The Game Changer Chapter 26

8.1K 100 1
                                    

GC 26

<Zane's POV>

"Just Go." rinig kong sabi ni Chelsea na parang isang bombang sumabog sa likuran ko.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari, wala akong maintindihan.  

Ano bang nagawa ko? May nagawa ba akong mali para maging ganito? Para makipaghiwalay siya saken??  

I looked at her, gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging okay lang ang lahat pero hindi ko magawa dahil galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Ayoko siyang nakikitang ganito, umiiyak siya at galit saken.

"I'll go for now pero mag uusap tayo... pag uusapan natin to Chelsea." yun na lang ang sabi ko dahil mukhang walang patutunguhan ang lahat kung ngayon kami mag uusap. Galit siya at pwedeng magalit siya lalo kung ipipilit kong makipag usap sa kanya. Ilang sandali lang akong nakatayo sa may pintuan ng apartment niya.

Sinara na niya ang pinto, hindi man lang niya sinabi saken kung anong nagawa ko or kung anong pwede kong gawin para mahinto ang pag iyak niya. May babae ako? Pano ko ba magagawa yun sa kanya? Halos hindi ko nga mapansin ang ibang babae sa paligid ko sa tuwing kasama ko siya, pag hindi ko siya kasama, siya ang iniisip ko.

Nakatulala ako sa harap ng pinto, hindi ako makagalaw. Chelsea? Sana sinabi mo saken kung anong mali para maitama ko o makapagpaliwanag ako. Sana nagtiwala ka saken na kaya nating ayusin to.

Anong gagawin ko ngayon?? Tatawagan ko si Steph or Andrea dahil baka nasabi ni Chelsea sa kanila ang tungkol dito. Tama.

Yun nga ang gagawin ko.

Chili.. aayusin ko to ha.

Babalik ako. Aayusin natin to.

Umalis na ako at habang nagdadrive ay kinokontak ko si Steph, walang sumasagot. Damn it Stephanie!! Answer your phone!!! Ilang beses kong tinry na ikontak si Steph pero hindi pa rin sumasagot baka tulog pa yun or ano kaya si Andrea naman ang kinontak ko. Ilang ring at sumagot si Andrea.

[Hi Zane!! Napatawag ka??] masayang sabi nito.

"Andie..i need your help.. nakapag usap ba kayo ni Chelsea kanina? May nasabi ba siyang problema sayo??" mabilis na tanong ko, hindi ko napapansin na mahigpit na mahigpit na pala ang hawak ko sa manibela.

[Ha? Wala naman? bakit? May problema ba??] nag aalalang tanong nito.

"Maybe there is.. hindi ko maintindihan Andie, bigla na lang siyang nakipaghiwalay saken na hindi ko man lang alam ang rason!! THis is freaking insane!!!!"  

[ Zane.. just realax okay? Maayos nyo rin yan.. sigurado ako. Okay? Nasan si Chelsea ngayon?] Para akong nabagsakan ng malaking bato, gusto kong manuntok ng tao o mambugbog na hindi ko maintindihan.

"She's in her apartment. She was freaking out nung pumunta ako dun at bigla na lang siyang nakipaghiwalay saken. Andie.. please help me. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't lose her." gumaralgal ang boses ko.  

[Hey Zane.. everything will fine okay?? Just give her time now. Wag mo muna siyang kulitin. Bukas.. kakausapin ko siya. Sa ngayon.. we'll just leave her alone. Where are you now?]

"In my car.. driving."  

[Go straight home and don't do anything stupid. Bukas, kakausapin ko si Chelsea and gagawin ko kung anong maitutulong ko.] mahinahong sabi nito.

"Thanks andie."  

[ No problem.. maayos rin yan. ]

At inend ko na ang call. Hindi na ako makakapaghintay ng bukas, i want eveything to be okay now.. damn it!! This feels like hell!! Shit!! Parang may malaking bato sa dibdib ko. Chelsea. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya pag nawala ka saken, i never loved anyone like this before, bakit ganito? Lahat naman kaya nating ayusin kung pag uusapan lang.

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon