Chapter 16

3.4K 103 21
                                    


"DO YOU know him?" agad na tanong sa akin ni Theodore nang makapasok kami sa opisina niya.

Agad na umikot ang mga mata ko nang mapatingin ako sa office table. Gustong-gusto kong lumabas ngayon din mismo dahil sobrang naiirita ako rito sa loob ng opisina niya!

"Pakialam mo?" mataray na tanong ko pabalik.

He loosened his necktie. And damn! He's so fucking hot by doing that move! Itinupi niya rin 'yong sleeves ng suot niya hanggang siko habang papunta sa swivel chair niya. Pabagsak siyang umupo ro'n pero hindi ako nagpatinag.

Problema nito?

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga CEO?" he sarcastically asked.

My lips parted as my chest tightened with his remarks. Natigalgal ako sa kinatatayuan ko. Bumalik na naman ang lahat ng inis na nararamdaman ko sa kaniyang noong una ko siyang makausap. Ang mga pangmamaliit niya sa akin na umepekto sa pagkatao ko.

"Why don't you speak?" He smirked as he crossed his arms over his chest. "You have Lacson, and then now, you're trying to get Bermudez too?"

I closed my fists to control my temper. Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya at tinatanggap ang mga akusasyon niya. Gusto ko munang marinig ang lahat ng sasabihin niya. Gusto kong malaman kung ano pa'ng tingin niya sa akin!

"And then what? I'm your next target?" he teased as he rose his left eyebrow. "That's not going to happen, woman. Know your limits."

Para akong dinaganan ng sampung sako ng bigas dahil sa sinabi niya. Pinigilan kong magpakita ng emosyon sa harap niya. Hindi ko ipapakita na apektado ako sa mga sinasabi niya. Hinding-hindi ko ipapakita na mahina ako pagdating sa kaniya!

"Ang kapal ng mukha mo..." nanggigigil na sabi ko. Mahigpit na ikinuyom ko pa ang mga kamao ko. Ramdam na ramdam ko ang paglubog ng aking mga kuko sa palad ko dahil sa panggigigil.

He laughed. "Why is that? Naiinggit ka ba kasi hindi kita ginagalaw?"

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Baka gusto mo lang naman talagang magpagalaw gaya ng mga babaeng dinadala ko rito?" nanunuyang tanong niya pa. "I know you saw us. Twice to be exact, right? Gusto mo rin ba?"

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa galit. Kahit galit ako ngayon ay para pa ring tinatarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya.

Umasa lang talaga ako na magbabago na siya...

Umasa ako na mag-iiba na siya dahil sa mga ipinapakita niya sa akin, pero hindi pala...

He's a total asshole! A jerk!

"Alam mo...?" I trailed off as I looked at his eyes blankly. "Tang ina mo!"

Wala na akong ibang sinabi at lumabas na lang opisina niya. Alam kong may trabaho pa ako pero wala na akong pakialam ngayon!

Ayoko siyang makita! Napakawalang hiya niya! Ano'ng karapatan niyang sabihin sa 'kin na ginagawa kong koleksyon ang mga CEO?

Tanggap ko pa ang mga pangmamaliit niya sa estado ng buhay ko, pero 'yong mga sinabi niya sa 'kin kanina, pakiramdam ko ay nayurakan ang buong pagkatao ko. Parang ang tingin niya sa akin ay isang napakarumi kong babae!

Hayop siya!

"Hey, watch out!"

Hindi ko namalayan na may humila sa braso ko at bumagsak ako sa dibdib ng hindi ko pa nahihinuhang lalaki. Alam kong lalaki 'to dahil sa narinig kong boses at amoy niya.

"You fucking driver! Watch your drive way!" sigaw ng pamilyar na boses habang nakayakap sa akin.

Kilala ko na. Si Sir Bermudez 'tong lalaki.

The Billionaire's Wicked DareWhere stories live. Discover now