Ang dami nilang Text sa akin. sinagot ko naman tinatanong nila, nag Tatanong kasi sila ano'ng Ginagawa ko bakit hindi ako nag rereply sa GC namin. may gc kasi kami nila Primrose, Stella, Kesper, kaming apat. 'yung Isang gc naman namin sa lahat na mga kaibigan namin.

Nakita ko nag text din pala si earvin.

Bestie Earvin:
I'll call you later, when you're not busy.

I smiled, bago ako mag reply sakanya.

Ako:
Hindi na po ako Busy! 😊

Maya-maya nag ring na nga 'yung Iphone ko, kaagad kong sinagot ang tawag ni Earvin.

"Hello po? sir?" pinipigilan kong h'wag matawa dahil inaasar ko lang naman siya.

[ano mas gusto mo, Mcdo or jollibee?]

kumunot naman noo ko sa diretsong tanong niya.

"alam mo naman 'yung sagot d'yan, Syempre both!" natatawa kong sabi, nag 'ok' lang si Earvin tsaka na niya pinababa 'yung tawag, nagtataka tuloy ako tumawag lang para itanong 'yon?

Kaya mas lalo ako natatawa at umiling nalang. Tiningnan ko naman banner na Ginawa ko, ang ganda ng gawa ko. kinuhaan ko pa ng Picture pero hindi kona muna siya ipopost. Dahil makikita na mga friends ko 'to.

tiningnan ko naman kung anong oras na, its already 9:40 PM

ka'ya mabilis ko na tinapos banner ewan ko ba Dinadagdagan ko pa kasi mga designs.

"Ma'am krizia nandito po 'yung Boyfriend mo."

mabilis ko naman binuksan ang pintuan sa kwarto ko ano'ng Boyfriend?

"sino si Zoro?" tanong ko sakanya, natawa lang siya at umiling at tinuturo ang leaving area namin.

Bumaba nalang ako at natatawa, hilig talaga mantrip na mga ibang maid namin. Bumaba nalang ako kahit alam ko naman walang bisita. Dahil gabi na sino pa bibisita ganitong oras, sakto din naman kasi pupunta ako sa kitchen para kumuha cereal para kumain bago matulog.

My eyes widened while looking at Earvin!

Nakita ko sa table may dala siyang dalawa galing sa Mcdo at Jollibee, pumarte ang labi ko sa nakita ko.

Lumapit na ako kay Earvin sa harapan n'ya. tsaka ko tiningnan binili niyang pagkain para sa akin, "Pinapataba mo ba ako?" tanong ko sakanya tsaka ako umupo sa isang coach.

"Dumaan lang ako kala Brander." He said as he glanced at me. taga dito din si Brander sa village namin malapit lang dito, Tinuro one time ni earvin sa akin Bahay ni Brander nung hinatid niya ako sa amin.

"grabe naman po, dumaan lang may paganito ka pa, Salamat po." Kinuha ko agad 'yung fries at sundae, Sinawsaw ko agad ang Fries sa sundae. nu'ng napansin ko nakatingin pala siya sa akin.

"Oh," sabay abot ko sakanya, hindi ko pa naman nakakain 'yon.

Kinuha naman ni earvin at kinain na din naman. ngumiti lang ako habang sabay na kami kumakain, Dapat hindi siya kakain inabot lang niya 'tong binili niya sa 'kin. Kaso pinilit ko talaga siya kumain.

Balak ko sana siya ayain panoodin isang episode na pinapanood namin Kaso naalala ko maaga pala kami bukas para sa program sa school. ka'ya pagkatapos namin kumain umuwi na siya.

Kinabukasan maaga ako nagising at pumunta sa school. nakita ko may mga tao na nga kaagad sa stage May mga nakita pa ako malalaking banner para sa Relarco mamaya.

ang gaganda na mga gawa at ang effort. ngumiti naman ako habang naglalakad, excited ako makita ni Earvin at ang Banda niya.

Pumunta na muna ako sa classroom namin para mag pasulat sa Attendance na pumunta talaga ako ngayon sa Program. pag kasi may mga ganitong ganap sa school halos hindi pumapasok 'yung Iba.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant