The Game Changer Chapter 21

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagdating namin ay nagpark na ako at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Sinabi ni Chelsea ang reservation at giniya kami papunta sa balcony kung saan may limang table lang ay sa isang sulok ay may mas mahabang table na may 6 na upuan ay nakita namin si Chester.

Tumayo ito pagkakita sa amin ni Chelsea at maluwang ang ngiti nito.

"Happy Birthday kuya.." sabi ni Chelsea sabay bigay ng regalo nito at yumakap dito. Parang bata talaga si Chelsea pagdating sa kuya nito. 

"Thanks Angel." napangiti ako dahil ang daming pangalan ni Chili.

Chili and Babe - Me 

Chessie - Lei 

Chisel - Steph  

Beauty - I <3 coffee people 

Ate Cake - Frannie  

Angel - Family  

Chelsea - NSO Birth Certificate

Nyehehehe

Tsk2x. She is well loved.

Tumingin si Chester saken at ngumiti.

"Happy Birthday Bro.." sabi ko sa kanya sabay shake hands naman na nauwi rin sa yakapan at tapik ng braso.

"Salamat Bro.." sagot nito.

"Salamat sa pagdating bro ah.. upo na kayo kasi parating na sina Dad." aya nito samin at umupo na kami.

                 Bridget     Tita Alex  

Chester                                       Daddy nila 

                Me             Chelsea

Yan ang arrangement namin mamaya, palagay ko.

Nag usap kami ni Chester tungkol sa mga kung anong bagay at kinamusta nito si Chelsea tungkol sa tinitirhan nito. Kung hindi paba raw babalik.

Ilang sandali pa ay dumating na sila. Agad akong tumayo nung makitang palapit samin ang isang lalaki na matikas na matikas pa rin kahit sa pagkakaalam ko ay nasa late 40s na nito. Parang Albert MArtinez lang ah. Pag tumanda si Chester, ito ang hitsura niya malamang.    

Katabi nito ang isang babaeng eleganteng elegante sa suot, maganda siya at matangos ang ilong pero hindi naman mukhang masungit at nakasunod sa kanila si Bridget na sobrang ikli ng suot at halos lumuwa na ang dibdib.

I heard Chester mutter something about lack of cloth or something na palagay ko ay si Bridget ang tinutukoy.

Pagkarating sa Table namin ay sinalubong ng yakap si Chelsea ng daddy nila tapos ay niyakap si Chester at nag greet. Tapos ay tiningnan akong maigi at sumulyap kay Chester na pagtingin ko ay ngumisi lang naman.

Wew! HOtseat.

Malamig naman dito pero pinagpapawisan ako.

"Daddy.. i would like you to meet Zane Mikel Ayala.. boyfriend ko po." masaya pero nahihiyang sabi ni Chelsea. Tumigas ang mukha ng Daddy ni Chelsea at tumingin saken.

"Zane.. Daddy ko... William Mendoza." nakangiting sabi ni Chelsea na nakatayo sa tabi ng Daddy niya.

"My Pleasure to meet you Sir." sabi ko at nakipagshake hands na dito.

"You're the Ayala who's into Cars?" tanong nito saken sa baritonong boses nito.

"Yes Sir.." i answered confidently.

Tumango ito at tumingin sa babaeng katabi.

"Good. Zane, this is my beautiful wife... Alexandra Mendoza.." pakilala nito at ngumiti saken ang babae tapos ay lumapit at niyakap ako.

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon