The Game Changer Chapter 21

8.4K 130 1
                                    

GC 21

<Zane's POV>

Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Wew Zane. Just Relax! Take a Deep Breath and just be yourself. Well, the better you..wag yung douche na ikaw. Don't trip and get hold of your tongue.

Grabe! Yung pakiramdam na parang bibitayin ka, ganung ganun ang pakiramdam ko ngayon.

Nag drive na ako papunta sa apartment ni Chili na kabado pa rin. Nung si Chili ang pumunta para imeet ang parents ko ay kabadong kabado ako tapos ngayong pamilya niya ang makikilala ko ay kabado ulit ako. Inaangkin ko yata ang lahat ng kaba tapos si Chelsea ay parang napaka cool lang niya.

Kumatok ako sa pinto ni Chili para makaalis na kami. Sa isang sikat na restaurant kami pupunta, birthday ngayon ng Kuya ni Chelsea na si Chester at inimbita niya ako para makilala raw ako ng pamilya. Nung sinabi saken yun ni Chelsea ay hindi ako naniwala at parang nawala ako sa katinuan sandali pero nung nagkita ulit kami ni chester at sinabi niya saken yun ay naniwala na ako at parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

Pagbukas ng pinto ay boom! nawala bigla ang kaba ko at napalitan ng paghanga at siyempre pagnanasa na rin.

Ang ganda ni Chili!!!!!!!!

Masyado ng overrated ang maganda.

She's really ugly right now, she's wearing a blue body hugging dress na above the knee pero hindi masyadong maiksi, naka heels ito na kulay silver, nilugay lang nito ang buhok na ang sarap amuyin dahil alam kong kasingbaho yun ng imburnal at ang sarap halikan ng leeg niya na puro libag.

That was gross.

Nakatanga ito ngayon sa harap ko na parang may mali sa suot ko.

"Chili.. babe.. you look stunning." sabi ko sa kanya pero hindi siya nagsalita at sinuyod lang ako ng tingin. Tiningnan ko ang suot ko. May mali ba? Pangit ba?

"Hey.. what's wrong?" kinakabahang tanong ko sa kanya sabay ayos ng tie ko. 

"You're beautiful." sagot nito saken na nakanganga.

O_O

Magsaya tayong lahat!!!  

Magbunyi!! 

MAbuhay ang Pilipinas!!  

SA wakas!!

Napansin rin niya na gwapo ako. Ang sarap magtampisaw sa ilog at magtatalon sa saya, parang gusto ko ring gumulong dahil sa wakas sinabihan rin niya ako ng 'beautiful' na hindi naman dapat ganun pero ibig sabihin pa rin nun maganda ako sa paningin niya.

"I guess.. i have to wear this everyday para ganyan lagi ang reaction mo." nakangiting sabi ko sa kanya at nilapitan siya.

Mukha siyang goddess ngayon.  

Nagniningning siya ngayon. I kissed her exposed shoulders na sobrang kinis. She smiled at me kaya hindi ko naman napigilan ang sarili ko para hilahin siya palapit saken at halikan ang napakagandang labi nito.  

Ilang sandali pa ay narealize ko na may pupuntahan pa kami kaya tinapos na namin ang halik na yun.

I love the taste of her mouth on mine. Tssss.

Tiningnan ko siya habang naglalakad, aaaaaah!! Maganda!! Maganda! Maganda!! Tinigilan ko muna ang pagnanasa ko kay Chelsea at nagconcentrate sa pupuntahan namin.

Sinabi ni Chelsea saken kung saang restaurant kami pupunta at magkikita kaya nag drive na ako papunta dun. Ayaw naming malate kaya 20 mins. before the time na sinabi ni Chester ay pumunta na kami.

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon