Chapter Forty-Nine

Start from the beginning
                                    

Ah, may chance.

Pero di na lang siya kumibo. Pagkatapos nilang kumain ng ina ay nagpaalam na rin ito dahil makikipagkita daw sa mga amiga.

"Always take care, alright?" bilin nito sa kanya at saka siya hinalikan sa ulo. Sumunod ay maingat nitong hinalikan sa bumbunan si Isaiah na mahimbing pa rin ang pagtulog.

Pagkaalis ng Mommy niya ay bumalik siya sa bookstore niya na hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung anong magandang ipangalan at nang makakakuha na sila ng lisensiya sa BIR.

Nagbibilin na siya sa sekretarya niya ng mga kailangan pang gawin bago sila umuwi ng anak niya ng bahay. Maghahanda pa siya ng meryenda dahil malapit nang umuwi si Johann mula sa trabaho.

Ngunit lumagpas na ang alas-kuwatro ay wala pa rin ang asawa. Tatawagan niya sana ito ngunit nagising si Isaiah at kailangan niyang patahanin. Kalong na niya ang anak nang makarinig siya nang ugong ng sasakyan sa labas. Akala niya ay ang asawa niya na ngunit si Daddy Darwin lang pala.

"Hi, Dad!" bati niya rito nang buksan niya ang pinto habang buhat si Isaiah na tumigil na sa pag-iyak at gising na gising na.

"Kumusta, anak?" anito at saka naghubad ng sapatos bago pumasok ng bahay. Hinalikan nito sa bumbunan si Isaiah at bumeso naman siya sa pisngi nito.

"Okay naman, Daddy." Tumingin siya sa labas ng pinto. "Uwian na po ba? Bakit wala pa po si Johann?"

"Ah, may ginagawa pa ang asawa mo kanina kaya siguro mahuhuli ng dating. Pero pauwi na rin iyon siguro."

Tumango lang siya. Ah, kaya naman pala. Pero bakit hindi man lang siya tinawagan o pinadalhan ng text ng asawa?

Busy kasi masyado kaya siguro nakalimutan.

Sa malamang nga. Napabuga na lang siya ng hangin. "Daddy, gusto mong mag-merienda? May hinanda ako." Ibinigay niya muna rito si Isaiah at saka niya nilabas ang hinandang buko pandan.

Dalawang oras din mahigit nanatili doon ang tatay-tatayan niya at hindi pa rin dumadating si Johann. Hanggang sa umalis na si Daddy Darwin ay wala siyang natanggap ni-isang reply o tawag mula sa asawa.

Sumapit ang gabi at sinimulan nang kabahan si Sapphire. Ganoon ba ka-busy ang asawa na aabutin na ito ng gabi sa campus? Well, inaabot nga ito ng gabi roon ngunit lagi itong tatawag sa kanya para magpaalam.

Imposible namang walang pantawag sa kanya ang asawa dahil two months ago ay napilit niya itong magpa-line ng telepono para hindi na ito laging nagpapa-load sa tindahan at mag-register pa sa kung anong unlicall or what promo ng network nito.

"Nasaan na kaya ang tatay mo?" pagkausap niya kay Isaiah na nakahiga sa sofa at nakatingin sa nakabukas na TV na akala mo'y naiintindihan nito ang palabas. "Hindi naman siguro nambabae iyon?"

Tumingin sa kanya ang anak at mabilis siyang napangiti. "Siyempre, hindi ko naman pinaghihinalaan si tatay mo. Kaso, bakit hindi man lang siya mag-leave ng text message, hindi ba? Maiintindihan ko naman kung kasama niya mga pinsan niya para daw makapag-asawa na ang Ninong Charlie mo, pero bakit hindi pa rin siya nagte-text?"

Humikab na si Isaiah at nagbabadyang umiyak. Nagugutom na siguro. Binuhat niya ito at saka nag-breastfeed siya. Mabuting makatulog muna ang anak bago siya magluto ng hapunan.

Nakatulog na si Isaiah. Nakapagluto na siya ng hapunan. Nagising na ulit si Isaiah dahil napuno ang diaper nito. Napatulog niya na ito ulit. Ngunit, wala! Wala pa ring dumadating na Johann at mag-a-alas onse na ng gabi!

Nagsimula na siyang magalit, mag-alala, at mag-panic. Sapphire started to call her husband's cousins but her phone rang first.

Si Johann na ang tumatawag!

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now