CHAPTER III

65 29 21
                                    

Alisha Point of View

"Bess, anong plano ninyo ni Sandi sa project ninyo?" tanong sa akin ni Claire habang nagbabasa naman ako ng libro.

"Ewan ko nga hindi pa naman kami nag-uusap," sagot ko rito.

"Ay weh? Hindi magkausap pero laging nagsasama?" mabilis naman akong napalingon sa kanya at tiningnan ng masama.

"Issue mo." ani ko rito at tumawa naman siya.

"Alam mo bess one week na tayo rito sa university, one week na rin tayo magkasama sa apartment at s'yempre one week na rin akong nakakapansin ng something sa inyo."

"Something?"

"Uy! Aminin mo nga sa akin gusto mo ba si Sandi?" diretsong tanong nito sa akin.

"O--- I mean hindi." ani ko at mabilis nang tumayo baka ano pa ang matanong nito sa akin.

Mag-dadalawang linggo na kami rito at inaamin ko na oo unti-unti na namang bumabalik ang nararamdaman ko sa kanya, hindi naman talaga ito nawala sadyang pilit ko lang tinatago.

Habang naglalakad ako pabalik ng apartment ay nakita ko si Sandi na may kausap na babae habang kumakain naman silang dalawa.

"Sino 'yon?" mahinang tanong ko naman sa aking sarili.

Aba! Nag se-selos ako ang sweet nila tingnan.

Dahil malapit lang naman sila sa apartment nag-uusap nagpatay mali na lamang akong lumapit doon upang marinig ang pinag-uusapan nila.

Habang naglalakad ako sa gilid nila ay narinig kung kinakausap ng haliparot na babae si Sandi sa malanding paraan. Eww!

"I love yo---" hindi na natapos ng babae ang sasabihin niya nang bigla akong nadapa dahil nasira ang aking hills.

Damn it! Nakakahiya.

"Tanga mo naman, mag-ingat ka kasi 'wag puro sa akin ang attention mo " ani Sandi habang hinihimas ang aking paa.

"Huwag mo hawakan masakit!" asik ko sa kanya.

"Tulungan na kita tumayo!" offer pa nito.

"Ayaw ko, kaya ko naman." sagot ko habang pinapalayo siya sa akin.

"Alisha, huwag na matigas ang ulo!"

"Sabing kaya ko na nga," ani ko at tinulak siya. Tss!

Galawang two timer! Bakit hindi nalang siya doon sa babaeng haliparot?

Dahan-dahan kung sinusubukan na tumayo pero hindi pala kaya ng paa ko, na injured ata ito.

"Aray!" mahinang usal ko habang tumatayo.

"Tss!" singhal naman ni Sandi at mabilis akong binuhat. Nakakainis naman eh!

"Ibaba mo ako!"

"Hindi ka nanga makatayo ma pride ka pa?"

"What ever!"

"Tss! Subukan mo kayang kumalma kapag nakikita ako? Lagi ka kasing trigger sa akin." ani nito habang buhat-buhat ako pero hindi na ako sumagot pa at pinilit ko nalang ang aking mga mata.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay agad niya akong inilapag at kumuha siya ng yelo at nilagay ito sa aking paa.

"Masakit pa ba?"

"Sobra," sambit ko lang habang nakatingin sa kanya.

"Tanga-tanga mo kasi bakit ka ba napunta roon."

"To spy you and your girl!" mahinang ani ko naman sa aking sarili. Totoo naman eh! Pero babae niya kaya iyon?

Silence of our Love [Complete]Where stories live. Discover now