Chapter 7

4.8K 103 16
                                    


"ATE, may gusto ka ba kay Kuya Xavier?" Agad na nalukot ang mukha ko nang itanong sa 'kin ni Stan 'yon.

"Ano bang tanong 'yan?" tanong ko pabalik at nakakunot ang noo. "Kaibigan ko lang 'yong tao, binibigyan n'yo ng malisya."

"Ganito kasi, Ate..." Stan trailed off as he let himself laid on my bed. "Hindi naman siya lalapit sa 'yo kung hindi ka niya gusto."

I rolled my eyes. "Stanley Lester, lumapit siya sa 'kin para makipagkaibigan."

Issue talaga 'tong kapatid ko!

Nagpatuloy ako sa pagsusuklay ng mahaba kong buhok. Linggo ngayon at may check-up si Tatay. At gaya rin ng sabi ni Xavier, sasamahan niya kami at lalabas na rin kami pagkatapos ng check-up. Pumayag na 'ko dahil nakapangako na siya kina Stan.

"Gano'n naman mga galawan ng lalaki, Ate," tugon ng kapatid ko. "Makikipagkaibigan 'tapos magiging manliligaw."

Ibinaba ko ang suklay matapos kong suklayin ang buhok ko. Hinayaan ko lang
nakalugay ang buhok ko ngayon dahil nasasanay na akong palaging nakatali ang buhok ko.

"Ganiyan ka siguro, 'no?" asik ko sa kapatid ko at pinanlakihan ng mga mata.

Agad namang napaupo ulit si Stan. "Hindi, ah! Wala pa 'kong nililigawan!"

I squinted my eyes on him. "Sure ka? Bakit parang mayro'n?"

Lihim akong napangisi nang umiwas ng tingin ang kapatid ko. Napansin ko rin ang pamumula ng mga tainga niya.

"Ewan ko sa 'yo, Ate! Bilisan mo na, baka dumating na si Kuya Xavier!" asik niya at agad na lumabas ng kuwarto ko para makatakas.

Malakas akong humalakhak. "Na-basted si Stanley Lester!"

"Epal ka, Ate! Hindi po ako na-basted!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas.

Napailing na lang ako at tinapos ang pag-aayos sa sarili. Simpleng jeans at shirt lang ang isinuot ko para komportable akong makagalaw. Minsan lang naman ako magsuot ng mga dress kapag kailangan talaga.

Nang makontento sa ayos ko ay lumabas na ako ng kuwarto at nagtungo naman sa kuwarto ni Tatay. Naabutan kong nag-uusap sina Stan at Tatay.

"Boto ka talaga kay Kuya Xavier, 'Tay?" pang-uusisa ng kapatid ko kay Tatay.

Napataas ang kilay ko at sumandal sa hamba ng pintuan. Hindi muna ako kumibo at pinakinggan ang usapan nila.

Marahang tumawa si Tatay. "Kahit boto naman ako, na kay Seanelle pa rin ang desisyon, Stan."

Napangiti ako sa sinabi ni Tatay. Hindi siya mahigpit sa amin ni Stan, pero ramdam na ramdam namin ang pagmamahal niya sa amin kahit sa simpleng bagay lang.

"Baka kasi mapunta si Ate sa kung sinong lalaki, Tatay..." sabi pa ng kapatid ko.

Concern na concern naman 'tong kapatid ko sa lovelife ko, eh, siya nga ay walang sinasabi sa 'kin kahit crush man lang! Napakadaya ng hudas kong kapatid!

"Wala ka bang tiwala sa Ate mo?" tanong ni Tatay at tumahimik naman si Stan.. "Alam ko namang hindi pababayaan ni Seanelle ang sarili niya. Hindi natin dapat siya pangunahan kung may magustuhan man siya, kahit hindi natin gusto 'yong gusto niya."

"Puro babaero pa naman mga lalaki ngayon," usal ng kapatid ko at napabuntonghininga.

"Oo, babaero! Kaya pakiramdam ko pati ikaw ay babaero na rin!" singit ko at tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto ni Tatay.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Stan. "Hindi ako babaero, 'no!"

"Ows? Mukha ka na kasing babaero," sabi ko sabay ngisi.

The Billionaire's Wicked DareWhere stories live. Discover now