Chapter 31 -Oopss!..-

4 0 0
                                    

Anita! Huwag ka magpapatalo! Akala ko ba magaling ka makipagsuntukan ba't ayaw mo makipagsuntukan? Dahil ba nandyan ang anak ng may ari ng school? At makikick out ka? Teka nasaan na 'yung kalokohan mo? 'Yung lagi mong plano? Ang hina mo ngayon, bakit?

Daldal ng daldal ang konsensya ko dahil pasugod na ang OX at sila Jeroff

"Elivia takbo na!" sigaw saakin ni CJ

"Teka!! Woah!! Teka may naririnig ako!" bigla silang napatigil ng sabihin ko 'yun

"Huwag mo nga kaming takutin" sabi ni Rickie Dickie dahil pagabi na ...madilim na nga eh

*AWOOOOO~~

"Teka wolf ba 'yun?" tanong ni Ferono na parang isip bata.

*Pok

"Baliw! Naniniwala ka dun!?" sigaw sa kanya ni Jenny

Ang smile ko napalitan ng evil grin wahhahaha!!! May naisip nanaman akong plano ,dahan dahan akong yumuko

"Nandyan na sila" bulong ko.

"Teka! Nasapian na ata siya tara na!" sigaw ni Ferono pero agad akong tumingin sa kanya "aaahh!!! Tara na! Tignan mo mata niya!"

"Whahahahahaha!!!" tawa ako ng tawa dahil naloko ko siya.

"Sugurin na natin siya" pagkasabi 'yun ni Jeroff eh saktong andyan sila Barako.

"Sugod!" sigaw ko.

*bark

*bark

"AAAAAAAHHHHHHH!!!!" ayan nagsitakbuhan

"Teka sila Barako?" tanong ni Queenie

"Pinakawalan ko kasi sila kaganinang umaga dahil gusto daw nila lumabas at pumayag naman ako dahil kaya naman na ata nila ang sarili nila" sabi ko

"Anita ..yung totoo? Kinakausap mo ang aso?" tanong ni Erick

"Oo" deretso kong sagot pero ang totoo hindi.

"Haha! Ang galing mo Anita!" sabi saakin ni Queenie

"Ako pa!" proud kong sabi

"Ang yabang" narinig kong bulong ni CJ at Raul

"Narinig namin 'yun!" sabi ni Jaja

"Alis na ta'yo Queenie" sabi ko

"Pupunta pala ta'yo ng mall ngayon!" excited na sabi ni Queenie

"Anong gagawin natin dun?" tanong ko

"Edi magbonding! Kasama silang lahat"

"Kuya! Sama ta'yo!" sabi ni Jaja

"Ayoko!"

"Sama ka na!" sabi ko

"Oo nga!"

"Sige na!"

"Ayoko pa rin" pagmamatigas niya

"Majority wins! Isa ka lang apat kaming payag" sabi ko

"Teka paano 'tong mga aso?" tanong ni CJ

"Bayaan niyo muna 'yan kaya na nila sarili nila" sabi ko

"Weh!?" napa-weh silang lahat

"Totoo naman eh alangan ibalik pa natin sila sa hotel ko" sabi ko

"Sige na nga tara na mamaya kagatin pa nyan ang pwet ko"

***

Pumunta kami ng mall para bumili ng pagkain nila Barako at kumain ng dinner

"Nagugutom na ako" sabi ko

"Kawawa namang bunso! Gutom na ...huwag niyong gugutumin si Bunso!" pangaasar ni Erick at sinamaan ko siya ng tingin at nagsitawanan ang lahat.

"Porke't nandyan 'yung mahal mong babae" pangaasar ko din.

"CJ ka lang eh!"

"Jaja ka lang eh!"

"Tama na ang isipin na lang natin ay ...saan ta'yo kakain?" tanong ni Queenie

Ang top question daw sa galaan:

Saan ta'yo kakain?

Diba!?

"Sa formal" -ako

"Sa japanese" -CJ

"Sa korean" -Erick

"Sa american" -Raul

"Sa filipino" -Jaja

"Teka! Kumakain ba ka'yo ng tao?" tanong ko.

"Huh?" napalingon silang lahat saakin

"Si CJ kumakain ng japanese na tao tapos si Erick korean na ta--"

*pok!

"Aray!" ang sakit ng batok nila!

"Slow!" sabi netong CJ na 'to

"Corny neto!"

"Bunso nagaral ka ba?" tanong ni Erick

"Anita ang ibig sabihin nila ay restaurant hindi tao"

"Ah..sorry naman pero iba iba ang suggestions natin saan na ta'yo?"

"I challenge all of you! Sa maanghang ta'yo kakain" pagkasabi nun ni Queenie eh nagulat ako,sa maanghang!?,I cant eat spicy! "ano? Sasali ka'yong lahat?"

"Hoy! Ba't ganyan reaction mo?" tanong saakin ni CJ.

"Ah..excited na ako!" pagkukunwari ko...ang top secret ko kasi ay hindi talaga ako kumakain ng maanghang hindi ko pinapaalam sa iba.

"Hindi dyan sasali si Elivia" sinamaan ko ng tingin si CJ.

"Bakit?" tanong ni Jaja

"Halatang hindi kumakain si Elivia ng maanghang" epal naman si CJ!

"Ah..hindi noh! Excited na kaya ako! Pinakafavorite ko kaya maanghang" alam niyo kung bakit ako nagpapanggap? Aasarin nanaman nila ako eh! Talo pa ako ni Jaja ('∀')

"Tara na at excited na akong makita ang bunso kong kapatid na kumakain ng maanghang" sabi ni Queenie sabay naglakad lakad na kami.

Pumasok na kami sa restaurant na puro maanghang daw ang pagkain then lahat kami inorderan ni Queenie ng pinakamaanghang na pagkain sa restaurant.

Habang kumakain kami i mean sila tinitignan ako ni CJ na nasa harap ko...anong problema niya!?

"Naiilang ako! Huwag mo akong tignan" sabi ko sabay umiwas naman siya ng tingin at kumain na.

"Ba't hindi ka pa kumakain?" tanong niya.

"Huh? Eh mainit pa eh" palusot ko.

"Kasama 'yun sa challenge..kakainin mo kahit mainit" sabi ni Queenie.

Sa huli,kumain ako at halos masuka ako grabe! Ang hot!!

Ang hot ng nasa harap mo!!

Nandyan nanaman si Epal! Si CJ hot!? Wow ha, Ang laking kalokohan!! Teka! MagCr muna ako dahil nasusuka na ako waaahh!!

"Excuse" sabi ko sa kanila

"Sasamahan kita" sabi ni CJ

"Sa girl's CR papasok ka!? Sige,babae ka naman talaga eh" pangaasar ko pero napatakip ako ng bibig dahil palabas na ang suka ko.

Tumakbo na ako papuntang CR pero may humarang na isang este dalawang grupo 0.0 ang OX at sila Jeroff!

"Aba! Nandito pala ang Anita Danita" sabi ni Jeroff sabay evil grin.

Hindi ako makapagsalita dahil nasusuka na ako!! Kaya binigyan ko siya ng sign na tumabi pero..

"Anong--"

*Puke!

Oopss! ⊙︿⊙

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon