The Game Changer Chapter 17

Magsimula sa umpisa
                                    

Pag tumagal na at mapatunayan ko sa kanya na seryoso ako, malamang maniniwala rin siya at magtitiwala rin siya saken.

Binitawan ko siya at Kinuha ko ang tissue paper tapos bumalik ako sa kanya.

"Chili...kita moto?"  

Tumango siya at parang nacurious.

"Ganito kalinis ang intensyon ko sayo..." bigla itong ngumanga na parang sinabogan ng bomba.  

"Arrrrggghhh!! Baliw ka talaga Ayala..." natatawang sabi nito at tumingin saken.  

"Centrum k ba? kase u make my life complete!" boom! 

"Oh My god!!! Ayoko na talaga...." hawak na nito ang ulo nito na parang nagkaka migraine na siya samantalang tawa lang ako ng tawa. Sumasakit kasi ang ulo niya pag nag pipick up line ako.

"Sorry Chili... just can't help it." hinging pasensya ko sa kanya. Tumatawa naman ito.

Tiningnan ko siya habang tumatawa.

"Hey Playboy.. natunawan ka na ba?"  

"I think so.. " 

"Okay wait.." biglang pumasok ito sa kwarto niya at pagbalik ay malaking kumot na dala tapos ay nilatag nito sa sahig, bumalik ulit sa kwarto at nagdala ng isa pang kumot at dalawang unan.

"Bed of Roses!" sabi nito na nakangiti at hinubad ang suot nitong sapatos tapos umupo doon. Hinubad ko na rin ang sapatos ko nakiupo na rin sa tabi niya.

Humiga na ako at tumabi naman siya saken.

Humarap siya saken at ganun lang ang ginawa namin at nagkwentuhan. I love listening to her stories, about her childhood and a lot of things. Hindi ko tinatanong ang tungkol kay Mark at tungkol sa mga masamang nangyari sa kanya in the past, i just want her to tell it to me dahil gusto niyang pag usapan yun at ready na siya, ayokong ipilit yun dahil lang gusto kong malaman yun. Alam ko naman na sasabihin niya rin yun balang araw.

Hinding hindi ako mapapagod sa paghihintay sa kanya kung kelan ready na siyang magtiwala ulit. Kung kelan kaya na niyang ipagkatiwala saken ang puso niya. Hinding hindi ako mapapagod sa kanya at pag dumating ang araw na yun? Hindi ko aaksayahin ang tiwalang ibibigay niya.

===========================================

"Morning Zane..." bungad saken ni Marga na sobrang laki ng ngiti sa labi nito.  

"Morning Beautiful.. you look happy huh...let me guess.. Tony and you are planning for a second honeymoon?" nakangiting sabi ko sa kanya na nagpatawa naman dito. Nilapag ko na ang mga  

gamit ko at hinubad ang coat ko.

"Nah Zane... honeymoons? We don't plan it.. it just happens." she winked at me.

"Argh! Teaser..." sabi ko sa kanya at malakas ang tawa nito.

"Hindi naman.. that was a good guess though but im 2 months pregnant." napanganga ako sa sinabi nito.

O_O

"Holy COW!!! Really??? HOW?? " tumayo ako para yakapin siya.

"Oh!! You still don't know to do it Zane????" Nakangising sabi nito saken dahil sa napakastupid question ko na yun.

"Congratulations Woman.. grabe!! I can't believe it pero how come you're still sexy as usual??"  

"Ay naku..Bolero ka talaga Boss.." sabi nito.

Lumabas ako sa pinto para isigaw na buntis si Margaret at pumalakpak ang mga empleyado ko at nakisaya rin.

"So.. you're still allowed to work right??" tanong ko sa kanya.

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon