Napabuntong hininga ako kasunod nang pagdaloy ng mga isipin. Kyla's big girl now. May mga umaaligid na sa kanya na mga lalaki sa School. Pero ang mas kinatatakot ko ay parang nagmana sa akin ang kapatid kong iyon.

Ako nagkagusto sa mas bata, siya naman ay sa mas matanda.

Napailing na lang ako at kasunod niyon ay ang pagdaloy ng mga ala-ala ng masalimuot naming kahapon.

I really thought dad will leave us that day, 50-50 ang kondisyon niya dahil malapit sa puso ang tama ng baril sa kanya. Maraming nawalang dugo bago pa man makarating sa Hospital. Even mom, sa sobrang takot niya dahil sa mga nangyari ay nawalan siya ng malay. I don't know the details dahil tulog ako at inooperahan noong mga oras na iyon.

Pero laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi Niya hinayaan na mangyari ang kinatatakutan naming lahat. Ang mawalan ng isang miyembro ng pamilya, pamilya na ngayon pa lang muling nabuo at naging masaya.

Si Misael Saavedra ay nasintensiyahan ng higit pa sa habang buhay na pagkakabilanggo. Mabubulok siya sa bilangguan para pagbayaran lahat ng mga ginawa niyang kasalanan. He even lost everything, wala na ang yaman nila at ang kanyang ina, wala na ang natural na itsura niya, wala na siyang maipagmamalaki at mailalaban pa. What happened to him was really his downfall, a painful downfall. His wickedness brought that to him. His wrong doings bounced back right into him. Hindi nga talaga natutulog ang Diyos, walang nalilingid sa Kanya. Nangyayari ang mga bagay dahil may dahilan. Maaaring iyon ang pinili natin na gawin o marahil iyon na talaga ang nakasulat na mangyayari ngunit nasa atin pa rin ang desisyon kung anong daan ang tatahakin natin. Daan na matuwid ngunit makitid at masikip, o daan na maluwang at patag ngunit madilim?

Lady Cruzita got her whole body paralyzed for almost half a year before the complications of her diseases happened. Exactly, after Hazelle gave birth to their daughter, she took her last breath, lady Cruzita died. Pumanaw ito na hindi manlang nakapagsisi sa kanyang mga nagawang kasalanan. At iyon na yata ang pinakamasakit na kamatayan. Iyon ang pinaka nakatatakot na pagkamatay.

Ang mamatay nang hindi nakakikilala o tumanggap sa Panginoon. Mamatay na kasalanan ang huling ginawa ng katawang lupa. Mamatay na hindi nakapagsisi sa mga pagkakamali at nagpakasasa sa sanlibutan.

Hazelle almost lost their child multiple times because of too much stress but Thaddeus was such a caring partner to her. Inalagaan niya at tinutukan ng husto si Hazelle. Noong namatay ang kanyang lola ay ipinanganak niya ang isang munting anghel na babae at pinangalanan itong Eliana.

Eliana is said to mean "My God has answered me" in Hebrew. This beautiful name, which appears in the Bible, is also believed to be derived from the Greek sun god, Helios. Fittingly, it's sun after rain that brings on the rainbow. Eliana is a rainbow because she was born after the rain or the death of her second degree grandmother. And yes, we called her on her nickname 'Rainbow', she's baby Rainbow.

Ilang buwan lang buhat nang mamatay si Lady Cruzita ay ikinasal ang dalawa, I mean Thad and Haze. And they're a happy family now. Masaya ako para sa kanila. They seems so in love with each other. Minsan hindi ko mapigilan na makaramdam ng inggit pero alam ko na darating din ang tamang oras na inilaan ng Panginoon para sa amin ni Ella.

Ito na yata ang katapusan ng lahat nang hirap at hamon ng tadhana para sa aming lahat.

Wala nang Lady Cruzita, wala nang Misael Saavedra o Crisanto Guevarra.

Wala na si Ninang Samantha, oo, nakulong din siya kasabay ng mga iba pang tauhan nila. Si Sabrina naman ay wala na akong balita pero ang pagkakaalam ko ay ikinasal na ito sa foreigner na mayaman, iyong matanda na nakita kong kasama niya sa Palawan.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora