Umirap ako. Ayan na naman siya sa pa-babe niya. "Hindi kita na-miss."

"Weh? Excited ka nga no'ng sinagot mo 'yong tawag, eh." He chuckled.

I pouted. "Ang tagal mo kasing hindi nakatawag."

"Sorry about that, babe. Tinapos ko na lahat ng kailangang tapusin para makabalik na 'ko sa 'yo," he replied softly.

I stiffened with his remarks. Mariin akong napalunok bago ulit nagsalita, "Oo na. Kailan ka babalik niyan? Next week ka na uuwi, 'di ba?"

"I miss you..." he muttered instead of answering my question.

I pursed my lips. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Miss ko rin naman siya, pero baka mabigyan niya ng ibang kahulugan kung sasabihin ko 'yon.

"Can't wait to see you again, Seanelle..." he added. "I miss you so much."

I gulped. Napaangat ang tingin ko kina Jenesis na nakabalik na pala bitbit ang mga pagkain namin. Nakatingin sa akin si Jenesis habang si Denver ay na kay Milan na ang atensyon.

"I'll wait for you, Xav. Take care, okay? Mag-uusap pa tayo, 'di ba?" sabi ko na lang. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may ginagawa akong mali. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag.

He chuckled. "I know, babe. Lunch time ninyo, right? Kumain ka nang marami, okay? I'll hang this up first."

"Mmm. Ingat ka, Xav," tugon ko.

"I love you..." He ended the call.

Tahimik na ibinaba ko ang cell phone mula sa aking tainga bago ko ibinalik sa bag 'yon.

"Si Xavier?" tanong sa akin ni Jenesis.

I smiled. "Yep. Malapit na raw siya umuwi."

"I see." He nodded his head.

Inilapag niya sa harap ko ang pagkaing pinabili ko. Matapos no'ng nangyari sa birthday celebration ni Milan ay nakipag-usap ako kay Jenesis. I apologized for what I did, I was drunk that time. Akala ko ay magiging awkward para sa aming dalawa pero hindi. Naging malapit nga lang kami ngayon.

Though he asked me once if he could court me, but I immediately turned him down. Noong nakaraang araw lang 'yon, wala naman kasi akong balak pa. Madami akong mas kailangan unahin. Buti na lang at napakabait nitong si Jenesis at walang sama ng loob sa naging desisyon ko.

"Nga pala, Sean." Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang magsalita si Denver.

"Bakit?" malumanay na tanong ko.

"Nabanggit kasi ni Jenesis na hindi raw kapatid mo ang sumundo sa 'yo no'ng birthday ni Milan," mahabang sabi niya.

I chuckled. "Kakilala ko 'yon. Huwag kayong mag-alala."

Bakit ngayon pa nila binuksan ang tungkol doon? Ilang araw na nga ang lumipas, eh! Akala ko ba naman ay nalimutan na nila 'yon.

"Hoy, hindi ko alam 'yan!" singit ni Milan at humarap sa akin. "Sino'ng sumundo sa kaniya? Jenesis, sigurado ka bang hindi si Stanley ang sumundo sa kaniya?"

"Hindi," tipid na sagot ni Jenesis. He then looked at me. "Theodore Reverio picked her up."

Milan gasped in shock. "R-Reverio? Hala! Boyfriend mo si Theodore?!"

I looked at her with wide eyes. Pa-simple rin akong tumingin sa paligid at mukhang wala naman yatang nakarinig dahil may kaingayan ang cafeteria.

"Ano ba, Milan!" saway ko sa kaniya. "H-Hindi ko boyfriend 'yon."

The Billionaire's Wicked DareWhere stories live. Discover now