Chapter 5

64.8K 1.1K 58
                                    

Chapter 5

Suzanne's POV

What a very nice view, huh?

Naka-topless kasi siya ngayon at tanging towel sa ibaba lang ang suot niya at basa rin ang buhok niya that makes him so hot.

Makikita mo rin ang abs niya and other muscles that makes his body hotter. Siguro kaliligo niya lang.

Nang mapansin niya akong nakatingin sa abs niya he chuckled.

Oh, my virgin eyes.

Tumalikod ako sa kanya at lumabas sa silid na iyon.

"Keep calm, katawan lang niya ang nakita mo, abs lang at hindi ang iba. Huwag kang papatinag Anne, huwag kang papaapekto, act normal. Tapang-tapangan mode." Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit at nakahawak sa dibdib ko.

Ibinukas ko ang mga mata ko at bigla namang nagbukas ang pintuan ng library. Naramdaman ko namang lumabas din siya.

"Sinong kausap mo?" Tanong niya sakin habang nakatalikod ako sa kanya at ramdam ko na malapit lang siya sa likod ko.

Paano ba ito? Anong palusot ang gagawin ko tsaka ayokong makita siya ulit na ganoon ang itsura.

Humakbang ako palayo sa kanya. Mahirap na baka maramdaman ko ang abs niya sa likod ko.

Humarap naman ako sa kanya at nagtakip ng mata, takip talaga ah, hindi 'yong may sisilipan pa.

"Ooops! H'wag kang lalapit sakin baka mamaya..." Humakbang pa ako ng patalikod para lumayo sa kanya.

"Ano bang problema mo? Mag-uusap lang naman tayo doon sa agreement natin."

"Ikaw! Ikaw ang problema ko." Humakbang pa ako palayo sa kanya nang biglang may natapakan akong bagay dahilan para matumba ako.

Hinihintay ko nang bumagsak ako sa sahig nang may naramdaman ako na nakahawak sa likod ko at nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko.

"Next time be careful, my wife. What's wrong with you? Did you eat your breakfast?"

Iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita ang gwapo niyang mukha. Ang bango niya. Napatingin naman ako sa katawan niya at nakadamit na siya ngayon. Wala nang abs?

Ang manyak ng isipan mo Anne.

Nagtaka naman ang mukha niya.

Tumayo na ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at umayos.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Oo nga pala hindi pa ako nagbibihis at naka-wedding gown pa ako.

"Magbibihis lang ako Ty... Oo nga pala, wala akong damit, nasa bahay ko pa."

Ito lang naman ang damit ko na suot ko nang dinala ako dito ni Tyrill kagabi.

"Kumain ka na muna doon sa dining room, ipapakuha ko na lang 'yong mga damit mo kay Greg."

"T-teka. Dito na ako titira?" Tanong ko sa kanya.

"Kumain ka muna. Nandoon na si Aling Cely sa kusina. Preparing for our food. Punta ka na doon susunod na lang ako. I'll call Greg first."

Pumasok siya ulit sa library at naiwan akong tulala.

Nice answer, huh.

Tumuloy na ako sa kusina at may middle-aged woman doon na naghahanda ng pagkain. Ang bango, nakakagutom.

"Ah, Ma'am..."

"Anne na lang po."

"Naku huwag na, Ma'am Anne. Kain ka na, naghanda na ako ng pagkain." Hinila niya naman ang upuan at pinaupo ako.

The CEO's Destined Girl [PUBLISHED under Dreame] Executive Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon