6

764 42 15
                                    

"Nice to meet you, Ma'am, Sir." magalang na ani Steven sa magulang ko. Nakipag kamay siya at mainit naman iyong tinanggap nila Papa.

"Nice to meet you, Steven." halos sabay na sabi ng magulang ko.

"How old are you Steven? If you don't mind." tanong ni Mama.

Naalarma ako, mukhang iba ang dating sa kanila ng ginawa naming pagpapakilala kay Steven bilang kaibigan ko.

"Mama! Wag niyo na pong tanungin kung ilang taon na siya! Nakakahiya po." nakangusong sabi ko.

"Oh, I'm sorry Steven." hinging paumanhin ni mama.

"It's okay Ma'am, and to answer your question, I'm on my twenties."

"Ikakasal na siya Mama." singit ko sa usapan, kakaiba kasi ang itsura ni mama. Kakaiba din ang nababasa ko sa kanya, iniisip niya na manliligaw sa akin si Steven kahit hindi naman talaga. Parang nakahinga naman ng maluwag sila mama at papa ng marinig ang sinabi ko.

"And we would like to invite your daughter to my wedding, Ma'am, Sir. If you don't mind."

"No problem dear. What is the exact date by the way? Para makapagpadala kami ng gift for you and your wife to be." masiglang ani mama.

"No need to give a present ma'am and sir. Only your daughter's presence is enough, she's also a friend to my future wife though."

"We insist hijo. So when is the date of your wedding?"

"Matagal pa naman po." sumingit ulit ako sa usapan.

"By September, in America, Ma'am, Sir."

"A-America?" -mama
"America?!"  - papa

Sabay na tanong ni mama at papa. Medyo exagg pa nga, eh.

"Yes, ma'am, sir." sagot naman ni Steven na speaking in dollar.

"Oh, dear. Ang layo pala." sabi ni mama na animo biglang nahiya kay Steven dahil hindi sila sure kung papayagan ako o hindi.

"Ma, pa, pumayag na po kayo. Kasama ko naman si Cassey at ang pamilya niya." tumingin ako kay Cassey at nakita ko na tumatango-tango siya kila mama. "Kung gusto niyo pwede din sumama si Zachy." sa itsura kasi ni papa parang sinasabi niya na agad na 'hindi'.

"Anak? Paano naman nasali si Zachareus sa usapan?" tanong ni mama.

"Zachareus is a very busy person, anak."

"Pero nakausap ko na po siya! Siya pa nga po nagpresinta na sumama." nakangusong aniko.

Nakita kong nagkatinginan sila mama at papa bago napabuntong hininga.

"We'll talk to Zachareus about that and also, to process your papers." ani papa na wala ng magawa.

"Yehey!" di ko napigilan ang sarili ko na tumalon at yakapin ang magulang ko sa tuwa.

"Pasensya ka na, hijo. Ito kasi ang unang beses na makakalabas ng bansa  ang anak namin na 'yan kaya tuwang-tuwa."

Nagpaalam na din agad sila Cassey sa amin para umuwi. Inihatid ko pa sila hanggang sa labas para makapag pasalamat kay Steven dahil pumayag siya sa kalokohan namin ni Cassey.

Mabilis na dumaan ang mga araw, normal lang naman ang mga nangyayari sa School, panay pa din ang bangayan ng dalawang katabi ko sa kaliwa't kanan. Panay din ang away ni Rafael at Leah, si Loree at Seph naman ay nagpapansinan na ulit, si Jomzel at Megan ay mukhang may tampuhan, nalaman ko na nagconfess na si Megan sa kanya and it turned out not good. Si Savanna, kung natatandaan niyo? Iyong may pagka nerdy namin na classmate ay going strong ang relationship kay Maverick, iyong naka-date niya nung third year kami. Si Katrina na ang bagong President at key holder.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat