“Aidan, Kahit kase ilang beses kang saktan at paiyakin, sa huli ay ngingiti ka parin. Hindi naman kase porque nasaktan ka, habang buhay ka nang iiyak. Hindi ganon yun!” Sa subrang inis ay pinalo ko ang kanyang braso. Iilag pa sana pero huli na dahil abot na abot siya ng kamay ko.

Madami pa kaming napag usapan hangang sa pareho naming napag desisyonan na matulog. Kinabukasan ay siya pa itong nauna magising kesa sa akin. Pag baba ko at pag punta ng kusina ay nakahanda na ang lahat ng pagkain. Nahiya tuloy ako bigla dahil ako na nga itong nakikitulog, ako pa itong late magising.

“Goodmorning, Miss Ganda” Bungad sa akin ni Aidan nang makitang kakapasok ko palang. Umagang umaga bolero kaagad.

Imbis na batiin siya ay tinignan ko si Samantha na abala sa pag babasa ng kung ano sa kanyang cellphone. Aalis din yata dahil bihis na bihis siya ngayon. Naramdaman niya ang pag tingin ko sa kanya kaya naman tiningala niya ako sabay ngiti. Binati niya ako kaya binati ko din siya saka umupo na sa upuan upang mag almusal.

“Gusto mo ba sumama?” Biglang tanong niya sa akin. Kakatapos lang namin mag almusal at hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ngayon lalo na at hindi pa naman niya ako lubusang kilala. “Sabi ko naman sayo na huwag lang mahiya” Napakamot ako ng ulo at naiilang na nginitian siya. “Aalis kase si Insan kaya baka gusto mong sumama?punta tayo sa mall, may bibilhin lang akong gift”

Sa huli ay wala na akong magawa kundi ang um oo. Ngayon ay sabay kaming nag lalakad papasok sa isang mamahaling shop. Kaya ko din naman bumili ng mga gamit niya pero mas gusto kong mag tipid na muna dahil balak kong pumunta ng america sa susunod na buwan.

“Ano kayang mas maganda?” Naguguluhang tanong niya. Hawak ng parehong kamay niya ang kulay pulang bag at itim. Pareho lang din ang desesnyo.

“Hmmm, pareho maganda” Sabi ko. Pareho talaga maganda lalo na at mahal!

Ngumuso siya at saka tinignan ng maayos ang hawak niya. Mukhang nalilito parin kung ano ang pipiliin.

“Kunin ko na lang pareho” Sa huli ay sabi niya.

Sana pati sa tao pwedeng makuha ang dalawang gusto.

“Jastine,” Napalingon ako sa kanya. Tahimik kaming kumakain kanina nang putulin niya ang katahimikan na iyon ngayon. “aware ka ba na gusto ka ni Aidan?”

Natigil ako sa pag hiwa ng karne at saka napatingala sa kanya. Seryuso ba siya sa tanong niya? Well, mukhang oo naman.

Tumango ako bilang sagot. “ Bakit hindi ka naiilang?” Sunod na tanong niya.

“Kase hindi ko siya gusto” Deretsong sagot ko. “Diʼba, kapag may gusto ka sa isang tao naiilang ka? Pero sakin kase hindi. Oo, gusto niya ako pero di ko yun iniisip kase masmatimbang sakin ang pagiging mag kaibigan namin. Hindi mo naman din kailangan mailang sa taong may gusto sayo, kase in the first place, sila pa yung mga taong totoo sayo” Ewan ko ba kung anong pinag sasabi ko. Sa haba ng pag uusap namin ay hindi na nga namin napansin na hapon na pala at kung hindi pa ako tawagan ni Aidan ay baka inabot na kami ng gabi.

Pag uwi sa mansion ay sinalubong kami ng katulong nila Samantha. Sana all may taga kuha ng gamit, noh.

“Kumusta?” Kaagad na tanong sa akin ni Aida.

“Okay lang naman” Maikling sagot ko habang inaayos ang kinalat kong damit sa aking malambot na kama. “Ikaw, Kumusta ka?” Hindi ko alam kung bakit nag kukumustahan kami kahit ilang oras pa lang naman kaming hindi nag kasama. Siguro sinisigurado lang naming pareho na okay kami para walang maging problema.

“Lagi akong okay kapag nasa tabi kita” Anito dahilan para matigil ako sa ginagawa ko at mapatingin sa kanya.“Im okay as long as im with you and youʼre with me” Dagdag pa na sabi niya sabay ngiti ng subra. Tumaas ang kilay ko, sinisigurado na hindi siya nag bibiro pero kaagad ding nawala iyon nang mapag tanto kong ni minsan ay hindi siya nag biro sa mga sinasabi niya.

Bakit Aidan? Bakit ganyan ka?

“Alam mo bang mas lalo kang gumaganda pag madami kang iniisip? Pero mas gaganda ka yata kung pati ako ay isipin mo,” Matapos niyang sabihin iyon ay nakita kong namula ang kanyang pisngi bago umiwas ng tingin. Nag blush ba siya dahil sa sariling banat niya? Well it's normal naman kaya anong bakit ganito ako mag isip! “Ang Cringe ko ba? Hehehe”

Umiling ako sabay ngiti.

Minsan talaga hindi ko alam kung abno ba siya o talagang abno lang talaga. Madami pa kaming napag usapan na inaasahan ko na talaga dahil kausap ko siya. Ni minsan naman kase hindi siya naubusan ng chika.

Nang mapagod siyang mag kwento ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Ako naman ay humiga na dahil maapa pa ako bukas para umuwi na kila papa.

Ito na yung simula.

Makakaya mo yan, Jastine!

Fighting lang kahit hindi ka pinaglaban.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now