Chapter 2

93.7K 1.3K 114
                                    

Chapter 2

Suzanne's POV

"Bakit ba ganito sa lugar na 'to? So many mean like you." He asks in irritated tone.

Pinanlakihan ko siya ng mata at umirap sa kanya. Napangiwi lang siya sa akin at nainis din.

What the? Mean pala ako ha! Nakakainis siya. Ganito ang kinalakihan ko eh, pakialam niya ba.

Oo nandito kami ngayon sa bahay ko. Dinala ko siya dito para labhan niya ang damit na tinalsikan niya ng malansang putik at hindi man lang nag-apologize sa akin. Sabi niya kasi may maglalaba na daw pero naghintay ako ng ilang oras wala pa ring dumadating sa opisina niya kaya kinaladkad ko siya at dinala ditto. Ofcourse sumakay kami sa mamahalin niyang kotse. Ngayon papalabhin ko siya, ang astig ko 'no, ikaw ba naman magtrabaho sa NBI, besides irereklamo ko siya.

"Hiyang-hiya naman ako sayo! Pasensya na ha, nakikirenta lang ako ng bahay. Hindi ko pa nga nababayadan ito simula ng lumipat ako dito. Masikip siya pero sakto lang sakin."

Pinaupo ko naman siya sa may maliit na butas-butas na sofa. Iyon siya at diring-diri sa habang naka-upo. Ang arte nito.

Naghanda naman ako ng sabon at planggana, doon ko siya paglalabahin. Nang maihanda ko na ay pawis na pawis na naman siya na parang nahihirapan na nakahawak ng maayos sa sofa, ano bang nangyayari dito?

"Nandoon na ang planggana at sabon. Ano pa, eh 'di labhan mo na, bilis!" Pagsigaw ko sa kanya at matamlay naman siyang pumunta sa lababo at naglaba. Alam naman pala niya eh, maarte lang talaga siya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit sobrang halaga ng damit na 'yon 'no? Iyon na lang kasi ang kaisa-isang damit ko na natitira kasi nga lahat ng damit ko ay kinuha ni Aling Petra kahapon 'nong wala ako. Lahat pa naman ng mga damit ko ay dress na branded pa, kinuha niya 'yon kasi daw hindi pa daw ako nakakabayad ng renta at 'yon na lang daw ang natititra kong gamit. Kada buwan ba naman kuhanan ka ng gamit sa kusina, kwarto, at sa sala. Ito na nga lang sofa ang natitira dito. Hindi kasi ako nagbabayad ng renta simula nang lumipat ako dito kasi kada sweldo ko ay binibili ko ng mga gamit dito sa apartment pero kinukuha naman agad ni Aling Pets kapag hindi ako nakakabayad. Four years from now libre ang tira ko dito pero kinukuha naman ang mga gamit ko.

Naglayas kasi ako sa totoong bahay namin, iniwan ko si dad na palaging kontra sa mga desisyon ko. Mas pinili ko kasi ang propesyon ko kesa sa gusto ni dad na maging isang model ako. Sa ganda at sexy kong 'to. Ang dami ko ngang natatanggap na texts at tawag mula sa modeling agencies. Kahit hindi ako mag-apply pasok na daw ako agad sa modeling agencies. Pero mas pinili ko talaga ang pagiging private investigator sa NBI. Dito kasi ako masaya kesa doon sa modeling career.

Yes, I'm a private investigator of NBI. Kaya nasundan ko nga ang lalaking 'to na nakatalsik ng putik sakin. Kaya sa mga simpleng bagay na nagagawa nilang kasalanan sa akin ay ini-imbestigahan ko.

Nagulat na lang ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko na naka-ipit sa cleavage at bra ko. Sanay na kasi ako na dito na ilagay, gawaiin naming mga private investigator na babae 'yan eh.

Pagkakita ko ay si Aling Petra ang naka-register. Hindi ko na lang sinagot kasi mala-baril na naman ang bunganga n'ya. Ano pa, kundi maniningil na naman ng renta ng bahay.

Tinignan ko ang likod ng naglalaba ng damit ko, mukhang hirap na hirap siya at pawis na pawis. Hinubad n'ya naman ang tuxedo n'ya at ang natira ay ang pang-ilalim na puti. Wow ang hot n'ya talaga. May tagalaba na pala akong CEO, hot at pogi.

"Paki bilisan po ng paglalaba." Utos ko sa kanya na hirap na hirap sa kakakusot.

"Fuck! Why am I doing this kind of shit! It sucks." Pabulong na mura niya.

The CEO's Destined Girl [PUBLISHED under Dreame] Executive Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon