Muli niya akong itinulak. Mas malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. My lower back ached at the sudden impact it gave me. Awtomatikong napatuon ang mga palad ko sa sahig para huwag tuluyang mapahiga. Hindi kaagad ako nakatayo at wala sa sariling napatingin sa mga paa niya saka natulala.

“Malandi ka naman talaga, hindi ba? Kunyari ka pa mahinhin pero ang totoo ay nasa loob ang kulo mo!”

Pinilit kong manahimik sa mga paratang ni Saskia. Pagkalabas ng room ay inabangan niya ako kasama ang ilang mga kaibigan niya. They tried to corner me and ended up pushing me that made me fall to the cemented floor. Pinalibutan nila ako, hindi pa rin ako nakakatayo at tahimik lang akong nakatingala sa kanila.

“Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga bagay na sinasabi mo sa akin. Ano ba ang naging kasalanan ko sa’yo?”

“Nagmamaang maangan ka pa talaga? I saw you with Gabriel this morning! Inihatid ka niya dito? Ano, ginalingan mo ba sa kama kaya nauulol siya sa’yo? Inuuto ka lang noon!”

Napapikit ako nang mariin sa mga klase ng salita na lumalabas sa bibig niya. Nagtawanan ang ibang kasama niya.

“Malandi naman pala. Nagkukunwari lang na mahinhin.”

“Kapal ng mukha!”

“Siyempre ay hindi palalagpasin ni Gabriel ‘yan. Sariwang sariwa ba naman.”

“We all know Gabriel’s reputation when it comes to girls. Hindi nagseseryoso ‘yon kaya sigurado akong pinaglalaruan lang niya ang jologs na ito-”

“Bakit parang sigurado ka sa mga sinasabi mo, Saskia?” tanong ko matapos magmulat ng mga mata at diretso siyang tingnan. “Ginawa rin ba sa’yo? Naging palipas oras ka lang ba sa kaniya?”

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para pagsalitaan siya ng gano’n. It was a wrong move for I only saw the anger flaming in her smokey eyes.

“Ano’ng sinabi mo?”

Humakbang siya palapit sa akin, marahan at puno ng pagbabanta. She squatted in front of me, her gaze full of dagger.

“Sumasagot ka na? Bakit? Matapang ka na, Angelique?”

I gritted my teeth, trying to suppress the surging emotions that want to come out.

“Nagtatanong lang ako dahil parang kilalang kilala mo si Gabriel. Your accusations are all baseless, too. Wala kaming relasyon. At mas lalong walang nangyari sa amin kagaya ng iniisip mo.”

“Do you think I’d believe you-”

“You are not obliged to believe me. At kung sakaling totoo man ang mga paratang mo sa akin tungkol sa kaniya, hindi ba at dapat ay labas ka na doon dahil... hindi naman kayo?”

Mas lalong nanglisik ang mga mata niya. She was about to slap me when someone from behind me held her wrist. Wala sa sarili akong tumingin sa likuran ko at gano’n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko matapos makita si Gabriel.

His eyes held storm, sharp jaw clenching tightly while glaring at Saskia. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan nito at halata ang matinding galit.

“Hurt her once and I’ll hurt you more than you could have ever imagined,” his voice was rough and husky. “Try me.”

This is already finished. You can either join on my VIP group or I’ll send it to you through PDF file for only 200 pesos. Thank you! :)

 Thank you! :)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sunshine On His Rainy Days (Complete)Where stories live. Discover now