BITE:02

355 20 0
                                    


Elvira PoV

"Aray! Ang sakit nang t'yan ko" Bumalibalktad ako sa kama paikot ikot bago nakayukong tumayo.

Patakbo akong pumasok sa kubeta.

"Ahhhh! Ang sakit talaga!" Namimilipit na ako sa sobrang sakit nang tiyan ko,

Nakatulog na kasi ako kagabi nang hindi kumakain kakaisip dun sa nakita ko sa gubat.

"Ate! Bilisan mo!" Kinatok-katok ni Ella ang pinto kaya kinatok ko din nang malakas pabalik.

"Maghintay ka ha! Pag ako nakalabas dito! Ihahampas ko sayo tong balde!" Sigaw ko pabalik habang namimilipit sa sakit.

"Ella, ano ba yan at agang-aga sigawan kayo nang sigawan?" Boses ni Papa ang narinig ko.

Hindi ko narinig na nagsalita si Ella,

May kumatok ulit..."Elvira, bilisan mo d'yan at nang makapag umagahan tayo nang sabay sabay" Mahinahong saad ni Papa.

"Opo, matatapos na" Kalmado ko ding sagot.

Mga ilang minuto pa bago ako nakalabas nang pawis na pawis.

"Ano ba iyan Elvira, daig mo pa ang nadapil" Sita sakin ni Mama nang makita ang itsura ko.

"Sobrang sakit kasi nang tiyan ko" Reklamo ko at naupo sa harapan nang lamesa.

Tumingin sakin si Ella kaya tinaasan ko siya nang kilay "Mas mabango pa ang kamay ko kesa sa bunganga mo" Pairap kong sabi dahil alam ko na ang ibig sabihin nang tingin niya.

Umirap din siya at tummungo para magdasal.

"Ama, maraming salamat po sa biyayang ito, Maraming salamat po sa panibagong buhay na ipinahiram niyo samin, patawarin niyo po kami sa lahat nang kasalanan namin, yun lamang po maraming salamat" Matapos ang dasal ni Papa ay sabay sabay na kaming kumain.

Minadali ko talaga ang pagkain ko para makatakas agad ako, idinahilan ko na masakit ang tiyan ko at natatae pero ang totoo ay kila Das talaga ako pupunta.

"Oh? Ang aga mo ah" Bungad agad sakin ni Das nang makita akong pumasok sa kusina nila.

"Sakit kasi nang tiyan ko kanina, kaya maaga akong nagising" Bulalas ko at naupo sa tabi niya.

"Oh eh ano ginagawa mo dito?" Taka niyang tanong at kumuha nang tasa.

"May ikukwento kasi ako sayo, Hindi ka talaga maniniwala" Sagot ko sa kanya.

Pinagkunutan niya ako nang noo.  "Eh bakit ikukwento mo pa eh hindi naman pala ako maniniwala?" Taka niyang tanong.

"Tanga, makinig ka na lang kasi" Kamot ulo kong sabi.

Inalok niya ako nang kape pero tumanggi ako kasi busog pa naman ako.

"Geh, kwento mo na" Sabi niya sakin nang makabalik siya sa upuan niya.

"Yun na nga, kagabi habang nakatingin ako sa bukana ng gubat kagabi, may nakita akong isang tao na nakatayo, tapos kulay pula yung mata niya, tapos maya-maya lang nangamoy dugo pero wala na dun yung tao" Mahabang kwento ko,

Nakatitig pa siya sakin nang matagal bago tumawa nang malakas na ikinabusangot ko. "WAAHAHAHAHA... mas malakas pa pala sira ng ulo mo kesa kay Vane eh" Malakas niyang tawa.

Nahawakan ko yung kutsara at ipinukpok sa noo niya.

"Tanga, totoo kasi yun" Pairap kong  sagot, tumawa lang siya nang tumawa kaya sinimangutan ko siya.

The Love Story Of Moonlight LoverKde žijí příběhy. Začni objevovat