Chapter 13 Part 3

11.4K 165 62
                                    

F A I T H (Princess' Mother)

Nakaalis na ang mga magulang ni Kris kanina. Kinamusta nila ako sa kalagayan ko ngayon. At pinagsabihan, nung una ay nadisappoint sila samin ni Kris dahil malaki ang tiwala nila samin ngunit sinira lang namin iyon. Matapos nun ay sinabi nila na wala na rin naman silang magagawa dahil buntis na nga ako. Makalipas ang ilang kwentuhan pa nun ay umalis na rin sila, pero nagpaiwan si Kris.


D Y O A N G A N G A B E L S

Anim buwan na rin ang nakalipas simula nung palayasin si Faith ng kanyang mga sariling magulang sa kanilang bahay.


Ibig sabihin, kabuwanan na nito.


Sa nakalipas na mga buwan at hanggang ngayon, hindi tumitigil ang mga magulang ni Faith na bantayan ito sa pamamagitan ng private investigator at guard. Dahil kahit pinalayas nila ang kanilang anak ay hindi naman mawawala ang pagmamahal nila sa kanilang unica hija.


Dumating yung araw na isinugod na sa hospital si Faith dahil manganganak na ito, nang malaman ito ng kanyang magulang ay dumiretso agad sila sa hospital.


Pagkapanganak ni Faith sa kambal ay nawalan na agad ito ng malay dahil sa pagod. Saglit ding dumiretso ang linya sa life machine, ngunit bumalik din ang normal na paghinga ng dalagang ina.


Hindi rin nakaligtas sa kapahamakan ang isa sa kambal, na papangalanan nilang Yoon Gi. Dahil mahina ang puso't resistensya nito. Dahil ito sa nainom na gamot dati ni Faith at nagkaroon nga ng masamang epekto sa baby. At dun ibinalita ng doktor sa magulang ni Faith na kailangang maoperahan ng baby sa lalong madaling panahon.


Nalungkot ang mga magulang ni Faith sa narinig. Kaya naman naglabas ng napakalaking halaga ng pera ang mga ito para sa pagpapaopera ng baby sa ibang bansa.


Nagising si Faith, nakita niya ang kanyang Mama at Papa sa gilid ng kanyang kama.


"Anak, kamusta ka na? Maayos ba ang pakiramdam mo? Nag-aalala kami ng iyong Papa." tanong nito sa anak.


"Okay lang naman po ako Mama. Ang mga anak ko po ba? Nasaan? Nasa mabuting kalagayan ba sila?"


"Faith, hindi maganda ang estado ng isa mong anak. Kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. At mangyayari lang yun, kung susunod ka sa kasunduan namin ng iyong Mama." singit ng Papa niya sa usapan.


"Ano po iyon? Kahit ano gagawin ko, mapagaling lang ang anak ko." mabilis naman nitong sagot.


"Kami na ang bahala sa gastusin niyo dito sa ospital. Babayaran na rin namin ang mga utang niyo sa nakalipas na buwan. Ibabalik namin sayo ang lahat ng sa iyo. Hindi na kami hahadlang sa kung anong gusto mo, niyo ni Kris. Pero, sa amin mapupunta si Yoon Gi. Kapalit ng pagpapaopera nito sa ibang bansa."


"P-po?"


"Yun lang ang maitutulong namin sa inyo. Lalong-lalo na para sa bata."


Hindi gusto ni Faith ang gustong mangyari ng kanyang Papa ngunit wala naman siyang sapat na pera para pumunta sa ibang bansa at doon ipagamot ang kanyang anak.


Labag man sa kalooban niya, ay sumagot pa rin siya "Sige po, pumapayag ako sa gusto niyo"


Simula nung araw na yun ay hindi na nakita pa ni Faith ang isa niyang anak, pati na rin ang mga magulang niya. Nabalitaan na lang niya kay Kris na nasa South Korea na sila at nagkaayos na ang nobyo at ang kanyang mga magulang.

/EndOfSecondFlashback/


/ContinuationOfFirstFlashback/

"Kaya naman pinalipas ko muna ang dalawang buwan bago kami magtayo ni Kris ng sarili naming kumpanya, at yung kumpanyang sinasabi ko ay kung saan ka nakatapak ngayon." patuloy nito sa pagkukwento sa batang lalaki na seryosong nakikinig sa matanda.

/EndOfFlashbacks/


J U N G K O O K

"At dahil kila Tita Faith ko nalaman yun, kaya naman totoo ang sinasabi ko sa inyo na magkapatid si Suga hyung at Princess" pagtatapos ko sa sinasabi ko sa kanila.


"Oh, eh sino ka ba talaga? Bakit alam mo yan? Anong meron sayo at sa pamilya nila Princess?" naguguluhang tanong sakin ni Jin hyung.

~~~~~~~

D/N: Sooooo, missed me? ;) Huehue lols. Oh, ayan na ang UD. Hindi masyadong lame? Lols. Lame naman talaga siya xD Sorry na. Wala talaga akong maisip. At dahil madami na daw ang nahihintay ng UD, ayan na. Pagtiyagaan niyo yan.

Dedicated sa dalawang silent reader na lumabas sa kanilang lungga: beyaevone at kimchie_wp

At, sino nga ba talaga si Jeon Jung Guk sa istoryang ito? Any guess? :)

Don't forget to vote and comment! :D

Love,
DyoanPranses :*

BTS Sex SlaveWhere stories live. Discover now