BITE:06

234 15 0
                                    


Elvira PoV

Bumuntong hininga ako nang sumulpot siya bigla sa tabi ko. Gabi na ngayon at liwanag lang nang buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong bakuran niya.

"Hindi ko pa nga pala natatanong ang pangalan mo" Saad ko sa kanya, tumingin siya sakin at ngumiti.

"Alessandro" Pakilala niya.

"Ang haba naman ng pangalan mo, pwede bang Ali na lang?" tanong ko.

Ngumisi siya at nagsalita, "Kahit Mahal pa ang itawag mo" Nakangiti niyang saad.

Napangiwi ako at inismiran siya. "Elvira ang pangalan ko" Saad ko.

Hindi niya ako nilingon at tumingin lang sa buwan.

"Ilang taon ka na pala? At bakit wala kang kasama dito?" Pang-uusisa ko.

"102, wala na ang mga magulang ko" Sagot niya, gulat akong tumingin.

"Ano? 102? Wag mo nga akong niloloko. Eh mas mukha pang matanda sayo kaibigan ko eh" Malakas kong saad.

"Isa sa abilidad naming mga bampira ang mapanatili ang batang mukha, Hindi gaya n'yong mga tao na mabilis tumanda" Saad niya ,napatango na lang ako sa sinabi niya.

"hmm... Lumalalim na ang gabi matulog ka na" Saad niya sakin.

Humikab ako ng makaramdam ng pagkaantok. "Sige, mauna na ako sayo" Nakangiti kong saad at tinalikuran na siya.

Isinara ko ang pinto ng makapasok ako sa kwarto.

"Hyst...talaga bang makakulong na ako dito?" Malungkot kong saad. Gusto ko nang umuwi.

Gusto ko nang makasama sila Mama,Papa at Ella. Yung malakas na bunganga ni Mama sa tuwing umaga,... Malakas na tawa ni Papa at ang mapang asar na mukha ni Ella, namimiss ko na sila.

Si Das din na walang ginawang tama namimiss ko na din, sigurado akong hinahahanap na nila ako at nag aalala sakin.

Hinawi ko ang kurtina at tumanaw sa baba. Napakunot ako ng noo ng makita ko si Ali na nasa labas.

"Ano kaya ang ginagawa niya?" Tanong ko sa sarili ko, mukhang may hinuhukay siya na kung ano.

May bote siyang kinuha sa lupang nakuha niya, Hindi ko lang masyadong makita kung ano ang laman.

Mabilis kong naisara ang kurtina ng tumingin siya sa gawi ko.

Puno ng tanong ang isip kong humiga sa kama. "Ano kaya ang laman ng bote na yun?" taka kong tanong sa sarili ko bago magpalamon sa antok.

SA KABILANG BANDA.....

Elfred PoV

"Anong kapabayaan ba ang ginawa mo Elfred!!" Yumuko ako at hindi makapagsalita.

Hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Mang Tarong.

"Huli na ang lahat, nagsara na ang lagusan" Seryoso netong saad na ikinaiyak ni Elana.

"Jusko... A-ang panganay natin Elfred" iyak ni Elana, niyakap ko siya para damayan.

"Di sana ay ipinagpaliban niyo muna ang pagkuha ng kahoy! Yaan tuloy ang nangyare.... Hindi ba't sinabi ko na sa inyong may atraso ang ama ninyo!" Sigaw pa ulit ni Mang Tarong.

"Hindi ko naman ho inaasahan na mangyayare yun... Kaya nga ho si Elvira ang sinama ko dahil si Ella ang bibilin ni Ama na ingata— "BAKIT! HINDI MO BA ANAK SI ELVIRA? UNA PA LANG AY ALAM MO NA ANG TAGLAY NG ANAK MO!!" Natigilan ako at napayuko..

The Love Story Of Moonlight LoverWhere stories live. Discover now