The Game Changer Chapter 25

Magsimula sa umpisa
                                    

Yung mga site visits niya? May kasama rin kaya siyang babae nun? Nung nasa Baguio ako? May kasama rin siguro siyang babae nun.  Boys are boys. Tama nga. Siguro ang dahilan lang kung bakit hindi pa siya umaalis ay dahil wala pang nangyayari sa amin sa kama. Pag nakuha na niya ang gusto nya, siguro dun niya pa ako iiwan. 

Tsss.

I never saw it coming.  

Bakit nung handa ako dati ay hindi nangyari to? Bakit ngayon? Bakit ngayon na mahal ko na siya? Manloloko ka rin pala. Wala rin siyang pinagkaiba kay Mark at sa ibang lalaki.

Biglang nagring ang cellphone ko, tiningnan ko yun at para gusto nang itapon ang cellphone ko nung nakita kong tumatawag si Zane. Hinayaan ko lang ang cellphone ko na mag ring ng mag ring. Ayaw ko siyang makausap, ni ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Laro laro lang talaga sa kanya ang lahat. Laro laro lang at ngayon panalong panalo siya.

Nag ring ulit ang cellphone ko pero hindi ko sinagot at pumasok ako sa kwarto para humiga, ang bigat ng paa ko at ng buong katawan ko, parang bingbog na kung ano na hindi ko maintindihan. Humiga ako sa kama ko, hindi pa rin talaga tumitigil ang luha ko sa kakatulo. Nakakainis! gusto kong sumigaw pero parang walang lalabas na boses mula sa lalamunan ko. Naririnig ko pa rin ang cellphone ko na nagriring pa rin.

Hindi ba siya hihinto??!!  

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakahiga sa kama at ilang minuto na rin ba akong umiiyak??

Bumangon ako at hinubad ko ang doll shoes ko na hindi ko man lang nagawang hubarin kanina. Kinuha ko ang robe ko at tuwalya, dapat magbabad ako sa tubig ngayon para mawala ang bigat ng nararamdaman ko tapos kakanta ako ng rock songs. Ganun siguro.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang cellphone ko, 15 missed calls and 2 messages.

From: My Playboy

Why are you not answering my calls? Lagot ka saken. :-p Miss you already.

Napaiyak ako. Miss me??? Tell that to the Marines. 

From: My Playboy

Chili? Papunta na ako diyan.

Oh God! Papunta siya dito. Kaya ko ba siyang harapin?? Kaya ko ba siyang tingnan sa mata?? Kaya ko ba siyang kausapin ng hindi ako umiiyak? Tumutulo na naman ang lecheng luha ko. Ano ba??? Makisama ka naman.

Naghilamos ako para hindi naman masyadong halata ang mata ko. ShiX!! Teka?? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Galit ako diba? Hindi ko alam anong sasabihin. Ano ba??

Alam ko naman ang gagawin. Sana lang hindi ako traydorin ng katawan ko? At ng puso ko? Tsss. Umupo ako sa sofa, pupunta siya dito?

Okay. Bahala siya.

Ilang sandali pa ay may kumakatok sa pinto, ang bilis ng tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga pero alam kong kaya ko to.

"Chili.." tawag ni Zane mula sa labas. Tumayo ako at pumunta sa pinto. Hinga Chelsea.

At binuksan ko yun, nakatayo lang siya at nag aalala ang mukha.

"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko??" sabi nito at agad akong niyakap at hinalikan ang noo ko.

Pinipigilan ko ang luha ko sa pagtulo at tumayo lang ako dun at tumingin sa kanya.

Napuno ng pagtataka ang mukha niya. Hinaplos nito ang mukha ko.

"Chili..what's wrong??? umiiyak ka ba? anong nangyari? May masakit ba sayo? Tell me."  

Oo. Masakit ang puso ko. Grrr. 

I smiled sarcastically at him.  

"What's wrong? Nothing's wrong Zane. Everything's fine actually.. everything's falling into place."  

Kumunot ang noo nito.  

"Hey hey.. Anong sinasabi mo?" 

"Come one Zane..!! Just stop that okay??? Tapos na. It's Game over for me. Panalo ka na, talo ako kaya tama na."  

Parang naguguluhan ang mukha nito.  

"Chili? Ano ba yang sinasabi mo? Game over? Ano?"

"Let's just stop this CRAP!! and stop acting like you don't know what im talking about Zane!! Maghiwalay na tayo!! Please lang... Maawa ka naman saken Zane, please.. tama na. Panalo ka na okay?" umiiyak na ako dahil sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko pero mas masakit sabihin na hiwalay na kami, na pagkatapos nito WALA na.

Mawawala na siya sa buhay ko.  Lahat ng ginawa niya saken? It was for one reason.. madala ako sa kama and makuha nag gusto niya. 

Hahawakan niya sana ako pero umatras lang ako. 

"No.. just don't. WAg na..Tama na. Magsaya ka kasi panalo ka na. Just go!! Celebrate. " 

"Is this a prank or something??? Just stop this Chili.. it's not funny." naguguluhang sabi nito at tumingin sa paligid na parang naghahanap ng camera o ano. Ano ba feeling niya?? Nasa gag show siya??  

"Umalis ka na lang Zane. Ayaw na kitang makita o makausap. Tama na." Isasara ko na ang pinto pero pinigilan nito.  

"Chili..no. Ano ba to?? Makikipaghiwalay ka saken?? Bakit?? May nagawa ba akong masama? May nagawa ba akong kasalanan?? Tell me! Please... just don't be like this. Please.." nagmamakaawang sabi nito, tumingin ako sa mata niya, gusto kong maniwalang hindi niya alam o mali ang nakita ko pero ayoko na talaga. PAgod na akong makinig ng isa pang kasinungalingan galing sa kanya.

"Just Tell me what's happening Chili... para alam ko, magpapaliwanag ako kung ano man yun. Just tell me please."  

"No!! Zane!! Ayoko na! Naiintindihan mo?? Ayoko na!!! Pagod na ako! Ayokong makinig sayo, ang dami ko nang narinig na kasinungalingan, pagod na pagod na ako. Just Go! Leave Please." Tumingin siya saken na parang maiiyak o ano. Magaling talagang umarte, pwede siyang maging artista.  

"I don't want to.. chili.. diba sabi ko sayo kahit ipagtabuyan moko hinding hindi ako bibitaw? I will not leave you.. just tell me what's happening please.." nanginginig na ang boses nito.  

Hindi ko gusto ang nakikita ko, para siyang batang inagawan ng laruin. Parang gusto niy akong lapitan pero natatakot siya.  

"You know what's this all about Zane... alam ko na.. alam ko ng niloloko mo lang ako. Alam ko ng may babae ka. Alam ko na. Kaya, umalis ka na. PLease.. just go." mahinahong sabi ko pero umiiyak pa rin ako. Pinapahid ko ang luha pero may tumutulo pa rin.  

Ginulo ni Zane ang buhok nito na parang gulong gulo sa pangyayari, nakatingin siya saken.  

"Just go.." sabi ko sa kanya hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya.  

"I'll go for now pero mag uusap tayo... pag uusapan natin to Chelsea." sabi nito pero sinara ko na ang pinto. Tumayo lang ako sa likod ng pinto at umiiyak, ilang sandali pa ay narinig kong umalis siya at narinig kong umandar ang sasakyan nito.

Ito na yun. Ito na yung sinasabi ko dati, akala ko hindi napaghandaan ko to. Akala ko hindi ako masasaktan pero mali ako. 

Akala ko rin totoo na lahat yun, akala ko magiging masaya na ako pero mali ako.

Maling mali.

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon