pag tapos kasi kami Kumain sa hapagkainan ay walang Sabi sabing hinigit ng ate mo nanaman itong girlfriend ko Dito sa pool at mag swimming daw Sila Wala Naman nagawa girlfriend ko kundi sumunod Dito

wow

Hindi ko maiwasan na mapatanga ng umahon ang magandang girlfriend  ko mula sa swimming pool

naka bikini lang Naman kasi sya at tila rumarampa na nag lalakad papalapit sa kinaroroonan ko

shheeshh

"Laway mo malori tumutulo" tila bumalik ako sa realidad dahil sa sigaw ng kapatid ko dali dali ako pinunasan iyon

Pero isang malakas na halakhak  ang nang galing sa kapatid ko

Sh*t ka malori nakakahiya!

Pulang pula ang mukhang masmaang tinignan ko ang kapatid ko na ngayon na tawa ng tawa parin

Pero napabaling ang tingin ko dahil sa isang mahinhin na tawa na nag mumula sa girlfriend ko umupo ito sa kandungan ko Bago ikinawit ang dalawang braso sa leeg ko

kahit basa ang girlfriend ko dahil kakaahon lang sa swimming pool Hindi ko pinansin ang pagkabasa nito

like duh?  sinong matinong tao na tatanggi kung may sexy na umupo sa kandungan mo at maglalambing? and who wouldn't want Athena heis?

well absolutely Not me.

"Iloveyou"Sabi nya sabay halik sa pisngi ko

Hindi ko naman maiwasan na mapangiti

"Iloveyou too"

Nakangiting usal ko napatingin ako sa labi nito tumayo ako upang halikan sana sya ng isang tunog ang nang galing sa cellphone ko

_______________________
{Unknown:}

Emergency 🔴

_______________________

Napakunot noo ko

himala nag paramdam si Unknown?

"Sino yan?" Tanong ni Athena sa akin hindi ko napansin nakatingin na pala sa cellphone ko

"Emergency??" Takang Tanong nito sa akin

Napatikhim ako

"Ahhh..k-kaibigan ko ito nag ka problema yata ung kotseng pinahiram ko sa kanya nung nakaraan heheh" pag sisinungaling ko rito

"Ah si Jeck si Jeck" tumatangong sabi nito tumango nalang ako bilang sa pag sang ayon.

"Puntahan mo na baka maghintay ng matagal ung kaibigan mo" sabi nito bakas sa boses nya ang pag alala

Ngumiti ako rito at hinalikan ko pisngi bago nag paalam

-

"Hays nag patawag ng meeting pero sya ung nahuhuli! Hustisya naman dude!!"
Reklamo ni Clint sa tabi ko

"Wag ka ngang maingay jan" saway naman ni Dallas habang hawak ang baso ng coffee nya

Tahimik na napakibit balikat lang ako at humigop sa coffee ko

Nasa isang private room kasi kami ngayon at dito raw 'kuno' ang meeting namin

Ano kaya ang problema ng isang yun? Isang taong di nag paramdam sa amin tapos ngayon nag papatawag ng meeting?

Pati bakit hindi sya nag paparamdam gaano?

Napatigil sa pag rereklamo si Clint ng bumukas ang pintuan 

At pumasok ang isang taong naka ALL BLACK habang suot ang kanyang Maskara

si Unknown

"ANG TAGAL MO!" Bulyaw agad ni Clint kay Unknown pagka upo na pagka upo nito

Tumingin lang ang isa rito at nag kibit balikat

"Bigla kang nawala ng isang taon unknown san ka ba nag sisisuot? " Tanong ni dallas rito

Pero hindi ito sumagot at nagulat nalang kami sa ginawa nito

Tinanggal nito ang kanyang maskarang suot at tumingin sa amin at ang unang tumatak sa isipan ko ang kanyang mga mata

Kulay red ba talaga ang mata nya? Or contact lens lang?

"First of all,My name is Peyton Dawson at may emergency akong sasabihin at sana tulungan nyo ako."walang emosyon na sabi nito sa amin

At tila nag taasan ang balahibo ko sa batok ng lumingon ito sa akin walang bakas na emosyon ang makikita mo sa mukha nito lalong lalo na sa mata nito

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa pag kakatitig nito sa akin

____

ud ud ud ud






Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now