Part Ten

200 65 27
                                    

| Part Ten: 11:11 |

"11:11 make a wish."

***

Dandy. Dandy.

Paulit-ulit kong sinabi sa isip ko hanggang sa- "Dandelion!" hindi makapaniwalang sinabi ko sa kanya. "Ikaw na ba yan?"

"Oo, ako 'to!" lumapit siya sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. Niyakap ko na rin siya pabalik.

"Akala ko nakalimutan mo na ako ate!!" inangat ni Dandy ang mukha niya, doon ko napansin na umiiyak siya.

"Asus. Iyakin ka parin, ang tanda tanda mo na."

Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at saka nagpout.

"Hindi bagay sa'yo Dandy. Huwag kang gumaya doon sa mga taong nagpupumilit na magpa-cute."

"Ate naman hanggang ngayon masungit ka parin. Ka fifteen palang ako noh at ikaw na rin ang nagsabi na cute ako."

"Hindi kaya ako masungit at Dandy noon cute ka dahil bata ka pa tingnan mo nga yang sarili mo ang laki mo na. Hindi nga kita nakilala. Nagbago yang itsura mo."

"Syempre naman ate. Alagang Japan ito eh."

"Galing ka sa Japan?"

Tumango tango si Dandy.

"Doon din ako nag-aral ate."

"Kamusta naman?"

"Okay naman ate. Nagkaroon din naman ako ng mga kaibigan doon at nakapagaral naman ako ng maayos... pero iba rin ang pakiramdam na mag-aral dito."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Um ate."

"Bakit?"

"Natatandaan mo pa ba yung 11:11 wish natin?"

"Oo naman pero hindi ko na yun ginagawa."

"Sus ate magtatampo niyan ako."

Napangiwi ako. Nagpromise kasi kami noon na dapat pag eksaktong 11:11 na ng umaga o gabi dapat nagwi-wish kami.

Noong bata pa ako excited ako pag 11:11 na, naniniwala kasi ako na magkakatotoo ang mga hiling ko. "Make a wish" ang una kong sasabihin. Pero marami nang nagbago. Hindi na ako naniniwala sa 11:11.

"Hindi na kasi nagkakatotoo ang mga hini-hiling ko."

"Hindi yan totoo!" hinawakan ni Dandy ang magkabilang balikat ko. "Alam mo bang hiniling ko na makapunta at makapagaral sa Japan? Di ba nagkatotoo. At hiniling ko din na makita ulit kita sa pagbalik ko dito sa Pilipinas kahit zero percent chance lang ang tsansang magkita ulit tayo. Pero ito nasa iisang school tayo at naguusap pa."

Napatitig lang ako sa kanya ng mga ilang segundo.

"Ate? Hello?"

"Bakit? Ano bang ipinaglalaban mo?"

***
| Dandy |

"Tingnan mo yung bata mag-isa lang siya."

"Palagi siyang nakaupo diyan sa ilalim ng puno simula pa noong pumunta siya dito."

Tiningnan ko yung batang pinaguusapan nila. Isa siyang batang babae. Nakaupo lang siya doon habang may binabasa.

"Bakit parang hindi pamilyar yung itsura niya?" tanong ko; Hindi inaalis ang tingin doon sa bata.

When I Was HereKde žijí příběhy. Začni objevovat