Part 4.1

207 85 16
                                    

|Part 4.1: Future|

"The best way to predict future is to create one."

✎✎✎

"Ano ba 'yan mukha kang zombie!" siningkitan ko lang siya ng tingin.

"Yan!" turo niya sa akin "mas lalo kang nagmukhang zombie!!"

Nakakairita. Tinakpan ko nalang ang tenga ko.

Tinitigan ko nalang T.V kahit wala akong masyadong marinig. Nakikita ko sa gilid ng mata ko si ate na dada parin ng dada habang nagpupumiglas.

Tumayo na ako sa upuan habang nakatakip parin ang tenga ko.

"Huy saan ka pupunta! Tanggalin mo to'ng tali na tinali mo sa akin. Hindi ako makaalis." tuloy lang ako sa paglakad habang umiiling-iling "Huwag mo ako iwan dito!"

Sinara ko kagad ang pintuan sa kwarto ko at humiga ulit sa kama.

✎✎✎

"Bakit hindi ka pumasok kaninang umaga NJ?"

"Oo nga bakit?"

"Oo, first time mo palang mag halfday."

"Cutting classes na yan."

"Ha ano wala wala basta private. Sa akin nalang yun." iniling iling ko pa yung ulo ko pero mas lalo rumami ang lumapit at nagtanong. Hay.

"Ano ba yan tabi nga kayong mga tsismo't tsismosa" nakita ko nalang si Charm nakikipag siksikan sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Tabi" bigla nalang ito sumigaw ng malakas, napatingin sa kaniya ang mga kaklase namin. "Ay hindi pala" ngumiti ito "Umalis na kayo!!!" natakot yung iba naming kaklase yung iba sinamaan lang siya ng tingin bago isa isa silang umalis.

"O ayan wala na sila. Dapat magpasalamat ka sa akin." inikot ko ang mata ko.

Magta-thank you na sana ako nang magsalita siya. "Hindi binabawi ko ang sinabi ko." ngumiti siya ng nakakaloko "Sabihin mo sa akin kung bakit ka na-late."

.

.

Tsismosa

.

.

"Yun lang ba. Na-late ako dahil nakatulog ulit ako. Yun lang." nanliit yung mata niya.

"Y-yun lang..." I shrugged

"Nagsisinualing ka." sinabunot niya pa ang sarili niyang buhok. "Nakita ko kayo ni Masaru na magkasama kahapon!"

Magkasama. Si Masaru. Kahapon

Napatulala ako sa sinabi niya.

"A-ano h-hindi kaya!"

"Nanginginig ka at namamawis, nagsisinualing ka. Nakita ko kayong umuwi ng magkasama a-at binigyan ka niya ng kwentas."

Oh oh

"Alam kong nasa bulsa mo yun!" sabay pasok ng kamay niya sa bulsa ng pantalon ko.

"Aah! Anong ginagawa mo?! Alis!!" nagpanic tuloy ako pero nakuha niya na yung kwentas.

"I-ibalik mo yan!" inabot ko sa kamay niya pero tinaas niya naman ito. An'g sabi ng sapatos ko sa 4 inch heels niya.

"Ngayon sabihin mo na yung totoo."

"Totoo naman yung sinabi ko."

"Weh?"

"Oo."

"Talaga?"

"Talaga."

Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog yung bell. Oras na ng P.E

Napatingin ulit ako sa kanya unti unti niya ng binababa yung kamay niya. Ito pagkakataon ko na 'to!

Hinablot ko kagad yung kwentas sabay takbo ng mabilis.

"LAGOT KA SA AKIN NASH!!! MALALAMAN KO RIN ANG LAHAT!!!"

Sana hindi

✎✎✎

"Okay class, today one of our transfer students willingly invited some of his classmates from his former school here in our P.E class to help us in practicing, since were going to have our swimming tournament next month." nagbulungan ulit yung mga kaklase ko and once again I feel left out.

"So everyone in the swimming club, please don't go home early later. That's all." nagsimula na silang pumunta sa Field section pero ako nagpaiwan. Kanina ko pa hinahanap si NJ pero wala. Nasaan kaya siya.

Lumakad na ako papunta sa Field section habang nakatingin sa berdeng damo sa buong Field.

Tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang sumalpok ako sa isang matigas na bagay. Ano 'to puno? Pero bakit kulay asul...

Unti unti kong tinaas ang ulo ko. Una kong nakita ang mga malalamig na pares na mata nakatingin sa akin. Nakakatakot.

Napaatras nalang ako ng bahagya at nagsorry sa kanya habang nakababa ang tingin ko.

Hindi siya sumagot. Gusto ko na umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ako makagalaw.

"Caleb!" may lalaking tumakbo na brown ang buhok papunta sa pwesto nung lalaking tinamaan ko.

"We've been looking everywhere for you. Let's go..." tumigil ang tingin niya sa akin. Mukhang naguguluhan siya.

"Who's this?" tanong niya doon sa lalaki habang nakaturo sa akin.

"Tss" umiwas naman ng tingin yung lalaki.

"What a cold guy." napakamot ng batok yung lalaking brown yung buhok.

"GUYS!!!" inikot ko yung tingin ko sa mga puno.

"Hey were over here!" napatingin naman kagad ako doon sa tinitingnan niyong brown haired guy. May nakita naman ako papalapit na lalaking blonde at lalaking raven ang kulay ng buhok.

Nang makita nila ako bumagal ang takbo nila nawala din ang mga ngiti nila.

"What's going on and who's this girl?" nagulat nalang ako nang may nagpatong ng kamay sa ulo ko. Si blonde haired boy.

Tiningnan ko isa isa yung mga lalaking naka-palibot sa akin.

Si cold guy na mukhang naiinis na ewan.

Si brown haired guy na mukhang problemado.

Si raven haired guy na parang naguguluhan.

At itong si blonde haired guy na mukhang tuwang tuwa pa.

Anong kaguluhan ang pinasok ko?!

When I Was HereWhere stories live. Discover now