Para ding may kung ano sa sistema kong nagwawala.Hindi nga lang ako sigurado kung bakit.

Sa umaga ay may klase kami at sa hapon ay luluwas na kami papunta sa island resort nina Jaxon.Sa gabi naman ay imemeet namin ang parents niya.Malay ko kung anong balak niya basta magka ayos kami okay na.Balita ko'y darating din daw ang mga imported niyang kaibigan galing states.Kailangan ko talagang mag ayos.

Mala zombie akong naglalakad papunta sa hallway ng classroom.Isang klase lang kami magkaklase ni Jaxon.Mabuti naman dahil mamamatay ata ako sa awkward kung pati sa school makikita kopa siya.Naaninag ko si Maui na naka fishtail ang buhok.

"Tallie!"Nandilim ang paningin ko.Hindi kona siya nakita pa kagabi sa bar.Baka nga sila ang nauna na nung inakala kong si Sasha ang unang umalis.

"May nangyari ba kagabi?Balita ko ay nag away daw kayo ni Sasha.."Ani niya.Kalat na kalat nanaman ang balita hays.Napairap ako.

"Wala nevermind."Ayoko munang makita si Jaxon kahit ngayong umaga lang.Pati sa text at tawag niya,Ayaw kong makatanggap.

Sabay kaming umupo ni Maui.Nerd talaga ang isang to.Tingin ko ay wala nang makakapagpabago sa kaniya.Hindi kona siya pinansin at bumaling na lamang sa nagsasalitang teacher sa harapan.

"Now,We're gonna have a muse for our section.Cassandra was not here so we need an another one.A girl na panlaban sa intrams is what we need.Remember class,this is our final dahil sa susunod ay graduate na kayo okay?"Ani ng guro at naghiyawan ang mga estudyante.

Napahalumbaba ako.Sa totoo lang wala talaga akong pakealam sa mga ganitong okasyon.Taga nood lang ako palagi.

"Quiet!"She continues."Who wants to nominate first?",

Nagpakitang gilas ang mga kaklase ko.

"Ma'am si Mj!",Hiyaw ng kaklase ko.Napatawa ako.Pano yung tinawag niya,tibo.

"Ano ba!Ma'am ang gagago oh",Saway ni Mj habang nakakunot ang noo.Gago talaga,ikaw ba naman na tibo eh isasali sa intrams pag di ka naman nabaliw.

"Ma'am si Tallie!",Hiyaw ng bida bida kong kaklase.Masama akong tumingin doon.Nakangisi ang mga ito at halatang ako ang pinagtitripan.

Shet.

"Oo nga po ma'am si Tallie!",Hiyaw pa ng katabi kong si Maui.Gusto kong sumigaw.Sa dinami dami ako pa talaga.

"Okay enough class."Ani ma'am."Miss De Varra,Follow me at the office.",At baling sa akin ng guro.

Shet talaga.

Tamad akong tumayo."Goodluck Talliee",Ngisi ng mga kaklase kong ako ang tinuro kanina.

Masama ko silang tinitigan."Fuck you!",

Sumunod na ako sa guro.Ito ang first time kong sasali sa intrams.Galing no sa dami ng nangyayari sa akin ay may balak pa akong sumali sa intrams.Nakaka tuwa.Sa sobrang tuwa ay parang gusto kong sakalin Jaxon hanggang sa madeads na.

Nang makapasok sa loob ay bumalot sa akin ang malamig na aircon.Maraming tao rito.Busy at nakatutok lahat sa kani kanilang laptop.

"Maupo ka",Ani ma'am.Umupo ako sa upuan.Intramurals was not that bad.Tingin ko talaga ay hindi ito para sa akin ngayon.Sa dami kong problema?Really?

Tumayo si ma'am at iniwan ako.Naaninag ko naman na may papunta ditong matandang babae.Kulubot na ang noo nito sa sobrang nipis ng kilay.

"What's your full name?",Tanong niya at tinaas ang kilay.

"Uh..Natallie De Varra po."Nanginginig kong sabi.Tangina kailangan paba to?

"Tal?Or Dal?",

"Tal po.",

Tumango siya."Oh well Natallie,Since ikaw ang mag rerepresent sa section ninyo,You need to finalize yourself.Hindi pupwedeng lalampa lampa ka."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Yes ma'am.."

"Tumayo ka."Tumaas ang kilay niya."Tayo."

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo.Ni-straight body ko ang katawan ko at tumingin sa kanya.

"You have a coca cola body and a charming smile,Not bad."Sabi niya.Napangiti ako.Lahat kasi ng free time ko ay binubuhos ko sa pag gygym.Sinasabayan ko rin ng diet minsan.

Tumayo siya."Well then,Miss Natallie,Mataas ang expectation ng mga kaklase mo sa iyo kaya sana'y pagbutihan mo."Ma'am with an attitude face said at may binigay sa akin na papel.

Umalis siya sa harapan ko.Nang bumaling ako sa papel ay nakaprint dito ang mga criteria sa pageant.May schedules din gaya ng shoot,at kung ano ano pa.Lalo akong nastress.Mukhang malaki ang allowance nila sa pageant na ito ah?

Fuck it!Bakit nga ba ako pumayag dito?Now,My problem got worse.At sino namang mag iisponsor sa akin?I don't have anybody right now!Ayaw sa akin ni Mommy,ni Elanor,lahat!

Fuck.

Tumunog ang cellphone ko.Sign na may nag message.It's from Jaxon.Mula sa nakakadiring honey nickname niya palang ay alam na alam kona ang sadya niya.

From Honey Jaxon;

:Where the hell are you?Did you eat already?

Napabuntong hininga ako sa tanong niya.OA talaga.

;Kagagaling ko lang sa office,at papunta na ako sa susunod kong class ngayon.And yep,I already eat.

Pagsisinungaling ko.Tumigil muna ako at umupo.Actually,mamaya pa talaga ang class ko.At medyo busog parin ako dahil sa ininom na buko juice kanina sa office.

Muling nag text si Jaxon.

;Liar.

At may threat na emoji.Nanginig ang buong sistema ko.What does he mean by liar?Alam niyang nagsisinungaling ako?Muli akong nag text ngunit hindi na niya sinagot iyon.Bahala siya kainis.

But then,may mga lumapit sa aking nagtatawanan.Tropa ata ni Jaxon ang mga ito.Masama ko silang tinitigan.

"Tallie pumunta ka raw sa gazebo bilisan modaw sabi ni boss Jaxon,nako lagot kaa!",Tawanan ng mga kaibigan nito.Para din silang mga lasing.What the?Saka boss Jaxon?Eew!That's the most cringe word I've ever heard!

"Ano?At bakit naman?",Nanliliit mata kong tanong.Muli ko silang tinitigan at tama,mga lasing nga sila.

"Ah basta!Pumunta kana raw kung ayaw mong siya ang pumunta dito",The other guy hissed.

Dali dali akong nag martsa papunta sa Gazebo.Rinig korin ang hiyawan ng mga hayop na kaibigan ni Jaxon.

"Yan lagot kaaa!",

"Kaya nga lagot kaa!",Sabay tawa nila nang sumunod sa akin.Ngumuso ako.Nakakaramdam rin ako ng kaba habang papunta kay Jaxon.

Damn it!

His Wildful DesireOnde histórias criam vida. Descubra agora