Chapter Twenty Six

237 8 1
                                    

Elisz' POV

 

Aakyat na sana ako sa taas at mag papalit na. Hindi naman niya ko sisiputin, hahaha! Nakakatawa pala. Parang ang sakit sakit. Punyetaaaaaaa! Peste! Gusto kong sumigaw! Pinag sisipa ko yung flower vase na binigay niya at binato ang teddy bear. Dumiretso na ko sa taas at handa nang mag palit kaso. . .

"Ilang beses ng nag away,

Hanggang sa magkasakitan

Hindi na alam ang pinagmulan."

 

Rinig kong tugtog sa labas, ang ingay. Pero bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Pumunta ako sa terrace at nakita ko si.. "Keil?" bigla siyang ngumiti sakin at pinag patuloy ang pag sstrum ng gitara at pag kanta.

"Pati maliit na bagay,

Na napaguusapan,

Bigla na lang pinag aawayan."

 

 

"Ngunit kahit na ganito,

Madalas na hindi tayo mag kasundo.

Ikaw lang ang gusto kong makapiling

sa buong buhay ko."

 

Bigla siyang ngumiti.  Nag lakad siya at nagulat ako nung bigla siyang umangat. AS IN LITERAL NA NANLAKI ANG MAGANDA KONG MATA. May pinatungan siya doon tapos bigla siyang umangat? Aba matinde! Sumampa siya at nakapasok siya sa terrace ko. Akyat bahay ata to e?

"Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw pa rin ang gusto ko.

Kahit na sinasampal mo ako, sinisipa't nasusugatan mo.

Ikaw pa rin, walang iba. Ang gusto kong makasama.

Hm, walang iba."

 

 

"Hi ma," nagkamot siya bigla ng ulo. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ah, eh." Hingang malalim. Lumunok siya at nag strum ulit ng gitara.

"Nag simula sa mga asaran,

Hanggang sa mag kainitan.

Isang eksenang bangayan na naman.

Bakit ba kasi pinagpipilitan?

Ang hindi maintindihan hindi naman kinakailangan."

 

Biglang may fireworks na nag form ng heart,

"Ngunit kahit na ganito,

Madalas na hindi tayo mag kasundo.

Ikaw lang ang gusto kong

Makapiling sa buong buhay ko."

 

Love At First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon