Chapter 17 -Burger & Kiss-

11 0 0
                                    

Nagising ako katabi ko na si CJ!!?? Oo nga pala nakatulog ako sa kotse at nakita ko na lang na katabi ko etong mokong na 'to!?!

Nakapatong pa ang ulo ko sa balikat nya at nakapatong ang ulo nya sa ulo ko..gets nyo? Syempre... At ang pagkakaalam ko nagShort stop lang kami sa mini stop para kumain ng meryenda

"Anita bumaba ka na dyan kain muna" nakita kong binuksan ni Queenie yung pinto ng kotse at pinalabas ako

Si CJ? Wala eh tulog pa kaya kinumutan ko muna at pinahiga sa upuan ..ang BAIT ko noh!

"Yiee!!! Kinumutan nya!" parang daga si Queenie kung maka 'ayiiee!'

"Para kang daga alam mo 'yun?" tanong ko

"Hindi" pagpilosopo nya

Bumaba na lang ako at nagm)mimiryenda ang buong OX pati si Erick at Yuki

"Hello pipol!!" bati ko sa kanilang lahat napatingin silang lahat pati na yung cashier at bumibili okay pahiya ako nagpeace sign ako sa kanila

"Pahiya tsk!"

"Buti nga!"

"Bagay lang sa kanya 'yun"

"Pabida kasi lagi eh"

"Ayan! Anong napala mo?"

"Naku! Madaldal kasi"

Hindi na lang ako nagreact

sa mga sinabi saakin ng OX at nagorder na lang ng makakain

"Burger na lang at softdrinks" sabi ko kay Queenie habang nakapila sa cashier

"Ayaw mo fries?" tanong ni Queenie

"Ayaw"

"Ok"

Pagtapos namin maorder ang burger umupo kami malapit sa OX

"Uy! Burger din ang inorder! Game paunahan tayo sa pagkain nyan" tinaasan ko lang ng kilay si Ferono sa sinabi nya "sige na!"

"Ok game!" pagpayag ko kasi malaki din naman ang burger

"Anita" tawag saakin ni Queenie at halatang hindi payag

"Akong bahala" bulong ko

"Support kita Elivia!" pagcheer saakin ni Yuki

The game started....Now!

Mainit masyado ang burger ko kaya naluha luha ako ng unti pero si Ferono kaganina nya pa inorder kaya kain ng kain

"Wahahahhahaha!!! Naluluha!!"

"Buti nga sa kanya!"

"Nagmamarunong kasi"

"Akala nya kaya nya si babe"

"Grabe namumula na sya wahhahaha!!"

Ok! Hindi ko na kaya! Waaaaaah!! Anong gagawin ko baka mabigo ko si Yuki! At nasusuka na ako!

"Teka lang may daya! Mainit ang burger nya kay--" hindi na natuloy ni Yuki ang sasabihin nya ng patahimikin sya ng OX

"Sssshhhh!!!!"

*cough

*cough

Eto na mabubulunan na ako waaah!!!

"Itigil nyo na 'yan" napatayo ako dahil nagulat ako dahil nasa likod ko si CJ ..patay! Papagalitan ako nito

"Huwag ka ngang epal!" sigaw sa kanya ni Jake

Hinila na ako ni CJ palabas ng mini stop at dun ako pinagalitan ni CJ na parang nanay ko

"Sira ka ba!? Nagpapakahirap ka para sa wala?!"

Finding Some Happiness (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon