Nakakahiya ang baho baho ko pa at naka-gown pa ako. Ano na lang iniisip ni Tyrill ngayon?

So ano naman Anne kung mabaho ka? Wala namang pakialam sayo 'yong lalaking 'yon eh at saka peke lang kayo.

Nang maisip ko iyon ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Dumating naman si Tyrill na nakangiti. So sweet smile. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula nang kumain. Habang kumakain siya ay napatingin siya sakin.

"Why are you staring at me?" Iniba ko naman ang tingin ko at bumaling sa middle-aged woman na naghanda ng pagkain namin.

"Aling?"

"Aling Cely na lang, Ma'am Anne." Nakangiti niyang sabi.

"Aling Cely hindi ka po sasabay sa amin? Sabayan mo na po kami." Pagyaya ko kay Aling Cely kasi nasa tabi lang siya.

"Tapos na ako, Ma'am Anne. Kain lang po kayo."

Kumain na ako at biglang sumulpot si Greg.

"Sir Tyrill ito na po ang damit ni Ma'am Anne."

"Sige ilagay mo na lang d'yan. Bahala na siya mag-ayos." Parang galit na sabi ni Tyrill.

Cold siya ngayon, bakit?

"Thank you Greg." Binigyan ko si Greg ng napakatamis na ngiti.

Bigla namang tumayo si Tyrill at may sinabi kay Greg. Umalis naman si Greg at tumingin sakin ng seryoso si Tyrill.

"Magbihis ka at pumunta ka sa library. Ayusin mo ang sarili mo at may pupuntahan pa tayo pagkatapos nating mag-usap. Bilisan mo." Bossy niyang saad at tumuloy sa floor kung saan nandoon ang library.

Kinuha ko naman ang mga damit ko at pumunta sa kwarto ko.

"Nakakainis talaga 'yon. Kanina lang nakangiti siya tapos naging bossy nong dumating si Greg. Moody psh." Pagkausap ko sa sarili habang nagbibihis kasi katatapos ko lang maligo.

Lumabas na ako at pumunta sa library, walang katok katok ay pumasok ako sa loob. Nandoon naman siya habang nakaharap sa laptop at nang mapansin niya ako ay pinatay niya ito at pinaupo ako kaharap niya.

"Bakit ang tagal mo? Oh, pirmahan mo 'yan. Rules natin 'yan sa agreement." Seryoso niyang saad sabay abot ng papel.

Binasa ko ito at pinirmahan. May nakalagay doon na siya ang gagastos ng pangangailangan ko, aaktong sweet sa harap ng ibang tao, gagawin ang kanya-kanyang trabaho at walang mangyayaring ano, 'yong alam niyo na, 'yong ano, basta.

Pinirmahan ko ito at ibinigay sa kanya habang napakaseryoso ng titig niya sa akin.

"Dito ka na tititra for six months. Nakausap ko na rin ang head ng NBI na dito ka lang sa bahay magtatrabaho na kasama ako. We work as a team. And about your five million bill, I'll give it to you tomorrow. " Walang emosyong saad niya sa akin.

Tumango na lang ako at nagsalita siya ulit.

"I have a gift for you, it's a laptop. You can use it for your investigating work para hindi ka na mahirapan. Check it in your room later."

Wow! Ang bait niya naman, may laptop pa ako. Na-miss ko ang paggamit ng laptop ko dati sa bahay ni daddy pero matagal na din 'yon. Simula ng layasan ko siya ay wala akong balita kung ano ang ginagawa niya sa buhay niya ngayon. I miss him so much kahit na ganoon pa siya.

Tumikhim naman siya at wala pa ring expression ang mukha niya.

Ayoko ng ganito kami ang cold niya at ako parang katulong niya lang na pinagsasabihan. I tried to be comfortable.

The CEO's Destined Girl [PUBLISHED under Dreame] Executive Series #1Where stories live. Discover now