Chapter 23

3.2K 78 14
                                    


"A-ATE... si Tatay ooperahan na. Inatake siya ulit k-kanina. Kailangan na raw niyang operahan agad..."

Saglit akong natulala at hindi agad tinatanggap ng utak ko ang sinabi ni Stan.

"A-Anong sabi mo, Stan?" My lips were trembling as my tears pooled at the corner of my eyes. "O-operahan na si Tatay?"

"Oo, Ate..." usal ng kapatid ko.

Napasinghap ako bago umupo sa dulo ng kama. "Hindi pa sapat ang ipon... Paano tayo makakabayad sa gastusin? Paniguradong malaking halaga 'yon!"

Hindi ko na napigilan nang magbagsakan ang mga luha ko. Masaya ako na o-operahan na si Tatay, pero saan kami kukuha ng napakalaking halaga ng bayad? Hindi naman yata lahat aakuin ng kung sinong sponsor kuno namin ang lahat ng gastos. Sobrang imposible lang na mangyari 'yon.

"Nasaan ka ngayon? Si Doc. Liam, nakausap mo ba?" magkasunod na tanong ko.

"N-Nandito 'ko sa labas ng operating room. Nasa loob na sila..." sagot ni Stan at halata sa kaniyang boses ang kaba at takot na nararamdaman ko rin ngayon.

"Kakausapin ko si Doc. Liam pagkatapos ng operasyon. Ihahanda ko ang perang naipon ko," sabi ko at nagpunas ng luha.

"Ate, dala ko rin 'yong pera ko," aniya.

I heaved a deep sigh. "Hindi. Huwag mong gagalawin 'yan, okay? Maliwanag ba 'yon, Stan? Huwag na huwag mong gagalawin ang pera mo."

"Ate naman..." mahinang reklamo niya.

"It's okay, Stan. Gagawin ko ang lahat para makabayad. Hindi ako mapapahamak. Wait for me, hmm? Pupunta ako diyan," pangungumbinsi ko at ngumiti kahit hindi naman niya ako nakikita.

I head him sigh on the other line. "Mag-iingat ka, Ate. Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak, sasabunutan talaga kita."

I chuckled. "Hindi na talaga. Takot ako masabunutan mo, eh!"

"Seryoso 'yan, ah!" Tumawa rin siya. Napailing na lang ako at bumuntonghininga. Magiging maayos din ang lahat. "Hintayin ka namin dito. Huwag kang gagawa ng kalokohan."

"Oo nga! Kulit nito!" natatawang sabi ko. "I'll drop this call first, hmm? Mamaya na lang. Huwag mong iwanan si Tatay diyan." Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Stan dahil agad kong pinutol ang linya ng tawag.

Natulala ako sa sahig at mahigpit na hawak ang cell phone. Naninikip ang dibdib ko, pero masaya rin ako, sobrang saya... pero sa likod pa rin no'n ay ang takot.

Paano kami makakabayad? Malakas ang kutob ko na sinimulan ni Doc. Liam ang operasyon dahil may paunang bayad ng sponsor kuno namin at alam kong may matitira pang halaga para mabayaran 'yon nang buo.

"I didn't mean eavesdropping, but I overheard your conversation." Bahagya akong napagitla at nag-angat ng tingin kay Theodore nang marinig ko ang boses niya.

Hindi raw sinasadya? Eh, ang ganda ng pagkakasandal niya sa hamba ng pintuan ng kuwarto, 'tapos sasabihin niyang 'he didn't mean eavesdropping'? Edi wow siya!

"Stop mocking me in your head," he blankly stated.

I rose my left eyebrow. "Why are you here? What do you need? Tapos na ang trabaho ko."

Bakit hindi pa siya umalis kanina? Sana ay tinuloy-tuloy na niya, 'di ba? Nandito na naman ba siya para magbigay motibo, 'tapos paaasahin ako? Tsk. Hindi na ako magpapadala sa kaniya. Hindi na talaga! Period!

"I told you that I overheard your conversation," he timidly replied.

Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya dahil wala akong mabasa na kung ano sa mga mata niya. Blangko lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

The Billionaire's Wicked DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon