Luke Gabriel isn’t just my first love. He’s also my great true love. Unfortunately, that love did not last.

Bumukas ang elevator. Pumasok ang isang maliit at magandang babae hawak ang isang batang lalaki sa kamay nito. Sa tingin ko ay naglalaro ito sa dalawa o tatlong taon. May isa pang matandang babae ang humabol na sa tingin ko ay kasama nila. Umusod kami parehas ni Rayver sa bandang dulo para bigyan sila ng espasyo.

“Nariyan na daw ang pediatrician sa clinic, Hannah. Dumiretso na tayo doon dahil baka mamaya ay marami na rin tao,” sabi nung matandang babae. “Tumawag na ba sa’yo ang Daddy mo?”

“Not yet.” sagot nung magandang babae.

The little boy leaned his head against the girl’s hip. Sa tingin ko ay mag ina sila dahil malambing ang bata sa kaniya.

“Mommy, will I be feeling okay?” the boy asked through his tiny voice.

Hinaplos nung babae ang bata sa ulo nito sa marahang paraan. Dinig na dinig ko ang buntonghininga niya.

“Of course, baby. Mommy will do everything for you to feel fine.”

The little boy wrapped his tiny arms around his mother’s legs. Lihim akong napangiti sa ayos nila. Sa kabila no’n ay hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng lungkot... at pangungulila.

Rayver walked me till my designated room. Mahaba na ang pila ng mga buntis sa labas. Kahit na maaga akong dumating ay tila mas maaga pa rin ang mga pasyente.

Bago siya tuluyang lumabas ay nagsabi siyang dadaanan niya akong muli para sabay na mananghalian.

“Good morning, Doctora Angelique, here’s the list of the patients today and their pregnancy history.” Si Janice na pumasok matapos ko maupo sa swivel chair.

Ngumiti ako sa kaniya at inaboy ang isang folder. “Good morning, Janice. Thanks for this. I’ll be starting in a few.”

“Okay, doc. Have a nice day!”

“You, too.”

Pagkalabas niya ng pintuan ay isinuot ko ang white coat ko at binasa na ang information tungkol sa magiging unang pasyente ko. Tumayo ako habang hawak ang folder. I was about to walk towards the door when it suddenly opened. Iniluwa noon si Astrid, isang Gynecologist at amerikana rin.

Nanglilisik ang mga mata nito habang papasugod sa akin. Bago pa ako makagawa ng reaksyon at itanong kung ano ang ginagawa niya dito at bakit ganoon ang ekpresyon ng mukha niya ay marahas niya na akong itinulak sa balikat dahilan para bahagya akong mapaatras.

“Astrid-”

“You slut! I know what you have been doing behind my back! You are flirting with my boyfriend!” she yelled.

Nagsalubong ang mga kilay ko. “I don’t know what you are talking-”

“Liar! I knew that he sent you flowers the other day-”

“I didn’t accept it because I know that you are in a relationship with him!” I defended myself.

Astrid is in a relationship with a wealthy businessman. Kalat na kalat ‘yon sa buong ospital dahil minsan na rin silang nakikita na magkasama dito. I only met him once because Astrid introduced him to us. At oo, pinadalhan ako nito ng bulaklak na hindi ko naman tinanggap dahil alam kong may relasyon sila. Wala rin dahilan para tanggapin ko.

I don’t like him. I am not interested with him. May nobya man siya o wala.

“Don’t you ever try to explain yourself, bitch! You are fucking disgusting!”

Sunshine On His Rainy Days (Complete)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu