Prologue

73 1 5
                                    

Tumigil ako sa paglalakad at nagpasyang umupo sa buhangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa direksiyon ng dagat.

Gabi na at tahimik ang paligid. Tanging paghampas ng alon na lamang ang naririnig ko ngayon. Sa bawat araw na lumipas, may isang tanong lamang ang bumabagabag sa aking isipan.

At yun ay kung may karapatan bang mangarap ang isang taong katulad ko.

Habang tumatagal, pabigat din ng pabigat ang mga bagay na ginagawa ko. Pero hindi ko aakalaing magkakaroon ako ng pagkakataon na mamuhay ng tahimik sa bayang ito. Malayo sa mga taong humahabol at naghahanap sa akin.

Lumipas na ang taon subalit pakiramdam ko ay sariwa pa rin ang sugat na natamo ko pagkatapos ng insidenteng iyon.

---

The moon is up and bright tonight. But who would have thought that this night would be a bloody one. I saw a lot of dead bodies lying on the ship's floor, bathed with blood. It's been half an hour since I manage to sneak in the enemies' ship.

As far as I know this ship is carrying a load of firearms that needs to be transacted tonight. However, it seems like the transaction is off and a dispute happened between the two powerful clan.

Without making any noise, I move swiftly to get through those dead bodies. Kailangan kong magmadali at hanapin yung taong hinahanap ko. Wala na akong oras para aksayahin pa. Getting involve between the mess of the El Fuegos and the Madriagas is the least thing I would want right now.

"Where is he?! Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na bantayan niyo mg maigi ang lalaking 'yon!"

Agad akong napatago sa likod ng isang nakatumba na mesa pagkatapos makarinig ng mga papalapit na boses.

"S-sorry boss, nagawa hong tumakas ng bihag. Masyado siyang malakas para sa a-amin." rinig kong sabi ng isa.

"Ano ba! Iisang tao na nga lang ang pinababantayan sa inyo hindi niyo pa magawa ng maayos?! You useless piece of shits!" pagkatapos nun ay sunod-sunod na putok ng baril ang namutawi sa tahimik na paligid.

Damn! that voice... if I'm not mistaken; it's Carlos----one of the prime rulers of the Madriaga clan. Alam kong hindi pang pipitsugin lang ang kakayahan ng lalaking ito and any minute right now, he would probably sense my presence.

I should get moving bago pa ako mahuli. Good thing narinig kong may tumawag sa kanyang telepono, so I grab the chance just right when he's distracted on his phone call.

I immediately runaway without him noticing me. Patuloy kong sinuyod ang kalakhan ng barko hanggang sa makarating ako sa bandang likurang parte nito.

There, I saw a man standing just a few meters away from me. My mood lighten up when I finally got to see him. Akmang lalapitan ko na sana siya nang mapansin kong may kausap pala itong babae kaya naman nanatili muna ako sa lugar kung saan ako nakatayo at tahimik silang pinagmasdan.

"Thank goodness! you're okay. I'm so worried about you." the lady said. She's wearing a champange dress; looking elegant in her style. I wonder who is she.

"I'm fine Brae, you should worry about yourself first. This is not a place for you to---"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng hinawakan ng babae ang magkabila nitong pisnge at saka hinalikan ito sa labi.

Ako mismo ay nagulat din sa ginawa ng babae. May kung anong kirot na lamang akong biglang naramdaman habang nakatitig pa rin sa kanilang dalawa. What the hell is this? The sudden searing pain I felt was unfamiliar. Even my chest tighten for no reason that made me uneasy to breathe.

Bad BloodWhere stories live. Discover now