Chapter Eighteen

212 8 2
                                    

Elisz' POV

"Hala! Late na ko! Nyemas! Driver hoy--" bigla akong napatigil. Tapos na nga pala siya. Tapos na siya bilang driver ko. . tapos na siya sa buhay ko. 

Bumangon na lang ako at dumiretso ako sa cr at naligo. Pag katapos kong maligo syempre nagbihis ako at nag ayos. Tumapat ako sa tokador ko. Tinitignan ko yung sarili ko, biglang may pumatak na luha sa mata ko, "Ako ba to?" sabi ko sa sarili ko at may pumatak na naman na luha sa mata ko. Napailing na lang ako at pinunasan ang luha ko. Para kong tanga! Nakakainis. 

Bumaba na ako, walang pagkain syempre. Kinuha ko na yung susi sa baba at nagdrive ako papuntang school. Bumaba agad ako pag dating na pag dating ko, dumiretso ako sa room at natulog na lang.

Fast forward. . .

"Wooh! First time natalo ko si Franshae!" sigaw ni Ryder. dahil natalo niya ko sa billiard

"Happy?" pang babara ko kay Ryder.

"Yaan mo na Elisz, panalo ka pa rin sa puso ko." sabi ni brayden at inakbayan ako, tinanggal ko lang pagkakaakbay niya.

"Landi landi mo, may boyfriend na yan noh!" chase.

"Pwede ba tigilan nyo nga ko!" sabi ko sakanila.

"Easyhan mo lang bestie! Hahaha!" sabi ni Shayan.

"Whatever shay." sabi ko at tinungga ang beer.

"Aba. Matinde." sabi ni Shay.

"Edi wow!" sabi ng tatlong asungot.

***

Brayden's POV

"Alam mo ba, mashakiit kashi! Bullshit! Bullshit! Bullshit! Wala daw akong pusho! Yesh! Im a heartless person! Pero. Wala ba kong karapatan mahalin? Sabihin mo nga sakin Blaydeeeeen!" sabi ni Elisz na sisinok sinok na. Tulog na si Chase, Shay at Ryder. 

"Lasing ka na e. Matulog ka na lang okay?" sabi ko.

"Hindi! Anooooooo baaaaaaaaaaa!" sigaw niya sakin. "Sabi niya wala daw akong paki sa nararamdaman ng iba? Sabi niya, *hik* Hindi na daw ako magmamahal kasi wala naman akong puso, wala daw mag mamahal sakin kasi daw mahirap daw akong mahalin!" sabi niya at bigla siyang lumuha. 

Love At First FightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora