Chapter 10: New team

66 39 59
                                    

*****

𝙳𝚘𝚗'𝚝 𝚐𝚎𝚝 𝚊𝚝𝚝𝚊𝚌𝚑 𝚝𝚘𝚘 𝚖𝚞𝚌𝚑, 𝚋𝚎𝚌𝚊𝚞𝚜𝚎 𝚠𝚑𝚎𝚗 𝚢𝚘𝚞 𝚜𝚎𝚙𝚎𝚛𝚊𝚝𝚎 𝚠𝚊𝚢𝚜, 𝚢𝚘𝚞'𝚕𝚕 𝚐𝚎𝚝 𝚋𝚎 𝚑𝚞𝚛𝚝 𝚜𝚘 𝚖𝚞𝚌𝚑 - 𝙰𝚗𝚘𝚗𝚢𝚖𝚘𝚞𝚜

*****

Unti-unting nagmulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na nang-gagaling sa itaas. Napalingon kaagad ako upang malaman kung nasaan ba ako. May anim na estudyanteng nakahiga din sa bawat bahagi ng kwarto.

Mahimbing silang natutulog lahat. Hindi ko nga alam kung gising na ba sila o tulog talaga. Nakaupo ako habang malalim padin ang mga hininga.

Dahan-dahan akong tumayo at bigla nalang akong napahawak sa tuhod dahil sa paglalambot. Ngayon ko lang naramdaman ang pananakit ng aking katawan. Laluna ang likod at kaliwang balikat ko, na siyang unang tumama noong bumaksak ako.

Hindi nagtagal ay nabawi ko na ang aking lakas.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. At hindi kakaiba sa unang mga kwarto noong unang challenge. Ito ay pure white at plain na kwarto ngunit may dalawang brown na maliit na cabinet sa magkabilang gilid sa dulo.

Nabaling ang aking tingin sa main door sa harap. May digital clock sa itaas na bahagi ng pinto. Ito ay papabawas at tanging walong oras nalamang ang natitira bago mag zero ang numero. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit ito ay naka-lock. Sa unang tingin parang normal na pintuan lang ito.

Ngayon ko lang din napansin na may relong nakalagay sa aking kanang braso. May oras din na nakalagay ngunit ito'y hindi pa nagsisimulang mabawasan. 72:00:00, ayun ang nakalagay na siguro ay ang oras na meron lang kami upang matapos ang maze. Kung binigyan kami ng tatlong araw, pinahirap siguro nila ang challenge na ito.

Napalingon ako sa isang estudyante na umupo. I know her, pamilyar ang mukha niya.

Siya yung isa sa mga nakausap ko noong first challenge. Nanatili kasi ako sa may labas kahit na tapos na ako. At isa siya sa mga taong nakausap ko. She tried to gain information of me but well, she failed.

Lumapit ako at nginitian siya. "Y-you.....'' May halong pagtataka pang saad niya.

Umupo ako upang magpantay kami at masayang itinanong. "Naaalala mo ako?'' Habang nakaturo pa sa sarili.

Nagpunas muna siya ng mata bago tumango. "Nagsimula na ba?'' Kaagad niyang tanong. "Hindi pa, look.'' At ipinakita ko yung braso ko na may orasan. Tiningnan din niya ang sakanya at muling napatango.

"Oh, I forgot to introduce myself. I'm Friti He..... '' Putol niyang sabi. Nagtataka naman ako tumingin sa kanya. Alangan niyang binuksan ang bibig at parang nagdadalawang isip pa kung magsasalita. "Herdos..... Friti Herdos.'' Pabulong niyang pagpapatuloy.

Napatango ako at ngumiti sa kanya. "That's a pretty name.''

"Thanks, you?'' Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad saakin. "Marin, Marin Seilah.''

"Are you genius?'' Gulat niyang tanong saakin nang marinig ang pangalan ko.

Hindi kaagad ako nakasagot. Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Genius? Ako?

"Diba top two ka? So, matalino ka ba o pure luck lang talaga ang lahat?''

"Huh! Minamaliit mo ba ako? Of course, matalino ako!" Pasigaw jong sagot na may halng pagyayabang.

"Ang galing mo naman! Ako nga top eight lang.''

Pilit akong ngumiti sa kanya. I'm not too fond of an empty compliment. No... To be exact, I hate it.

THE EMISSARIES (Under Editing) Where stories live. Discover now