Marahan akong tumawa.

"N-Naliligo po kasi ako kanina..." mahinang sagot ni Stan.

Doc. Liam chuckled. "Alright. Magdamit ka na at baka magkasakit ka." Tumango naman si Stan bilang tugon. "At saka, may emergency button naman sa silid ni Mr. Villasanta. You just need to press it."

I bit my lower lip. "N-Nawala po sa isip ko  dahil sa pagkataranta."

"It's fine, but you know what to do next time, okay?" paalala niya na tinanguan namin ni Stan. Nagpaalam na rin si Doc. Liam matapos no'n.

Sabay kaming pumasok ng kapatid ko sa silid ni Tatay. Dumiretso naman ulit sa banyo si Stan para siguro makapagsuot na ng damit.

Lumapit ako sa higaan ni Tatay. Malungkot akong ngumiti nang ikinabit ulit sa kaniya ang oxygen mask niya. May mga naka-konekta rin sa katawan niya at may tumutunog na mga makina sa tabi ng higaan ni Tatay.

I sighed as I held my father's hand. "Huwag mo kaming iwan, 'Tay, ah? Alam kong malakas ka po. H-Huwag na huwag mo kaming iiwan ni Stan."

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Gusto ko nang matapos ang paghihirap ni Tatay. Ang sakit sa dibdib na makita siyang nahihirapan. Mas masakit pa 'to kaysa sa sakit na nararamdaman ko kay Theodore.

"Ate, pahinga ka muna. Ako muna ang magbabantay kay Tatay," sabi ng kapatid ko nang makalabas siya ng banyo.

Tumango ako. "Dito na 'ko magpapahinga. Hindi muna 'ko uuwi."

"Sige, Ate. Babantayan ko kayo," tugon niya. "Ipahinga mo muna 'yang utak mo, Ate. Midterms n'yo na bukas."

Bumuga ako nang malalim na buntonghininga. Nawala sa isip ko na bukas na pala ang midterms namin. Nagre-review naman ako nitong mga nakaraang araw, pero pakiramdam ko ay hindi sapat dahil sa kung ano-anong pinoproblema ko.

I sighed. Sa trabaho naman ay namomroblema pa ako sa dalawang gabi na nakita ko si Theodore na may kaniig.

Dapat ba na masanay na ako? Ipinapakita na ba niya ang totoong siya? At ano naman 'yong mga motibong ipinahiwatig niya? Iyong payakap-yakap niya? Iyong pagpapakalma niya sa 'kin kapag natataranta ako?

I sighed again. Ako lang naman ang umasa na may kahulugan ang lahat ng 'yon.

Kahit Linggo ngayon at walang trabaho at pasok sa eskuwela, pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako. Kaya wala na akong nagawa nang lamunin agad ako ng antok nang makahiga ako sa mahabang sofa rito sa silid.

NANG sumapit ang araw ng Lunes ay inabala ko ang sarili sa pagre-review pa rin. Hindi ako mapakali kapag hindi ako nagbabasa bago ang exam namin.

"Kalmahan lang natin, Mareng Sean. Baka ma-perfect mo lahat ng exams, aba!" Napatigil ako sa pagbabasa ng notes ko nang marinig ang president namin sa tabi ko.

"Last minute review na lang 'to," tanging sagot ko sa kaniya.

She chuckled. "Birthday ko sa Friday. Sama ka sa 'min."

Isinara ko ang binder na hawak at inilapag sa ibabaw ng desk ko at tiningnan si Milan.

"Tingnan ko," tugon ko.

Paniguradong after class gaganapin ang plano niya. May trabaho ako sa gabi at hindi ako puwedeng basta-basta na lang um-absent sa trabaho, dahil nag-advance ako ng sahod. Dalawang buwan pa.

"Sige na please...?" she pleaded. Kinurap-kurap niya pa ang kaniyang mga mata na para bang nagpapaawa siya. "Isang gabi lang naman, eh..."

I smiled. "Hindi ko sure, Milan. Alam mo namang may trabaho ako sa gabi."

The Billionaire's Wicked DareWhere stories live. Discover now