The Game Changer Chapter 25

Start from the beginning
                                    

Huminga ako ng malalim.  

"Im really sorry Chelsea.. i don't want you to see these pero dapat eh kasi niloloko ka niya." painosenteng sabi ni Bridget saken. Palagay ko sasabog ang dibdib ko ngayon ko ngayon at kumukulo ang dugo ko na hindi ko maintindihan.  

Niloko ako ni Zane. Dapat ba sumama ako nung gabing yun?? siguro hindi nangyari to kung sumama ako.  

"Well.. thanks for the concern Bridget.. I appreciate it." sarkastikong sabi ko sa kanya.  

"Alam mo kasi Chelsea, ang mga lalaking tulad ni Zane...hindi yan nagpipirma sa iisang babae. Kaya wag ka nang mag ambisyon na titino siya sayo." maarteng uminom ng kape.  

"Pagkatapos nga pala nung nangyari diyan ay tinanong namin si Nancy kung anong nangyari.. sabi niya, tinapos lang raw nila ang hindi nila natapos ni Zane dati." dagdag nito . 

Gusto niya talaga akong nasasaktan.  

"I told you before Chelsea.. never ever think about flirting with Mark again.. dahil kaya kong ulitin ang mga ginawa ko dati."

What is she talking about?  

Napakunot ang noo ko.  

"Give me a break Chelsea. Alam kong pinuntahan mo si Mark para makipagbalikan sa kanya nung kabibreak pa lang namin." matigas na sabi nito. 

"What??" di makapaniwalang sabi ko.  

"Grabe ka.. painosente effect na naman..? wag kang mag drama dito Chelsea, wala ang Daddy mo kaya tama na ang acting. Kabago bago palang namin naghiwalay ni Mark nun ay nangati ka agad? Bitch!!" she hissed. Okay! 

"Come on Bridget.. Sino nagsabi niyan sayo?" tanong ko sa kanya. 

"S-Si Mark.." I smiled at her. 

"Talaga? Sinabi niya yan.. well, for your information Bridget, si Mark ang pumunta saken at not the other way around. Siya ang pumunta sa coffee shop at parang timang na nagmakaawa na balikan ko. Siya ang halos lumuhod na sa harapan ko para balikan ko siya and you know what he said to me... hiniwalayan ka raw niya para saken dahil hindi siya masaya." She was taken aback from what i said. 

"Why would i believe you?? sinasabi mo lang dahil naiinis ka at galit ka dahil sa nalaman mong panloloko ni Zane sayo." parang naiiyak na sabi nito.  

Mukhang hindi ako ang weak saming dalawa ah.  

"Why am i telling you this?? Because believe it or not... i want to save you from where you are right now Bridget.. sinasabi mong tanga ako? Bakit nandiyan ka ngayon sa dating kinalalagyan ko?? Im telling you all these things para mabuksan mo ang mga mata mo. Mark is not worth it Bridget, he's not worth your effort and your love. He's selfish, self centered and a big liar. Wag kang mag tanga tangahan. " Tumayo na ako para lumabas. 

"Thanks for the pictures anyway.. mukhang pare pareho nga silang lahat." umalis na ako at iniwan ko siyang tulala.

Pagpasok ko sa loob ng kotse ko ay nag drive na ako papunta sa apartment. Blanko ang isip ko at hindi ko alam kung anong gagawin o anong iisipin. Pagkapasok ko sa apartment ay umupo ako at pinikit ko ang mata ko na tila ba pagod na pagod ako.

Napalingon ako sa divider kung san nakadisplay ang mga libro ko. Nakita ko ang librong binili ni Zane, yung librong naging dahilan kaya binigyan ko siya ng chance para ligawan ako.. yung librong naging dahilan kaya binigyan ko siya ng chance na saktan ako.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Humihikbi na ako at parang hindi ko alam kung paano ko to pahihintuin.

Zane? Bakit mo to nagawa? AKala ko ba iba ka? Akala ko ba hindi ka magpapaagaw?

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now