CHAPTER XXXIII

Mulai dari awal
                                    

Napangiti na lang naman ang tenyente at napalingon sa doktora.

"Mahal na mahal mo talaga si Cloie e no" Natatawa na lang usap ng tenyente.

"Si Cloie?"

"Ah-hh o-oo naman" Nauuutal na sabi na lang ng doktora at napaiwas na lang ng tingin sa tenyente.

Nagyaya naman na ang tenyente na pumasok na sa loob ng bahay nila Amari para makapag pahinga na rin sila parehas dahil maaga pa nga ang alis nila pabalik ng Isidro.

Kinabukasan ay sa hospital na nga nagpahatid ang doktora para diretso na ito sa duty niya.

"Sa susunod huwag ka na aalis na mag isa ah" Mahinahon ng usap ng tenyente sa doktora habang tinatanggal ang helmet na suot suot nito.

"Dadaan ka ba rito mamaya? Sabay tayo mag dinner" Aniya pa ng doktora, napangiti naman ang tenyente at lumayo na ng bahagya mula sa doktora.

"To naman! huwag mo naman masyado ipahalata na mamimiss mo 'ko, hindi pa nga ako nakakaalis oh" Natatawang usap ng tenyente kaya tinarayan na lang naman siya ni doktora.

"Kapal mo!"

"Nag crave kasi ako sa manok na kinain natin doon sa restaurant nung nakaraan" Aniya pa ng doktora kaya natawa na lang naman ang tenyente.

"Manok lang pala ang gusto mo"

"Akala ko naman, ako na" Natatawa habang napapailing pang bulong ng tenyente

"Oo nga" Biglang sagot ng doktora

"Huh?"

"Gusto ko ng manok" Natatawang sagot ng doktora at naglakad na papasok ng hospital.

"Hihintayin ko yung manok mamaya ah, libre mo ko!" Nakangiting sigaw pa ng doktora ng makarating na ito sa entrance ng hospital.

Napailing na lang naman ang tenyente

"Pafall talaga tong si Doktora" Natatawang usap pa niya sa sarili niya habang tinitignan pa rin palayo ang doktora.

"Hay! Ano ba yan, Mickenzie!" Usap ni Mickenzie sa sarili niya habang inis na ginulo ang buhok niya

"Wala pa nga, pero miss mo na" Napapailing na dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa hospital.

———————————————————————
GAIL AZENITH'S POV

"Hindi ka ba sasama?" Takang tanong kay Mickenzie.

Nandito kami ngayon sa parking lot ng isang restaurant sa Isidro. Out na namin pareho sa trabaho at kagaya niya ay binili ko rin ng pagkain si Madison na idadaan ko rin sa kaniya ngayon sa bahay nila.

"Kaya mo na yan"

"Babalik pa kasi ako sa opisina ko, aasikasuhin ko pa ulit yung kaso niya" Sagot niya sa akin at umiwas na sa akin ng tingin.

"Sigurado kang hindi ka sasama? Bahala ka hindi ka makakasilay kay Doktora" Pangungulit ko pa sa kaniya.

"Sigurado ako, kaya dalhin mo na kay Amari yan para makasilay ka na rin sa Madison mo" Usap pa niya

Bago yon ah, ngayon lang niya inayawan na puntahan si Doktora.

"Okay, alis na ako" Nasabi ko na lang at sumakay na sa motor ko naman at nagmaneho na papuntang hospital.

Pagdating ko sa hospital ay sa opisina na ni Janie ko nahagilap si Doktora Amari.

"Good Evening mga doktora" Bati ko sa kanila.

"Doktora pinapadala ni Tenyente Mickenzie" Nakangiting usap ko kay Doktora at taka naman siyang tumingin sa akin.

"Nasan siya?" Tanong niya habang nililingon pa ang pinto na naiwan kong nakabukas.

Napatingin na lang naman ako kay Janie na taka na rin nakatingin sa pinsan niyang si Amari.

"Ahh, doktora hindi na siya sumama sa akin e, naiwan ko na siya roon sa restaurant kasi babalik pa raw siya sa headquarters para asikasuhin yung sa kaso mo" Sagot ko sa kaniya kaya napatingin na lamang siya sa akin.

"Nakapag pahinga na ba yon? Masakit pa ulo non nung umalis kaming isla e" Nag aalala pang tanong niya kaya taka na lang naman akong ulit napatingin kay Janie.

Nagkibit balikat lang naman si Janie at lumapit na rin sa amin.

"Wala ba ako diyan? Gutom na rin ako e" Reklamo pa niya kaya inabot ko naman ang isa pang balot ng pagkain na binili rin ni Mickenzie

"Ito, sisingilin na lang daw niya si Stanaiah diyan sa pagkain mo" Natatawang sabi ko sa kaniya kaya inis naman niyang kinuha ang pagkain niya

"Akala ko naman, libre na"

"Sana all, si Ate Amari" Biro pa niya habang pabalik na sa upuan niya.

Binalik ko na lang naman ang tingin ko kay Doktora Amari na tahimik na nakaupo na rin.

"Una na ako, dadaan ko pa rin kay Madison 'to e" Paalam ko na sa kanila

"Ingat ka hoy!" Sigaw pa ni Janie

"Ingat, Gail" Matamlay na usap ni Doktora Amari kaya napapangiti na lang naman akong umiling ng isara ko na ang pinto ng opisina ni Janie.

May gusto na ba si Amari kay Mickenzie? Paano? May Cloie siya ah?

AMARI (MIKHAIAH)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang