Chapter 39: Mistaken Love and Misunderstandings

2.5K 46 14
                                    

Alice's POV

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame, thinking about what happened a while ago at what will happen later on the event.

Magtatapat nga kaya siya?

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong kiligin kaya kinuha ko yung unan sa tabi ko at ibinaon yung mukha ko doon.

Toot! Toot! Toot! Toot!

Narinig ko nalang mag-ring yung cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa study table ko at umupo sa kama. Tinignan ko yung screen at nakita kong si Camylle pala yung tumatawag.

"Hello, Camylle?" sabi ko nang sagutin ko yung tawag.

"Uh... Alice? Okay ka lang ba?" Malamang nabalitaan na niya yung tungkol sa nangyari kanina. Yung tungkol sa litrato. Ang bilis talaga niyang makasagap ng balita.

"Mhm." pagsang-ayon ko.

"Sigurado ka? Eh kasi hindi ka sanay sa mga ganitong sitwasyon diba? Naisip ko tuloy na baka umiiyak ka ngayon." she sounded really worried.

"Okay lang ako. Huwag ka nang mag-alala. Pero salamat." I assured her.

"Pupunta ka pa rin ba sa mini concert mamaya?"

"Oo. Kailangan eh. Makikipagkita pa ako kay Dylan bago magsimula yung waltz presentation namin mamaya."

"What! T-talaga?" nae-excite na naman siya. "Why?"

"I'm not sure. Pero...." ikinwento ko sa kaniya yung tungkol sa letter na natanggap ko. Narinig ko siyang nagtititili mula sa kabilang linya. Kahit kailan talaga itong si Camylle oh. Ang bilis kiligin. Daig pa ko.

"What if kung magtatapat talaga siya sa'yo? Sasagutin mo ba siya ng oo?"

I felt myself blush at the thought, "Sigu..ro?"

"Bakit naman 'siguro'?"

"Eh kasi hindi naman tayo sigurado kung magtatapat siya eh. Atsaka diba mag-M.U. sila ni Colleen?"

"Ano ka ba. What if nga diba? So ano nga ang sagot mo? Oo o hindi?"

Nag-isip muna ako ng ilang sandali bago ako sumagot. "Oo na. Oo nalang." nagtititili na naman siya. Nakakahiya talaga.

"Pero..." sabi niya nang kumalma na siya, "paano si Brix?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Halos makalimutan ko na si Brix.

"Mahal mo ba talaga si Brix?" Nang tanungin ako ni Camylle ng ganong klaseng tanong, napaisip ako.

Mahal ko nga ba talaga siya? O akala ko lang mahal ko siya because he makes me feel wanted?

"Hi-hindi ko... alam." sagot ko.

"Hindi mo alam?" I could already imagine her raising a brow at me.

"Nalilito ako, Camylle." I admitted.

"Alice, I don't think na may feelings ka talaga kay Brix. Ang gusto mo talaga ay si Dylan. Napansin ko lang kasi na kapag magkasama kayo ni Brix, may iba kang hinahanap. Mas masaya ka kapag si Dylan ang kasama mo na para bang wala ng ibang tao sa paningin mo kundi siya lang. I honestly think you're in love with him. Kahit 9 months palang tayong magkaibigan, Alice, I could tell from how I look at you that the one you really like is Dylan. Not Brix. "

Sinubukan kong balikan ang lahat ng mga nangyari mula noong nakilala ko si Dylan. At oo nga. Tama si Camylle. Ngayon ko lang rin na-realize na mula noong ma-in love ako kay Dylan, nagsimula na akong magbago. Naging mas expressive na ako sa feelings ko. Noon kasi tinatago ko lang yung nararamdaman ko sa iba at si Camylle lang ang pinagsasabihan ko. Hindi nga lang lahat sinasabi ko sa kaniya.

Something Tells Me I'm Falling in Love ✔️Where stories live. Discover now