tingin ko, umilaw kasi yung kamay niya kanina, as in napakasilaw nito. " saad ko naman.

"Totoo po ba lahat ang sinasabi niyo? galing si Kiyumi sa mundo ng mga tao at wala, tao si Kiyumi at Wala akong alam na kung tulad rin natin siya" saad ni Sam di parin Kasi siya naniniwala, hindi kasi niya nakita ang nakakasilaw na pinakawalan ni Kiyumi kaninang digmaan, at ang nakakamangha pa doon ay namatay lahat ang ilang kalaban at ang ilan ay nasugatan, isa yun sa napakalakas na kapangyarihang nakita ko.

Nag iba rin ang itsura ni Kiyumi, naging iba yung dress na, yung kaninang pink ay napalitan ng napakagandang lilang dress at ang buhok niyang napalitan rin ng napakagandang ibat ibang kulay.

" Sa tingin mo Ms. Clara galing dito si Kiyumi?"tanong ni Jace kay Ms. Clara, wala kaming nakuhang sagot kayat napatingin kami kay Ms. Clara, tulala lang itong nakatingin kay Kiyumi habang hinihimas ang buhok nito.

"Kay tagal kananaming hinahanap" pag uusap ni Ms. Clara kay Kiyumi na sa ngayon ay tulog parin, nagtaka naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Ms.Clara ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Crystal, at tumingin naman siya saamin, pinahid pa nito ang munting luha niya.

" mga iho at iha , ito na ang magandang balita" masayang saad nito at inilahad ang isang papel, tinanggap naman ni Ace to at binuksan kayat tiningnan namin ito at ganoon nalang ang gulat namin ng mabasa ang nakasulat dito.

"Kiyumi Hensley?!" sabay na saad namin
"Ang apelyido ng mahal na hari!" usal ko.

"Ibig sabihin may kaugnay si Kiyumi sa mahal na hari at reyna!" si Crystal

"dikaya, si Kiyumi ang nawawalang prinsesa?" saad ni Kaizer at napatingin naman kami sa nakahilata ngayong si Kiyumi

Sakto rin na dumating  si madame,
"madame" bati namin at nagbow sakanya.

"anong nangyari?" nag aalalang tanong niya
"sumugod po ang ilang tauhan ng mga Dark Kingdom" sagot ni Ms. Clara.

" okay lang ba kayong lahat?"
"opo madame"

" Tingnan niyo!!" biglang usal ni Jack kayat napatingin kami, umiilaw ang kanang pamulsuhan ni Kiyumi,

" anong nangyayari?" tanong ni madame, pagkatapos ay nawala narin ang ilaw at nakita namin ang tattong sunflower rito. Tiningnan namin si Ms. Clara, nakangiti ito samantalang gulat namang napatingin si Madame at kaagad na hinawakan ang kamay ni Kiyumi,

"ang tattong sunflower!!" gulat na saad niya. Kinuha naman ni Ms.  Clara ang papel na nasa kamay ni Ace at humarap ulit kay madame

"At ito pa po madame" saad nito at inilahad ang papel kay madame, maya maya pay napatingin si madame sa kawalan sabay sabing

" tattong sunflower, umilaw na mga tanim at bulaklak, nakakasilaw na liwanag, siya nga ang prinsesa. Princess Kiyumi Hensley"

napahinto kaming lahat sa sinabi niya,

isa lang ang ibig sabihin nito.

" si Kiyumi nga ang nawawalang prinsesa ng Magical Kingdom!!!" saad ni Crystal.

[2.0] "THE LONG LOST PRINCESS OF THE MAGICAL KINGDOM"Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu